Kickout

368 11 0
                                    

***

"Class,meet your new classmate. Sanji Hyung,Bax Asi,Marcus Lewis,Xander West, Zac Caspian,Yuan Hinamoto and Zeus Maxwell.They decided to take this class as their addition subject." Sabi ni Sir Gonzales.

Nang sabihin ni Sir ang mga pangalan ng Equinox ay parang nasa Grand Fans day ang mga haliparot kong kaklase.Tili na may halong pagkokombulsyon ang mga ito.Mamamaya baka um-extra pa ang fans ni Rukawa at magngangawa ng L-O-V-E, E-qui-nox!Yuck.

"Shut up."Sabay na sigaw ni Zeus at Bax.Sila na ang nakakatakot.Napahalumbaba naman ako at tinakasan ng bait.Nasa likod ko pala si Zeus the potchi.Bigti na ba ako gamit sinulid?

"Quiet Class.Let start our lecture. I want to share a story happened ten years ago,its about rumors about a man in Europe.They say this particular man can gave you answers through his painting.Just ask him anything you want to know in the future.It's never  been proven.This topic became forbidden to mention.Rumors instantly fades.As if nothing happens.And I know even you don't have idea about it.They..." Patuloy na na lecture nito.

Tama si Sir.Hindi ko pa narinig ang tungkol d'on.Nagpatuloy ang klase ng maayos.Tahimik lang ang Equinox.Sana ganyan sila lagi.Nang matapos ang subject ni Sir Gonzales ay umalis na din ang mga ito.Whoo!Ligtas.

Nang break na ay tumungo na ako sa Dining hall.Pagdating ko doon ay sumalubong sa akin ang hanay  ng taong halatang member ng last rank na tulad ko.Galit at masasama ang paraan ng pagtitig nila sa akin.Problema nila?Lalagpasan ko nalang sila ng may humawak sa magkabilang braso ko.

"Ikaw ang dahilan kung bakit maki-kick out kami sa school na 'to." Sigaw sa akin ng isa.

"Dahil sayo hindi na kami makakapag-aral." Sabat ng iba.

"Ano bang pinagsasabi n'yo?"Kunot noo kong tanong sa mga ito.

Lumagapak ang mag-asawang sampal sa magkabila kong pisngi.Nalalasahan ko ang dugo sa pumutok kong labi.Umuugong din ang tenga ko sa lakas ng sampal nila.

"Nagkukunyari ka pang walang alam sa nakapost sa bulletin.Pangalan mo dapat ang nandoon at hindi samin.Ikaw dapat ang kanilang i-kick out.Pero hindi e,wala ang pangalan mo d'on at kaming inosente at nanahimik ang pinaglalaruan nila.At dahil 'yon sayo!" Galit na galit na sabi n'ong isa.

Kinapilipit ko ang malakas na suntok na pinakawalan sa tyan ko ng isa sa kanila.Sumulpot bigla ang maraming kamay.Sabunot at sampal ang sunod-sunod kong naramdaman.Hindi ko mapigilang mapaiyak sa sakit at wala man lang akong magawa.Nang magsawa na ang mga ito ay tinulak ako ng malakas na ikinasubsub ko.

Walang tumulong sa'kin.Ayaw nilang madamay sa gulo ko.Inaasahan ko na naman 'yon.Pinili ko munang manatili sa pagkakasubsob hangang sa kaya ko na ang sakit.Nang ok na ay sinimulan ko ng punasan ang mga luha ko bago ayusin ang pagkakasuot ng bonnet ko habang

nakatungo.Buti na lang at hindi nasira ang salamin ko.Umalis na ako doon at nagpasyang harapin ang Equinox.Sobra na sila.

Kahit na nanakit ang buo kong katawan ay sinuyod ko ang bawat palapag at kwarto hanggang sa roof top pero hindi ko nakita ni anino nila.Isa lang ibigsabihin nito.Nasa Condo sila.

***

Equinox FraternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon