Chapter Thirty-Four: Dream

820 19 1
                                    

Enjoy reading!

#*#*#*#*#*
CHAPTER THIRTY-FOUR: Dream

Nate's

Tatlong araw na simula nung nangyari yung trahedya sa hotel pero di pa rin ako nakakamove-on. Ang hirap tanggapin.

First monthsary pa naman namin ngayon. Dapat masaya kaming nagce-celebrate. Surprises. Date. Dinner. Exchange of gift. Happy ending of the day.

Pero di namin nagawa. Ang sakit isipin na mawawala ang isang inosenteng tao dahil lang sa kapalpakan ng iba.

Tekina's

Nasa puting lugar ako. Wala akong makitang ibang kulay kundi puti lamang. Nasan ako?

May nakita akong isang babae at isang lalaki na magkahawak kamay. Parang familiar sila. Di ko makita yung mukha nila dahil pareho silang nakatalikod sa akin.

Lumakad ako palapit sa kanilang dalawa para sana magtanong kung nasang lugar ako.

"Ma'am, Sir excuse me, pwedeng pong magtanong?"

Dahan dahan silang humarap at para akong nanigas sa kinatatayuan ko. A-anong ginagawa nila dito?

"Mama, Papa" banggit ko sa pangalan nilang dalawa.

Tama sina mama at papa nga ito. Hindi ako maaaring magkamali. Kahit bata pa lang ako nung mamatay sila, marami naman akong litrato nila na magkasama. Meron din kaming family picture pero maliliit pa kami.

"Tekina, anak" masayang banggit ni Mama sa pangalan ko at niyakap niya ako.

Nung humiwalay siya sa akin ng yakap, nakita ko na umiiyak pala siya.

"Ang laki laki mo na anak ko. At kamukhang kamukha mo pa ang mommy mo" compliment ni papa sa akin.

Di ko namalayan na umiiyak na pala ako. Yinakap ko silang dalawa.

Kung nasan man ako ngayon, ayoko nang umalis. Ito ang matagal ko ng pangarap, ang makasama muli sina mama at papa.

Kung patay na ako, wala na akong pakialam. Masaya na ako dahil makakasama ko na uli ang mga magulang ko.

"Mama, Papa miss na miss ko na po kayo" umiiyak na sabi ko. "Ayoko na pong umalis sa tabi niyo. Dito na lang po ako" dagdag ko pa.

"Anak miss na miss ka na rin namin ng papa mo. Kung pwede lang kaming magpakaselfish hindi ka na namin ibabalik." umiiyak din na sabi ni Mama.

"Pero anak hindi pwede. Kailangan ka pa sa lupa. Kung sasama ka sa amin, paano na ang mga kapatid mo? Sino na mag-aalaga sa lolo mo?" malungkot na sabi ni Papa.

"Pero kaya na nila ang sarili nila. Malaki na sila at nasa tamang isip na sila." katwiran ko.

Selfish man pero ito na ang pagkakataon ko para makasama sina mama at papa.

"Pano na yung mga kaibigan mo? Yung boyfriend mo? Yung mga taong masasaktan kapag mawala ka?" tanong ni Papa.

Taong masasaktan kapag nawala ako? Kaibigan? At higit sa lahat Boyfriend? Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig with matching yelo pa.

Naalala ko sina Jared, Jude, Jake, Charles, Blake, Angelo at Lanz. Sila lang ang mga kaibigan ko. At naalala ko rin si Nate. Marahil ay nag-aalala na siya sa akin.

"Ito tandaan mo anak, mahal na mahal ka namin ng papa mo. Mahal namin kayo ng mga kapatid. Kailangan ka nila" paalala ni Mama sa akin.

"Anak, may taong gustong patayin ang mga kapatid mo, ang mga kaibigan mo, at malaki ang galit niya sa boyfriend mo. Kaya, kailangan ka nila" sabi ni Papa.

Ms. ASSASSIN meets the INNOCENTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon