Enjoy!
#*#*#*#*#*
CHAPTER THIRTY: MEET THE PARENTS
TEKINA's
"KiKo may gagawin ka ba mamaya?" tanong ni Nate.
"Hmmm...Wala naman. Bakit?" tanong ko.
"Gusto ka daw makilala ng family ko. Family dinner lang naman" sabi niya.
Family dinner? Okay lang naman para mapatunayan ko na mali ang hinala ko. At sana mali nga. Wag naman sanang totoo dahil di ko alam ang gagawin ko.
"Okay. Sunduin mo na lang ako sa condo" sabi ko.
"Ok. Mamayang 6 pm nasa condo mo na ako" excited na sabi niya.
"Mauna na ako NaKo. May gagawin pa kasi ako eh." paalam ko.
Nginitian niya ako. Hinalikan ko muna siya sa pisngi bago umalis sa school. Kailangan ko pang maghanda.
Pumasok ako sa walk in closet ko at naghanap ng damit. Linabas ko yung mga dress ko.At sinukat lahat ng dress at saka titingin sa salamin.
At matapos ang isang oras na pamimili ng isusuot, nag-apply ako ng konting make-up sa mukha. May dala akong baril incase magkaproblema.
Napili ko ang white dress na above the knee. Sleeveless siya. Tapos linagyan ko ng chain belt. Manipis yung sa may taas pero hindi naman ako nakikitaan. Ang hirap mag-explain basta yun!
Pinartneran ko ng killer heels. Color cream siya kaya bagay lang sa damit. Naglast check muna ako sa mirror ko bago lumabas.
I also check my handbag. Doon nakalagay yung baril ko, personal na gamit, at cellphone. May nakasukbit din akong shuriken sa ilalim ng dress ko.
Tinext ko si Nate na hihintayin ko na lang siya sa lobby ng condo. Sa aminin ko man o hindi, kinakabahan talaga ko. Sinong hindi diba? You will meet the parents of your boyfriend.
Iisipin mo kung magugustuhan ba nila ako para sa anak nila? Kung ayos lang ba ang itsura ko? Baka ayawan nila ako para kay Nate. Basta yung mga ganun?
"Hi NaKo" bati ko kay Nate at saka hinalikan siya sa pisngi.
"You look beautiful KiKo" compliment niya.
Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha. At sigurado ako na pulang pula ako.
"Let's go" sabi ko at hinila ko na siya palabas ng condo. Nakapark lang sa harap yung kotse niya kaya hindi na ako nahirapang maglakad.
Pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger seat. He looks hot with his blue v-neck shirt.
"Are you nervous?" nakangiting tanong niya pero sa daan pa rin nakatingin.
"Slight" nahihiyang sagot ko.
Hinawakan niya yung isang kamay ko gamit nung isang kamay niya.
"Don't be. Just be yourself. I'm sure they will like you" pampalakas ng loob na sabi niya.
"Thanks" sabi ko.
Hanggang makarating kami sa bahay nila ay magkaholding hands kami.
"Nasan sila Mommy?" tanong ni Nate sa katulong.
"Nasa kusina po si Señorita. Si Señorito po ay nasa home office niya po" magalang na sagot nung matandang katulong.
Pumunta kami sa kusina at naabutan namin na nandoon yung Mommy ni Nate kasama ng tatlong katulong.
BINABASA MO ANG
Ms. ASSASSIN meets the INNOCENTS
ActionMay war na nangyayari sa pagitan ng dalawang grupo sa isang university dito sa Pilipinas. Hanggang dumating ang isang babaeng malaanghel ang mukha pero isa palang assassin. What will happen to both of them? Ang assassin na ba magpapatigil sa war sa...