NATE's
After the graduation, napagdisisyunan namin na magcelebrate sa bar na pagmamay ari ng pamilya ni Charles.
"Grabe after how many years nakagraduate din tayo ng college" sabi ni Jude habang may inaakbayan na babae.
"Oo nga eh. Tignan mo ikaw walang pinagbago. Babaero pa rin" biro ni Jared.
"Ulol mo Jared!" sigaw ni Jude.
Kahit kailan talaga pikon itong si Jude. Hindi na nga nagbago.
"So may plano na kayo?" tanong ni Blake.
"Wala pa. Baka after 3 months pa bago ipahawak ni Daddy yung kumpanya sa akin" sagot ko.
"Gusto niyo mag-outing tayo? Sama natin si Teki. Malay niyo may free time siya" suggest ni Jake.
Natahimik naman ako sa binanggit na pangalan ni Jake. Nakita kong binatukan ni Lanz si Jake.
"Napakainsensitive mo talaga Jake!" singhal ni Angelo.
"Sorry naman po" sabi ni Jake at nagpout ang isa pang babaero.
Ngumiti lang ako sa kanila ng tipid at mapakla.
"Okay lang yun guys. Don't worry about me. Nakamove on na ako" sabi ko.
"That's my man" sabi ni Lanz at pabirong sinuntok ako sa braso.
Binatukan ko mga. Gawin ba naman akong aso? Tsk.
Nag-inuman na lang kami at nagkwentuhan pero hindi ako masyadong nagpalasing dahil iuuwi ko pa ang mga ito.
Nagulat lahat kami ng bigla tumumba ang babaeng katabi ko kaya nagtilian ang mga babae ni Jake at Jude.
Napatayo naman kami lahat. At sunod sunod na putukan ang narinig namin kaya sari sarili kaming tago.
Ako ay nagtago sa likod ng mesang natumba dahil sa kaguluhan. Di ko na alam kung nasaan ang iba ko pang kasama. Pero pinagdarasal ko na sana ligtas silang lahat.
*BANG BANG BANG*
Tatlong sunod sunod na bala ang tumama sa lamesang pinagtataguan ko kaya napadapa ako para hindi tamaan ng bala.
"Fuckin' shit!" mura dahil sa spbrang kaba.
Pagkatapos noon ay isang mahabang katahimikan ang bumalot sa buong lugar. Unti unti kong inangat ang ulo ko.
At nakita kong nag-iisang babaeng nakatayo mula sa gitna ng mga nakahandusay na bangkay ng tao. May hawak siyang isang katana sa kanan at isang baril sa kaliwa.
Nakasuot siya ng maskara kaya hindi ko makita ang mukha niya. Hanggang balikat ang haba ng kanyang buhok. Kulay Pula ito.
Nakasuot ng black leather jacket at fitted sando sa loob nito. Nakablack shorts din siya kaya kitang kita ang mahahaba niyang legs.
Nakaboots din siya na umabot hanggang tuhod niya. Isa lang ang masasabi ko sa kasuotan niya.
ASTIG.
Natigil ang pagmununi ko at paghanga sa babae noong makita kong nasa harap ko na sina Jake, Lanz, Jude, Jared, Gelo, Black at Charles.
"Ayos lang ba kayo?" nag-aalalang tanong ko.
"Ayos lang kami. Pero mukhang si Blake hindi" sabi ni Jake.
"Bakit? Natamaan ba siya ng baril or what?" nag-aalalang tanong ko.
"Hindi siya natamaan ng baril or kahit na ano. Natamaan siya sa puso. Sapul!" sabi Jude.
Umakto pa si Jake na papana at natamaan si Jude sa puso tapos natumba si Jude na sinalo naman ni Lanz.
Tapos biglang bumangon si Jude at una niyang nakita si Charles at biglang tumakbo si Jude kay Charles at niyakap niya ito.
Yung kamay naman si Jared ay nasa gitna ng dalawa na nakaform ng heart shape. Pffttt.
"Mga ulol niyo!" sigaw ni Blake sa kanila.
"Wahahaha" tawa naming lahat.
Mukhang bakla si Jude at Charles. Pftt..Whahahaaha. Shet.
BINABASA MO ANG
Ms. ASSASSIN meets the INNOCENTS
ActionMay war na nangyayari sa pagitan ng dalawang grupo sa isang university dito sa Pilipinas. Hanggang dumating ang isang babaeng malaanghel ang mukha pero isa palang assassin. What will happen to both of them? Ang assassin na ba magpapatigil sa war sa...