NATE'S
Its been 4 months. 4 freaking months simula noong nagbreak kami ni Kina. Hindi na rin kami nagkikita.
Today is graduation. Kitang kita ko sa mukha ng mga kaibigan ko na malungkot sila sa nangyari. Ako rin ay malungkit at nasasaktan ng husto.
"Where's Tekina? Hindi ko pa nakikita ang maganda kong future daughter in law" sabi ni Mommy.
Hindi pa alam ni Mom na break na.kami ni Kina. Wala pang nagtangkang pag-usapan ang tungkol dyan sa harap ko.
"Mom baka naman po umuwi ng japan" palusot ko.
Masasaktan si Mom kapag sinabi kong break na kami. She really likes Kina for me. But it's the end of everything between us.
"Graduation niyo to pareho. Dapat nandito sya. My goodness. I'm stress" sabi niya at hinawakan niya na ang kanyang noo at pisngi para makita kung may wrinkles siya.
"Hi tita!" bati nila.
"Bakit ganyan ang mga itsura niyo?! Mukha kayong pinagsakluban ng langit at lupa" inis na bulyaw ni mom.
"Tita naman simula nung magbreak sina Nathan at Tekina, ganyan na ang mga mukha namin" madaldal na sabi ni Jude.
"WHAT?! BREAK NA KAYO?! WHEN?! WHY?! TELL ME!" histerical na tanong ni mom.
"Mom will you lower down your voice? I'll explain everything to you later" sabi ko ng malumanay ang boses.
"Naku Nathaniel! Siguraduhin mong acceptable yang reason mo kung bakit kayo nagbreak! kakalbuhin talaga kita!" gigil na sabi ni Mom.
Pumila na kami at isa isa na kaming tinawag. Ako ang pinakahuling tinawag dahil ako ang Magna Cumlaude.
Si Kina dapat ang nasa posisyon ko ngayon pero dahil she drop out, ako ang pumalit. Hindi ko matanggap dahil I don't deserve this title.
"First of all, gusto kong magpasalamat sa Diyos na gumabay sa akin at sa aking mga kaibigan. Sa aking pamilya. Mom, Dad thanks for everything. Thank you for your support. To all my teachers, thank you sa pagtitiyaga niyo sa pagtuturo sa amin" mahabang speech ko.
Linibot ko ang paningin ko sa buong auditorium. At tumigil iyon sa particular na tao. Isang babaeng nakaitim na jacket.
Ngumiti siya ng mapait sa akin at nakikita ko sa mukha niya na sobrang proud siya sa akin. Hindi ko na namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko.
Nakakabading man, siya lang talaga ang nagpspaiyak sa akin ng ganito. Nagsimula nang magbulungan ang mga estudyante at mga magulang pero I don't care.
"A-at kung nasaan ka man, alam kong nakikinig ka. Salamat dahil nandyan ka para gabayan ako. Salamat sa pagmamahal na binigay mo sa akin. Siguro ito na ang panahon para bitawan na kita. Sana maging masaya ka sa piling niya" umiiyak ba sabi ko habang nakatitig sa mga mata niya.
BINABASA MO ANG
Ms. ASSASSIN meets the INNOCENTS
ActionMay war na nangyayari sa pagitan ng dalawang grupo sa isang university dito sa Pilipinas. Hanggang dumating ang isang babaeng malaanghel ang mukha pero isa palang assassin. What will happen to both of them? Ang assassin na ba magpapatigil sa war sa...