Enjoy! Vote if nagustuhan niyo ^_^
#*#*#*#*#*
MISSING
NATE's
Araw ng mga puso! Excited na ako para sa surprise ko kay Kina. Bukod kasi sa araw ng mga puso eh birthday niya rin.
Prepared na lahat. Hihihi. Excited na ako. May pasok na uli ngayon kaya mamaya ko na lang siya isusurprise.
Nandito na ako sa room pero wala pa rin si KiKo. Malapit na magtime. Usual kasi nauuna pa siyang pumasok sa amin. Pero ngayon mukhang late siya.
Pumasok na yung prof namin pero wala pa si KiKo. Ano na kayang nangyari dun?
Nagdiscuss lang yung prof namin pero wala dun yung utak ko. Iniisip ko si KiKo. Nasan na si KiKo? Haist.
Lunch na pero wala pa rin siya. Sana naman pumasok na siya. Namimiss ko na si KiKo. Atsaka hindi ko maipaliwanag yung kabang nararamdaman ko.
Sakto namang pumasok sila Tomoko. Kaya naisipan kong itanong kung nasaan si Kina.
"Tomoko!" tawag ko sa kaniya. Agad naman siyang lumingon at ngumiti.
"Oh bakit?" tanong niya nung makalapit na sila.
"Si Kina?" tanong ko.
"Hindi namin alam. Diba dapat kasama mo siya ngayon?" sagot niya at saka tinanong din ako.
"Dapat sana pero hindi ko pa siya nakikita simula kaninang umaga. Hindi rin siya pumasok sa klase" disappointed kong sagot.
Nagkatinginan naman ng makahulugan yung magkakapatid na Senshi.
"Tignan mo sa condo niya. Baka nandun nagmumukmok" suggest niya.
Agad naman akong ngumiti at nagpasalamat. Hehehe. Baka malungkot yun dahil akala niya wala akong surprise para sa kaniya.
"Haist. Si KiKo talaga. Matampuhin" sabi ko sa sarili ko.
Pagkatapos ng klase, excited na akong makita si KiKo. Hihihi. Nakakabading man pakinggan, ganito talaga magmahal.
*Ding Dong*
Nakailang doorbell na ako pero wala pa ring magbubukas. Kinuha ko yung spare key na nasa receptionist. Agad naman nila yung binigay.
Binuksan ko yung pinto at nagulat ako sa nakita ko. Ang gulo ng condo niya. Sira lahat ng gamit at may nakita akong dugo sa may pinto.
Bigla akong kinabahan. Agad kong tinawagan sila Tomoko. Wala pang 10 minutes nandito na sila.
At katulad ko, nabigla din sila sa nakita nila.
"Hindi ugali ni Honey na guluhin yung gamit niya kahit may problema siya" sabi ni Kenta.
"But where's Kina?" tanong ko.
"We don't know. Tara hanapin natin siya" sabi ni Tomoko at pumunta nang parking lot.
Agad kaming sumunod at naabutan pa namin siya. Nahahalata sa mukha naming lahat na nag-aalala kami kay Kina.
"Maghiwahiwalay na tayong lahat para mapadali yung paghahanap natin" suggest ni Kazuki na agad naman naming sinang ayunan. "Magkita kita na lang tayo dito" dagdag niya pa.
Tumango kami at sumakay sa sari-sarili naming sasakyan. Pumunta ako sa mga bar pero wala akong makita ni Kina. Nilibot ko yung lahat ng pwede niyang puntahan pero wala talaga.
Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring hindi maganda sa kaniya.
Bumalik na ako sa condo niya at nakita ko sila doon na mukhang nalugi. Siguro hindi din nila nakita si Kina.
Lumapit ako sa kanila. Magtatanong na sana ako nung may nahagip ako.
"Ano 'to? San niyo nakuha 'to?" sunod sunod kong tanong.
"Nakita namin yan sa may park kanina. Madalas kasi siya sa park kaya tinignan namin. Then nakita namin yan" paliwanag ni Katashi.
Di ko mapigilan ang hindi maiyak. Nakita nila yung paboritong jacket ni Kina. At ang masaklap pa, duguan ito. Di ko alam kung anong iisipin ko. Pero isa lang ang nararamdaman ko. Natatakot ako. Natatakot ako baka kung ano na ang nangyari kay Kina.
"Huwag kang mag alala. Mahahanap din natin siya" pag chicheer up ni Tomoko.
"Sana walang mangyaring masama kay Kina" yun na lang na sabi ko.
"Malakas at matapang si Sweetheart. Di siya madaling sumuko. Kaya alam kong walang mangyayari sa kaniya" sabi ni Tomoko.
Sa aming lahat siya ang nakakakilala kay Kina dahil siya ang kambal nito. Siguro tama nga sila na nararamdaman ng kambal ang isa't isa.
#*#*#*#*#*
Hehe Vote and Comment ^_^
BINABASA MO ANG
Ms. ASSASSIN meets the INNOCENTS
ActionMay war na nangyayari sa pagitan ng dalawang grupo sa isang university dito sa Pilipinas. Hanggang dumating ang isang babaeng malaanghel ang mukha pero isa palang assassin. What will happen to both of them? Ang assassin na ba magpapatigil sa war sa...