Chapter Thirty-One: The Reunion

868 19 0
                                    

Enjoy!

#*#*#*#*#*
CHAPTER THIRTY-ONE: THE REUNION

TEKINA's

   "I'm Tekina Senshi" gigil na sabi ko at nilahad ang kamay ko.

Nakangiti niyang inabot ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko.

   "I'm Luis Riverre. Nathaniel's Uncle" sabi niya.

Binuhasan ako ng malamig na tubig. Yan ang pakiramdam ko. Ang mga tito at ang lolo ni Nate ang isa sa mga kasabwat ni Richard Tomosho. Parang ang hirap tanggapin.

   "Kina okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Nate.

Nakita niya siguro na namumutla ako. Ngumiti lang ako at tumango.

   "Where's daddy?" tanong ni Crizza.

   "You're looking for me my baby?" masayang sabi ng lalaking kamukha ni hipon.

Lumipat ang tingin nito sa akin. Jonathan Riverre. The Traitor. Brother of Luis Riverre. One of the Son of Niel Riverre. Father of Crizza Riverre. And The Uncle of Nathaniel Riverre Lee.

Bakit di ko nga naman napansin? Noela Riverre Lee. The One and Only Daughter of Niel Riverre. The Mother of Nathaniel R. Lee.

   "Hi there lady I'm Jonathan Riverre" pakilala niya.

Mga mukhang walang ginawang masama pero ang totoo sila ang nasa likod ng pagkidnap sa akin at kay kune at pagpatay kay Kune.

   "I'm Tekina Senshi. Nate's girlfriend" pakilala ko at plasic na ngumiti.

   "Where's Papa?" tanong ni Noela Riverre Lee.

   "Outside. May kausap sa telepono" walang ganang sagot ni Luis Riverre.

So nandito din si Niel Riverre. The Father of This Two Bastard. The Grandfather of Nathaniel Lee.

   "Hi Everyone" bati nung matandang kapapasok lang.

Hi-hi-yin mo mukha mo! Ginamit nila ang pagkamuhi ni Richard Tomosho sa kapatid nito. Ginamit nila ito para makapaghigante sa mga taong umagrabyado sa kanila kuno.

Naupo na kaming lahat. Ang hirap huminga kung kasama mo sa hapag kainan ang mga taong pumatay sa ex mo/bestfriend mo. At ang mga taong nagtangkang patayin ka.

Una kay Richard ako nagalit yun pala nadamay lang siya. Nasaktan lang siya sa pagpapatapon ng magulang niya sa US. At sinabi niya na may mga taong nasa likod pa nito.

Namatay si Richard Tomosho matapos niya ding malaman na namatay si Kune. Mahal na mahal niya ang kapatid niya pero nilamon lang siya ng galit.

Si Alfred Riverre. Ang Bestfriend ni Chard. Anak ni Luis Riverre. Ay nasa mental hospital matapos malaman na namatay na si Chard. Nabaliw siya dahil sinisisi niya ang sarili niya sa pagkamatay ng bestfriend at ang taong tinuring niyang kapatid.

Reunion ba 'to? Pwede ko silang patayin sa kahit anong oras kong gusto ngayon. Pero ang hindi ko kaya ang magalit si Nate sa akin. Ang kamuhian niya ako.

Pinapahanap ko sila pero ang tadhana na ata ang nagdesisyon na magkita kita kami sa mismong araw na ito. Sa araw na nagpakilala ako sa magulang ng lalaking mahal ko. At may bonus pa. Nakilala ko ang mga kapatid at ama ng kaniyang ina. Ha!

   "Bakit ang tahimik mo?" mahinang tanong ni Nate.

Nagkwekwentuhan ang mag-anak. Si Tito ay halatang iritado sa presensya ng mag-aama.

   "Pagod lang siguro" sabi ko.

   "Nate bakit hindi mo siya isama sa family gathering natin?" tanong ni Niel Riverre.

   "Kailan ba gramps?" tanong ni Nate.

   "Sa Sabado" tipid na sagot ni Crizza.

Itong hipon na 'to! Kanina pa sabat ng sabat di naman kausap!

   "Kina?" tanong ni Nate.

   "Hindi ako pwede. Lilipad akong papuntangJapan sa sabado" simpleng sabi ko.

Kasinungalingan. Hindi naman totoong lilipas ako papuntang Japan. Ginawa ko lang excuse yun para hindi makasama.

   "Bakit hindi ko alam yan?" naguguluhang tanong ni Nate

   "Sorry. Katatawag lang ng lolo at pinapapunta akong Japan. May emergency daw" paliwanag ko.

Mukha namang kumagat siya sa paliwanag ko dahil hindi na nagtanong.

   "Ilang buwan na kayong dalawa?" pag-iiba ng usapan ni Niel Riverre

   "Mag-iisang buwan pa lang kami gramps" nakangiting sabi ni Nate.

   "Paano kayo nagkakilala?" tanong Jonathan Riverre.

Magsasalita na sana si Nate pero inunahan ko na siya.

   "We're classmate and also seatmate" casual na sagot ko.

Natapos ang 'family' dinner namin nila Nate. Konting kwentuhan lang ang nangyari. Napansin ko rin na sobrang tahimik ni Tito Ethan.

Pakiramdam ko sobrang ilang niya sa Riverre family. Ang tanong ay bakit? May alam ba siya sa mga pinaggagawa ng pamilya nila Jonathan Riverre?

Bakit parang hindi nila ako natatandaan? Siguro dahil sa dami ng taong pinatay at sinaktan nila kaya hindi na nila ako naalala o ang pamilya ko.

Pero ako, hindi ko sila makakalimutan kahit kailan. Ang mga ginawa nila ay walang kapatawaran. Sarili nilang anak ginagamit nila sa kasamaan.

Hinatid din ako ni Nate sa tapat ng building ng condo ko.

   "Sure ka bang okay ka lang KiKo?" bakas sa boses ni Nate na nag-aalala siya sa katahimikan ko.

   "I'm okay NaKo. Don't worry about me okay?"

Parang bata na tumango lang siya. Nagulat ako ng yakapin niya ako ng sobrang higpit.

   "Something wrong Nate?" nag-aalalang tanong ko.

   "Pakiramdam ko lumayo yung loob mo sa akin simula nung pumasok sa bahay si Crizza with my uncles and gramps" sabi niya. "Baka dahil lang sa pamilya ko iwan mo ko." dagdag niya pa.

   "I will never leave you just because of your family background. Wag ka nang mag-isip ng kung ano-ano okay?" assurance ko sa kaniya.

Marahan naman siyang tumango. "Hindi ko kakayanin na mawala ka. Mahal na mahal kita" sabi niya.

   "Mahal na mahal din kita" sabi ko.

#*#*#*#*#*

Don't forget to vote and comment.

©AMVG^_^

Ms. ASSASSIN meets the INNOCENTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon