Enjoy reading!
#*#*#*#*#*
TEKINA's
A week past since nangyari yung pagtangkang pagpatay kay Nate. Nagsampa ng kaso ang magulang ng estudyanteng na headshot sa soccer field.
Kahit isa sa mga estudyante walang alam kung sino ang pumatay. May hinala ako pero hindi ako nagsalita. Sabi ko nalang din na wala akong alam.
Walang pasok dahil na rin sa utos ni Aki. Natrauma daw masyado ang mga estudyante kaya 1 week walang klase.
Naisipan naming magbakasyon kasama ang buong barkada. Ako, Grupo nila Nate, Grupo ni Jared, at Mga kapatid ko.
Doon kami sa resort nila Nate sa Batangas. Ayaw pa nga isama ni Nate sila Jared pero wala siyang nagawa kundi pumayag dahil sabi ko kapag hindi sumama sila Jared, hindi ako sasama.
Nasa tapat kami ng bahay nila Nate ngayon. Dito kasi ang meeting place. At hinihintay na lang namin si Jude at Blake. Ang tatagal kumilos. Parang babae lang tsk.
"Taena! Ang tagal niyong dalawa!" sigaw ni Nate sa kanila.
Isang Van lang ang gamit since kasya na kami. Malaki yung Van. Si Lanz yung driver tapos si Angelo yung nasa passenger seat.
Sa first row naman, Si Jude sa bandang bintana. Katabi niya ang mortal na kaaway niya na si Blake. Katabi naman ni Blake si Charles na kasundo niya sa kalokohan. Kahit childish si Charles, maraming alam na kalokohan yan. Nasa may bandang pinto naman si Jake na katabi si Charles.
Kami ang nasa last row. At ito ang mahirap. Si Nate sa right side ko, at si Jared naman sa left side ko. Ayaw nga pumayag ni Jude na hindi ako katabi eh.
Kumakain kami ng batuhin ni Blake at Charles si Jude ng piatos. Kaya si Jude na kilala bilang pikon ay gumanti.
Nakisali na rin ako sa kanila at binato ko din si Nate at Jared. wahahaha! Kaya ang nangyari, nagfood fight kami. Nakisali nga rin si Angelo na seryoso lagi.
Si Lanz naman tawa ng tawa kasi in the end, puro pagkain si Jude kasi siya ang napagtripan naming lahat.
Tawa kami ng tawa sa itsura niya. Pano ba naman. May piatos na sumabit sa buhok niya. Tapos puro cheese ang damit niya. At yung mukha niya naman ay nalagyan ng kung ano anong flavor ng pagkain. Hahaha.
Binato pa nga namin siya ng baon kong sandwich na gawa ko lang. At iyun sakto sa mukha. Ang masaklap pa, peanut butter ang flavor nun. Hehehe.
"Nakakainis kayo!" inis na sigaw niya at binato ng tsinelas si Blake.
"Puta! Baho ng tsinelas mo!" nandidiring sabi ni Blake at binato pabalik yung tsinelas ni Jude. Hahaha in the end uli, nagbatuhan kami ng tsinelas.
Malilinis naman yun. At malalambot kaya walang nagkabukol o nagkasugat sa amin.
"Wahahaha" tawa naming lahat. Kahit naman nagkakapikunan ang dalawang grupo, nagagawa pa rin nilang magsaya ng walang nagkakasakitan.
Dahil na rin siguro sa pagod kaya nakatulog silang lahat pwera sa akin at kay Lanz syempre.
At dahil pareho kaming may kalokohan sa katawan, pinicturan namin silang lahat. Epic yung kay Jude at Blake. Magkayap pa silang dalawa at magkadikit ang noo nila.
Konting galaw nalang nilang dalawa, magdidikit na ang labi nila. At dahil kalahating loko loko ako, pinagdikit ko yung labi nila saka sila pinicturan. Wahahaha!
Ano kaya ang magiging reaction nila sa mga picture na kinuha ko.?
Si Nate at Jared naman parehong nakanganga kaya pinasukan ko ng tinapay pareho yung bibig nila. Wahaha!
Si Angelo walang problema dahil malayo siya sa akin.
Yung ulo ni Charles nakapatong sa balikat ni Jake. Yung ulo naman ni Jake nakapatong naman sa ulo ni Charles. At dahil sweet ang pose nila, yung kamay ni Jake, nilagay ko sa balikat ni Charles para nakaakbay siya kay Charles hehe.
#*#*#*#*#*
Laughtrip ba? Vote and comment don't forget.
BINABASA MO ANG
Ms. ASSASSIN meets the INNOCENTS
ActionMay war na nangyayari sa pagitan ng dalawang grupo sa isang university dito sa Pilipinas. Hanggang dumating ang isang babaeng malaanghel ang mukha pero isa palang assassin. What will happen to both of them? Ang assassin na ba magpapatigil sa war sa...