Maze

392 13 1
                                    

***

Pagbukas ko ng pinto ay sinalubong ako ng nag-aalala at maluha luhang mata ng mga kaibigan ko.Sino ba naman ang hindi maaawa sa nanlilimahid at dugyot kong hitsura.Mabilis naman akong binalutan ng towel ni Laura dahil siguro sa pansin na pangangatog ko.

Marahil kanina pa nila ako hinihintay.Nabalitaan na siguro ng mga ito ang masalimuot naganap sa akin.Kahit kailan ito lang lagi ang naidudulot ko sa taong malalapit sa akin.Hindi ko sila mapasaya ng hindi lumuluha ang mga mata.

Tinulungan ako ni Laura at Lady  na tanggalin ang packpack ko.Akmang aalisin  ni Cath ang salamin at bonnet ko ay nahawakan ko ang kamay nito.

"Ako ng bahala.Ligo muna ako." Palusot ko.Tumungo na lang ito kahit nagtataka ito sa inasal ko. Nanahimik na lang ito.

Nagshower muna ako bago magbabad sa bath tab.Hinanda ko na din ang sarili ko sa pagsagot sa mga ito.Nang okey na ako ay umahon na ako ay sinimulang tuyuin ng blower ang buhok.Nagbihis muna ako bago ko sinuot ang salamin at sinuksok ang buhok sa loob ng bonnet.

Nadatngan ko ang tatlo na magkakatabing nakaupo sa kama ni Catherine paharap sa kama ko. Confession time.Umupo ako sa harap ng mga ito sabay iwas ko ng tingin.

"Why didn't you tell us?" Nagtatampong tanong ni Catherine.

"Sorry.Kaya ko naman 'to.Wag na kayong mag-alala." Pormal na sabi ko.Pinakikita ko sa kanila na hindi kumplikado ang nangyayari.

Pinaglalabanan ng mga ito ang sarili na magsalita.Alam ko gusto nilang makipag-argumento sa sinabi kong iyon ngunit alam nilang walang mababago kahit mag-away kami.

"I'm happy that you're still with us but my heart shed tears what you've experience today.Kadalasan ng mga nakakabangga ng Equinox  ay kick out ang bagsak.Ikaw lang ang naiiba." Halo-halo ang emosyon sabi ni Laura.

"Tama si Laura.Tanging ikaw lang ang hindi na kick out.Sino ba sa kanila ang nakabangga mo?" Parang pilit na binubuo ni Lady ang ang puzzle.

"Hindi ko naman sila kilala talaga.Kung alam ko sana di ko sana sinipa 'yong Yuan." Napanguso tuloy ako.Para akong bata na nagsusumbong sa kanila.

Halos lumuwa ang mga mata nito.May nasabi ba akong mali?

"Sinaktan mo ang isa sa kanila?" Chorus na sigaw ng mga ito.

"Oo pero hindi ko naman sinasadya 'yon." Tanggol ko sa sarili ko.

"Saludo ako sayo 'pre." Sabi ni Lady.Umatake na nanaman ang pekeng testosterone ng loka.

"Kung kaya ka lang namin ipagtanggol sa mga timawa 'yon.Naku,hindi mo na natikman ang nangyari sa kanina." Pagdadrama ni Catherine.

"Basta't nasa likod ko kayo.Solve na ako." Sakay ko sa drama nito.Sabay ngiti kita gilagid.Hagalpakan naman ang mga baliw sa katatawa.

"Dahil pinaiyak mo kami sa epic mong ngiti.Nood tayo ng Diary ng Panget the Movie.Take note.Original DVD copy 'to.Clear?Baka kasi biglang sipain ni Rony Rickets 'yong pinto at sumigaw ng 'RAPE' esti 'RAID' pala." Pakwela ni Lady.

Oo nga't masaya kami ngayon.Pero hindi ko maiwasan mag-aalala sa mga litratong hawak ni Zeus.

Pano kung ikalat nya 'yon?.At maalala uli ng mga tao ang nangyari two years ago?Anong gagawin ko?

***

Equinox FraternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon