Chapter Nineteen: Decision

1.1K 39 2
                                    

Pagpasensyahan ang kamalian. Nobody's perfect but practice makes perfect ^_^ Hohoho

#*#*#*#*#*

  CHAPTER NINETEEN: DECISION

   NATHAN's

   Bakit ganito si Kina? Parang iniiwasan niya kami. Nakabalik na kami ngayon sa Pilipinas. Tapos na kasi yung christmas vacation namin sa Japan.

   At simula nung lumapag ang eroplano sa airport, hindi niya na kami pinapansin. Naging malamig na siya sa amin.

   Tuwing kakausapin ko siya, titignan niya lang ako with a bored expression. Naguguluhan at nasasaktan na ako.

   Oo nasasaktan ako dahil kahit ilang beses kong itanggi sa sarili ko na hindi ko siya mahal, kabaliktaran ang nangyayari. Mas lalong lumalalim ang pagmamahal ko sa kaniya.

   Oo mahal ko siya. Siya lang ang pangalawang minahal ko na babae. Pero hanggang ngayon ay malinaw parin sa akin kung paano kami nagkahiwalay ng unang babaeng minahal ko.

   *FLASHBACK*

   It was our first anniversary. At ngayon na ako magpropropose kay Rose. Mahak na mahal ko siya.

   Napag usapan namin na magkita sa J restaurant. Ito ang paborito naming kainan. Dito kami madalas magdate at dito kami unang nagkakilala.

   Pagkarating ko doon, nakita ko siya na kasama si Jared Lim. Bestfriend ko siya. Kababata ko na rin dahil since diapers magkaibigan na kami.

   "Kailan mo sasabihin sa kaniya ang lahat?" rinig kong tanong ni JR. I used to call him JR short for JaRed.

   Yumuko si Rose. "Ngayon ko na balak sabihin sa kaniya na mahal kita" sabi niya. At dahil doon ay labis akong nasaktan.

   "Kayanin mo Rose. Nandito lang ako. Mahal kita" sabi ni JR at hinalikan ang kamay ni Rose na nakapatong sa table.

   Nalaglag ko ang dala kong bulaklak dahilan para mapatingin sila sa akin. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha nila.

   "N-niel" mahinang sambit ni Rose sa pangalan ko.

   Tinignan ko siya, sila. Bago ako tumakbo palabas ng restaurant. Shit! My own bestfriend and my girlfriend betray me.

   Mabilis ang pangyayari. Nakita ko na lang si Rose na duguan at may kotseng nakahinto. Ako naman ay nakahiga sa gilid ng kalsada. Si JR naman ay nasa kabilang kalsada at gulat na gulat sa pangyayari.

   "R-rose" mahina kong sabi sa pangalan niya.

   Ngumiti siya kahit nahihirapan na siya. "S-sorry N-niel" nahihirapan niyang sabi.

   Pumikit na siya. Nagsimula ng tumulo ang mga luha ko. Dinala namin siya sa ospital pero dead on arrival na.

   *END OF FLASHBACK*

   Doon nagsimula ang alitan sa pagitan ng grupo ko at grupo ni Jared. He betray me.

   Pero hindi na mahalaga yun dahil ngayon nakamove on na ako. Mahal ko na si Kina.

   TEKINA's

   Simula ng bumalik kami dito sa Pilipinas ay hindi ko na sila pinapansin. This is for their own sake.

   Nahihirapan man ako pero kailangan kong gawin ito. Alam kong nasasaktan sila sa mga nangyayari. I decide na iwasan na silang lahat para hindi na maulit ang nangyaring pagkidnap kay Nate.

   "Kina" tawag sa akin ni Nate. His the one and only person called my Kina. Then Jared called me Ekina.

   "What do you need?" malamig na tanong ko sa kaniya.

   "Can we talk?" tanong niya.

   "I'm sorry but I'm busy" malamig na sabi ko at tumalikod na sa kaniya. Maglalakad na sana ako pero bigla nalang akong nakaramdam ng yakap mula sa likod. 

   *DUG DUG DUG DUG*

   Bumilis ang tibok ng puso ko. No....This can't be happening...I don't want to risk again...

   "Kina I love you" basag ni Nate sa katahimikan. Ako ay sobrang nabigla sa sinabi niya. Bumilis uli ang tibok ng puso ko. Fuck!

   "Nate let me go" malamig na pakiusap ko. Ayoko na uling masaktan. Ayoko na uling sumugal. Ayoko ng may mapahamak dahil sa akin. Tama na, na nawala siya. Tama na, na nagbuwis siya ng buhay para sa akin. 

   "Please Kina why are you doing this to me?" mahinang tanong niya. Nakayakap pa rin siya sa likod ko.

   "Doing what?"painosenteng tanong ko.

   "Iniiwasan mo ako. Hindi mo na ako pinapansin. Tell me bakit? Dahil ba ito sa nangyari nung nasa Japan tayo? Kina wag mo ng alalahanin yun please" pakiusap niya.

   Kumalas ako sa pagkakayakap niya at humarap sa kaniya. Napatigil ako ng makita ko siyang umiiyak.

   "Akala mo madali para sa akin ang iwasan kayo?!" sigaw na sumbat ko sa kaniya. "Hindi! Nasasaktan din ako!" sigaw ko uli. Hindi ko na nakayanan.

   "HINDI MO ALAM ANG PINAGDADAANAN KO! HINDI MO ALAM KUNG GAANO KASAKIT MAWALAN NG MAHAL SA BUHAY! AYOKO NANG MAY MAWALA PA SA AKIN! Importante kayong lahat sa akin" sigaw ko pero yung huling sentence ay mahina na. "Kasi mahal kita" halos pabulong na sabi ko.

   Yumuko ako at nakita kong napatigil siya. Ngumiti siya at pinunasan ang luha niya.

   "Kina I love you. I love you so much. I don't know when and why I love you but that's not important anymore" sabi niya saka ako hinalikan sa labi. Nagulat ako sa ginawa niya.

   Humiwalay na rin siya at ngumiti. "I love you Tekina Senshi. My assassin girlfriend" sabi niya at hinalikan ako sa noo.

   "I love you too Nathaniel Lee. My innocent MU" sabi ko. 

   "MU?" naguguluhang tanong niya.

   "Yeah. Mutual Understanding" nakangiting sabi ko.

   "Why?" tanong niya.

   "Kasi hindi mo pa ako nililigawan :P" nang aasar na sabi ko.

   "Eh parehas naman na tayo ng nararamdaman ah" nakangusong sabi niya.

   "Bleh :P" parang batang dinilaan ko siya. Hehehe. I miss this side of me.

   "I love you Tekina"

   "I love you Nate"

   #*#*#*#*#*

   Hehehe hope you like it. Siningit ko na kahit may periodical kami ^_^

Ms. ASSASSIN meets the INNOCENTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon