Chapter Twenty-Nine: Her Story

883 23 0
                                    

Enjoy!

#*#*#*#*#*

CHAPTER TWENTY-NINE: Her Story

KATASHI's

   Nandito pa rin kami sa condo ni Teki at hinihintay siya. Alam kong uuwi siya. May tiwala ako sa kapatid ko.

   "Bhe, alam mo ba kung nasaan si baby teki?" nag-aalalang tanong ni Yen.

   "Hindi ko alam pero may tiwala ako kay baby Teki" sabi ko.

   "Sana nga ligtas siya. Huhuhu mawawalan ng ninang ang anak ko" madramang sabi niya.

   Napangiti na lang ako sa inaasal niya. Simula nung nabuntis siya, naging madalas ang mood swing niya.

   Eversince si Teki na ang bestfriend niya. Overprotective siya kay Teki.

   May narinig akong kaluskos sa may pinto. Sinenyasan ko sila na magtago. Nakita ko si Yen na di alam ang gagawin. Kaya hinila ko siya sa pinagtataguan ko.

   7 months pregnant na siya kaya nahihirapan din siyang gumalaw.

   Bumukas yung pinto at niluwa noon ang isang babaeng may mahabang buhok na nakatakip sa mukha niya. Nakasuot ng white dress na hanggang tuhod. May blood stain sa damit niya. May mga sugat din siya sa katawan.

   Sandali kami natahimik ng biglang tumili si Yen.

   "Mumu!" sigaw niya at nagsimulang umiyak.

   At dahil kalahing abnormal ang mga kapatid ko, nagsisigaw na din sila na may multo at tumakbo sa likod ko.

   "What are you doing here?!" sigaw na tanong nung babae.

   "Teki?!/Kina?!" sabay sabay na sigaw namin.

   Bigla nalang humagulgol si Yen kaya nataranta kami. Agad namang lumapit si Teki kay Yen.

   "Yen what's wrong?" nag-aalalang tanong ni Teki.

   "Huhuhu T.T Tinakot mo ko Teki baby" umiiyak na sabi ni Yen.

   "Sorry Yen" yinakap ni Teki si Yen kaya tumigil na ito kakaiyak.

   "What happened to you?" nag-aalalang tanong ni

   "Nothing" walang gana niya

   Napailing na lang ako sa mga pinapakita niya. Tumingin ako sa relo ko. It's already 12 o'clock am. Napangiti ako.

   Pumasok siya sa kwarto niya. Siguro ay magpapahinga na siya.

   "Di pa rin nagbabago" naiiling na sabi ko. Nagtatakang tumingin naman sila sa akin.

   Hindi napapansin ng mga kapatid ko ang mga ginagawa ni Teki. Kasi kapag dumarating si Teki, tulog na sila.

   "Simula nung mamatay sina mama at papa, hindi niya na sinecelebrate ang birthday niya. Kahit anong paghahanda namin, hindi siya dumarating" kwento ko.

   "Gabi bago nung seventh birthday nila Moko at Teki. Hindi ako makatulog kaya lumabas ako at sa sala nagpaantok. Exact 12:00 am ng umaga, may narinig akong kaluskos sa hagdan kaya nagtago ako sa likod ng sofa" patuloy ko sa kwento.

   "Nakita ko si Teki na bumababa ng hagdan. At sa likod bahay dumaan patakas. Sinundan ko siya palabas pero hindi ko siya naabutan" napangiti ako nung maalala ko kung pano tumakas si Teki tuwing birthday niya.

   "Nagcelebrate ng birthday si Moko samatalang si Teki ay hindi makita. Naghintay uli ako sala. At tama ako na uuwi siya ng 12:00 am. Tapos na ang birthday niyo."

   "Nasundan pa yun ng mga birthday ng dalawa. Mag-isang nagcecelebrate si Teki samantalang si Moko ay nasa party. Sinubukan kong kumbinsihin si Teki na wag nang umalis tuwing birthday niya pero ayaw niya talaga" naiiling na kwento ko.

   "Hanggang ngayon ay ganun ang gawain niya. Akala ko magbabago na siya dahil dumating sa buhay niya si Nathan pero nagkamali ako" sabi ko.

   "Pero di naman nagwawala si Teki tuwing birthday namin ah" nagtatakang sabi ni Moko.

   Napangiti ako ng makahulugan. "Hindi niyo alam. Diba wala pang nakakapasok sa kwarto ni Teki? Pero ako nakapasok at nagtago. 11:55 ng gabi, nagwawala siya at umiiyak. At pagdating 12:00 umaalis na siya" paliwanag ko.

   Masyadong pribadong tao si Teki kaya ayaw niya may nakakapasok sa kwarto niya. Nakita ko na ang loob ng kwarto niya.

   Kulay Black and Red ang kulay ng kwarto niya. May nakasabit na malaking portrait niya sa dingding ng kwarto. Dahil isang buong floor ang kwarto niya, may malawak siya walk in closet, may ref din siya sa loob ng kwarto niya. May grand piano din siya since mahilig siya sa musika.

   May iba't ibang instrument. May hot spring siya sa loob ng cr niya. At may room siya na puro armas. I guess doon siya nagprapractice dahil may target sa loob ng room na yun. Soundproof kasi.

   May entertaiment room siya. At malaking kama. Kompleto na ang nasa loob ng kwarto niya kaya wala na siyang dahilan para lumabas pati library nandoon na din.

   Kainggit nga eh! Paborito kasi ni Sofu. Tsk. Tsk.

#*#*#*#*#*

Vote and Comment ^°^

Ms. ASSASSIN meets the INNOCENTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon