Chapter 30:

4 0 0
                                    

           Maaga akong nagising ngayon, ewan ko ba kung bakit pero gusto ko lang makita si Liam kahit na kakakita ko lang sa kaniya kagabi at nakasama ng napakatagal na oras kahapon.

          Kaninang 6:30 pa ako naghihintay kay Liam sa garahe namin. Nagtataka nga sina Mama at Papa dahil prepared na ako para pumasok samantalang si Angel, kakagising palang.

          Dahil sa medyo matagal pa 'ata dadating si Liam, nakinig muna ako ng music sa phone ko.

6:45...

7:00...

7:15...

          Halos mag-iisang oras na akong naghihintay pero wala pa ring Liam ang nakikita ko. Ba't ang tagal naman niya? Malalate na kami.

"Oh Ate, di ka pa ba aalis? Malalate ka na" saad ni Angel

          Tinanggal ko ang headset ko mula sa aking teinga.

"Ah... hindi pa, hinihintay ko pa kasi si Kuya Liam mo"

"Bakit wala pa ba siya?" tanong niya kaya tumango naman ako

"Baka naman di ka niya masusundo ngayon"

"Di naman niya ako tinext na di niya ako masusundo kaya susunduin ako nun. Sige pumasok ka na, baka malate ka"

"Ayaw mong sumabay?"

"Di na, sige na"

"Ah... ok, sige bye"

          Tumango lang ako. Tinignan ko ang screen ng aking phone pero walang message na galing kay Liam. Baka late lang siyang gumising kaya late niya akong masusundo.

          Lumipas pa ang ilang minuto pero wala pa rin siya. Nakaramdam na ako ng kaba. Nag aalala na ako kung bakit wala pa rin siya hanggang ngayon. Sinubukan ko na siyang tawagan ng ilang beses pero di niya sinasagot. Hindi ko alam pero sobrang kinakabahan na ako. Sa sobrang kaba at pag aalala ko di ko napansin na nasa harapan ko na pala sila Mama't Papa.

"Oh ba't nandito ka pa Skylet?" tanong ni Papa

"Ah... e... kasi Pa wala pa po si Liam" sagot ko

"Baka naman di ka niya masusundo ngayon" - Mama

"Pero Ma, di siya nagtext sa akin na di niya ako masusundo"

"Kanina ka pa dito naghihintay. Naunahan ka na ni Angel pumasok" - Papa

"E... Papa naman, hinihintay ko nga po kasi si Liam"

"Skylet, maaaring hindi siya pumasok kaya di ka niya masusundo"

"Maaari nga po pero bakit di man lang siya nagtext" nakasimangot kong sagot

"Hay naku! Baka naman may sakit siya anak. Tara na, sumabay ka na sa akin. Ihahatid na lang kita sa school mo dahil late ka na"

          Di na lang ako sumagot. Nagpaalam na kami ni Papa kay Mama at sumakay na sa kotse.

          Tahimik lang ako buong byahe. Nag aalala pa rin kasi ako kung bakit hindi niya ako sinundo at kung bakit di man lang niya ako tinext. Di ako sanay ng ganito.

          Pagdating namin sa tapat ng school, nagpaalam na ako kay Papa at lumabas na ng kotse. Tahimik akong naglalakad, nag-iisip kung bakit walang Liam ang nagsundo sa akin. Gusto kong bilisan ang paglalakad ko pero nanghihina ako habang papalapit sa room namin.

          Pagkapasok ko ng room, lahat sila nakatingin sa akin pero sa iisang direksyon lang ako nakatingin, at sa upuan 'yon ni Liam na bakante. Wala siya.

"Why are you late Ms. Montero?"

          Natauhan at napabalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang boses ni Ma'am Carlos.

"Good morning Ma'am..." bati ko

"... Ma'am kasi po nalate ako ng gising. Sorry po"

"Ok, next time wag ka ng malalate" tugon ni Ma'am

"Yes Ma'am" sagot ko

          Mabuti na lang at mabait si Ma'am Carlos. Pumunta na ako sa upuan ko at naupo na.

          Tahimik lang ako buong discussion. Hindi ako makapagfocus sa mga topic namin at sa pagkakaalam ko, walang pumasok sa utak ko. Gusto ko mang gamitin ang utak ko para mag-isip sa pag-aaral pero useless dahil iisa lamang ang iniisip nito, at iyon ay si Liam. Kung bakit siya absent, kung bakit di niya ako tinext, kung bakit di niya ako sinundo at kung bakit parang kakaiba ang nararamdaman ko ngayon. Feeling ko may kakaiba ngayon.

          Dahil sa lutang ako ngayon, nasa likuran ako ng mga best friends ko. Papunta kaming cafeteria, break time na kasi. Di ako makasabay sa mga sinasabi nila kaya napili ko na lang na tumahimik.

          After naming um-order, nagtungo kami naman kami sa usual table namin. Nagkwekwentuhan pa rin sila at ito pa rin ako walang imik kaya kumain na lang ako. Napahinto naman silang tatlo sa pagkwekwentuhan ng mapansin nila ako.

"Oy Skylet" - Rica

"Hmm?"

"Ba't wala kang imik?" - Ali

"Ah... wala lang" matamlay kong sagot

"May sakit ka ba? Kanina ka pa matamlay" tanong ni Tere

"Wala naman"

"Ah... ok pero nasaan si Liam?" - Rica

"Oo nga, di ba siya papasok?" - Ali

"Ewan" tipid kong sagot

"Huh? di mo alam?" - Tere

"Oo, di siya nagtext sa akin atsaka di niya rin ako sinundo"

"Sabi na e, kaya ka ganyan" - Rica

"May LQ ba kayo?" tanong naman ni Ali

"Wala, ok pa naman kami kagabi" sagot ko

"Baka naman may sakit" - Tere

"Ba't di man lang niya tinext sa akin? Di ba niya alam na mukha na akong tangang naghihintay sa kaniya kanina. Atsaka girlfriend niya ako, dapat niyang sabihin sa akin kung may sakit siya o wala dahil nag aalala ako"

          Di ko namalayan na unti-unti na palang kumakawala ang mga luha sa aking mga mata. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, halo-halong emosyon.

"Sshh... tahan na Skylet" - Tere

"Hintayin mo na lang, baka mamaya papasok na 'yon o di kaya magtext na sayo" - Ali

"Tama si Ali, wag ka ng umiyak. Sige ka, papanget ka niyan" - Rica

          Pilitin ko mang ngumiti o tumigil na sa pag-iyak, di ko kaya. Ang bigat na kasi sa dibdib. Ano nga ba ang dahilan, bakit wala siya.

BiroWhere stories live. Discover now