Chapter Thirty-Three: Charity's Anniversary (part 2)

758 15 0
                                    

Enjoy! Pasensya na sa wrong grammar.

#*#*#*#*#*

CHAPTER THIRTY-THREE: Charity's Anniversary (Part 2)

TEKINA's

And there. Sa sa pinakalikod nakita ko MJ na naka-tuxedo. Ang cute niya!

He is MJ. 7 years years old. 4 years na kaming magkakilala. Actually, ako ang nagdala sa kaniya sa ampunan. Tahimik lang siya at ilang sa ibang bata. Sa akin lang siya ngumingiti at tumatawa.

Epic pa nga yung una naming pagkikita eh. Natatawa na lang ako kapag naaalala ko yun.

*Flashback*

Naglalakad ako sa isang park sa Japan. Nakadress ako dahil galing ako sa party ni Sofu.

Gabi na nun nang may napansin akong maliit na bata na nakatayo sa may harang ng mini bridge. Sa tingin ko ay nasa 3 years old yung bata kasi maliit lang siya.

   "Hey Kiddo! Don't kill yourself! If you want I can kill you" pigil ko sa bata na may balak tumalon sa tubig.

Tinignan niya lang ako na parang nakadrugs ako. Hala? Di naman ako mukhang multo. Nakadress pa nga ako eh.

   "Ano daw tabi?" bulong nito sa sarili pero rinig ko pa rin.

   "Little Boy, I will not stay away unless you will go down." malumanay na sabi ko.

Sinabihan niya kasi ako ng tabi edi sabi ko di ako aalis hangga't di sya bumababa. Sabihan ba naman ako tabi. Itong kutong lupa na 'to.

   "Ano bang pinagtatabi mo?" tanong niya.

Anong pinagtatabi ko?

   "Gamit ko ang pinagtatabi ko. Alam mo kasi, masinop ako sa gamit kaya may natatabi akong pwedeng magamit pa ng iba" paliwanag ko sa kaniya.

   "Baliw ata 'to" bulong niya na narinig ko naman.

   "Hoy bata! Hindi ako baliw!" inis na sabi ko. "Ikaw nga 'tong baliw eh, magpapakamatay ka" dagdag ko.

   "Anong magpapakamachay? May namamachay ba sa chubig na hanggang paa?" mataray na sabi niya.

Ay bulol pala 'to. Tsk. Yung 's' niya pala ay 't'. Yung 't' naman niya ay 'ch'. Mali pala ako.

Atsaka tama nga naman siya. Hanggang paa lang yung tubig sa ilalim ng mini bridge. Mababaw lang kasi yung pagkakahukay.

   "Hehehe. Peace naman. Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

   "Nagpapahangin lang po ako" sabi niya at tumingin uli sa tubig.

   "San ka nakatira? Tara hatid na kita" sabi ko.

   "Wala na po akong chirahan. Pinalayat po ako ng ttep-mother ko" malungkot na sabi niya.

   "Gusto mo bang sumama sa akin?" alok ko.

Kawawa naman eh. Dadalhin ko nalang sa Pilipinas. Kay Mother Lyn.

   "Baka chindikacho ka?" nagdududang sabi niya.

Walang hiyang bata 'to!

   "Mukha ba akong sindikato?" inis na tanong ko.

   "Oo" walang duda niya sabi.

Bwisit!

   "Anong name mo?" tanong ko.

   "MJ" sagot niya."Ikaw?"

   "Ako si Teki" pakilala ko.

Sumama naman siya sa akin sa pilipinas. Tuwang tuwa nga at nakasakay siya ng eroplano. Nalaman ko na Pilipino pala siya.

*End Of Flashback*

   "Hi baby MJ" bati ko.

At ang loko, tinarayan lang ako. Inirapan pa. Tapos sama ng tingin sa nasa likod ko.

Tinignan ko kung sinong nasa likod ko, at walang iba kundi si Nate. Wahaha galit siya kay Nate?

Lumapit ako kay Nate at kinawit ko yung braso ko sa braso niya.

   "Baby MJ, this is Kuya Nate my boyfriend." pakilala ko si Nate kay MJ.

Pumunta na kami sa table na reserve for us. Pinakilala ni Mother Lyn lahat ng bata.

*BOOM*

Nasa kalagitnaan ng party ng makarinig kami ng malakas na pagaan para magkagulo lahat ng mga bisita. Tumakbo na rin kami sa labas.

Nasusunog na kasi yung table na nilalagyan ng pagkain. At baka kumalat pa yung apoy.

Lahat nag-iiyakan dahil na rin siguro sa shock. Maraming sugatan dahil sa pagtalsik ng mga gamit kung saan yung pagsabog.

Hinanap ko sila Mother Lyn at nakita ko na umiiyak siya. Nilapitan agad namin ni Nate at ng iba pa sina Mother Lyn.

   "Tekina! Nawawala si MJ" umiiyak na sabi ni Mother Lyn.

Agad akong naalarma dahil may nawawala na bata. At si MJ pa. Malapit ng lamunin ng apoy yung buong hotel.

Susugod na sana ako para hanapin si MJ pero pinigilan ako ni Nate.

   "Kina, delikado" nag-aalalang sabi niya.

   "No! I need to find him!" sigaw ko.

   "No! I won't let you. It's dangerous" sabi ni Nate.

Pero di ako nagpapigil. Yinakap ko siya ng mahigpit. Di ko namalayan na umiiyak na pala ako.

   "Lagi mo 'tong tandaan, mahal na mahal kita." umiiyak na sabi ko.

   "Please wag ka nang pumasok sa loob. Hayaan mo na ang mga bumbero na maghanap kay MJ please" nagmamakaawa na sabi ni Nate.

Basa na yung balikat ko kaya alam kong umiiyak siya. Humiwalay ako sa kaniya at kinulong ko yung mukha niya sa mga palad ko.

Pinahid ko din yung luha na umaagos sa mata niya. At hinalikan ko siya sa lips. Smack lang.

   "I love you. I love you so much Nate. Always remember that" sabi ko at tumakbo na ako papasok sa hotel.

Mausok na kaya mahirap makakita. May nakatakip na panyo sa ilong ko para hindi ko masyodong malanghap yung usok.

   "MJ! MJ!" sigaw ko pero walang sumasagot.

Malapit na akong mawalan ng pag-asa pero may narinig akong ubo at iyak sa may gilid ng stage. Agad akong lumapit doon.

   "MJ! Where are you?!" sigaw ko.

   "A-ate" may narinig akong mahinang boses at agad kong nilapitan yun.

   "MJ, thank God I finally found you!" sabi ko at binuhat ko siya. I even give him my handkerchief.

Naramdaman ko na unti unti na akong nanghihina dahil sa mga nalalanghap ko na usok. Pero ang importante ay makalabas kami ng buhay.

May nasagi akong bagay na dahilan ng pagbagsak namin. Agad ko prinotektahan si MJ para di siya masaktan.

*BOOM*

#*#*#*#*#*

I hope you'll like it. Thanks.

Ms. ASSASSIN meets the INNOCENTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon