Chapter Thirty-Two: Charity's Anniversary

1K 19 0
                                    

Enjoy!

#*#*#*#*#*

CHAPTET THIRTY-TWO: Charity's Anniversary

SOMEONE's

"Anong balita?" malamig na tanong ko sa tauhan ko.

"Wala pa po Master. Huli po naming balita sa kaniya ay nasa Pilipinas po siya ngayon" nakayukong paliwanag ng tauhan ko.

"MGA WALANG KWENTA! Hanapin niyo siya! Wag kayong haharap sa akin kung hindi maganda ang balita niyo! Baka mapatay ko lang kayo!" galit na sigaw ko.

"Yes Master" magalang na sabi niya at umalis na.

Kinuha ko yung litrato niya. Ang ganda talaga niya. Oras na magkita tayo mahal ko, sisiguraduhin kong wala nang aagaw sayo. Akin ka lang mahal ko. Akin ka lang!

TEKINA's

Augggh! Nakakasawa na yung pagmumukha ng barkada ko! Sa araw araw na ginawa ng Diyos sila lagi ang nakikita ko. Nakakasawa naman na noh.

Nandito kami sa garden. Ito na ang ginawa naming tambayan kapag walang klase. Ano kamong ginagawa namin?

Ako nakaupo sa ilalim ng puno habang si Nate ay nakahiga sa lap ko at natutulog. Mukha na ba akong unan ngayon? Tell me!

Si Lanz naman kasama yung syota niyang si Jane. Opo may syota na siya. Mag-iisang linggo palang sila. At dinaig pa kami ni Nate na mag-iisang buwan! Kung makapagyakapan at halikan in public. Nako Kabog!

Si Charles naman nakahiga din sa ilalim ng puno na malapit sa amin habang naglalaro ng temple run. Pucha kanina pa sigaw ng sigaw.

"PUCHA! Bwisit kang ungggoy na ibon ka! Masunog ka sana! Uulamin kita!" yan lang naman ang sinisigaw niya. Tss.

Si blake naman nakikipagboxing sa langgam. Opo sa langgam. Galit na galit sa langgam. Pano kanina pa siya kinakagat. Ayun sinundan niya yung mga langgam na nasa garden. Mukhang tanga lang eh.

Si Angelo naman, anong aasahan mo? Ayun nakasandal sa isang puno habang nakaheadset at nagbabasa ng libro. Anong libro? Talambuhay ni Sir Isaac Newton. Anong interesting dun?

Si Jake may kasama lang naman dalawang babae sa magkabilang braso niya. Tapos maya maya maghahalikaw. Tsk. Playboy.

Si Jude naman may kasama ding babae at naghahalikaw sila literaly. Pero kapag tinitignan ko sila ng babae niya eh nahuhuli kong ang sama ng tinin kay Nate. Nung problema nun?

Si Jared. Ito ang pinakamatindi sa lahat. Masama ang tingin kay Nate. At ang masama akala niya ata eh beer yung ice tea na binili namin kanina at kanina pa siya tungga ng tungga. Buti di nabundat 'to.

Busy kami sa kaniya kaniya naming gawain nang may narinig kaming sumisigaw. Napatayo tuloy ako ng wala sa oras sa sobrang gulat at nalimutan ko na nakaunan pala si Nate sa akin. Kaya ang landin niya ay sa damo.

"Bakit may sunog ba?! Nasan?! Kina san yung sunod?!" sunod sunod na sigaw niya.

"Wahahaha" natawa kami sa reaksyon niya.

Masama pala ang binibitin ang tulog niya. Kung ano ano iniisip.

"Ms. Tekina! Ms. Tekina!" sigaw nang isang babaeng blonde na mukhang freshman pa lang.

Lumapit ako sa kaniya. "Yes?"

"Napulot po namin sa room niyo" magalang na sabi niya.

"Thanks"

Nagruroom kasi yung ibang year sa room namin kasi minsan tamad ang mga teacher lumipat ng room. Tss.

"Ano yan?" tanong ni Jude ang dakilang chismoso.

Ms. ASSASSIN meets the INNOCENTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon