***
Monday.New day.New life.New hope.Next year.New year.Fighting!
Lahat ng mapapalakas ng loob ko ay ginawa ko na. Nag-alay sa altar,nagbasa ng bible,nagdala ng rosaryo at sa linggo ay magsisimba.Ginunita ang mga nabasa at natutunang aral at kaalaman na tumatalakay sa pagharap sa buhay.
Handa na ako!
Pumasok na ako sa elevator.Kakayanin ko ang lahat ng pagsubok at balakid na haharapin ko ngayon.Luluhod din ang mga mga tala.Kasama ang mga timawa. Hahaha!
Ting!
Naputol ang speech ko dahil bumukas ang elevator.
Kalbaryo.'Yan ang nakikita ko.Ang aga naman.Kulang pa ang ang mga ginawa ko?Dapat ba dinala ko na lang 'yong alay at bible o sisimulan ko na ang simbang gabi kahit June pa lang?Arg,Ayoko na!
Ginawa kong surot ang sarili sa pinakasulok.Mukha kasing hindi kami magkakasya ng mga ulupong. Nahiya naman ako.
Nasa gilid ko si Bax Asi.Garantisado ang mga matatalim na sulyap n'ya sa akin.Habang nasa harap ko naman Zac Caspian.Parang gigolo ito nang-aakit sa harap ko.Kulang na lang ay mag-pole dancing ito with any usher song para sa background music.Nakakadiri tanawin ito kaya umiwas na lang ako ng tingin.
"Nice.You can easily ignore my charms.What about have a date with me?"Malanding sabi nito.
"Tss."Narinig kong komento ng katropa nito.
"Not interested.Wag ako ang biktimahin mo.Wala akong pera pampaaral at pambili ng luho mo.In short,hindi ako qualified maging sugar mommy mo.So,shupi!" With hand movements kong sabi.Dahil likas yatang makapal ang apog ay nagpatuloy lang ito.
"Nerd,I don't need your freaking money.A night with me will be damn fine." Mas pinatindi pa nito ang tinatawag n'yang 'charm'.
"Mahina ka ba sa instruction?Wala akong balak pumatol sayo.As in.No.Not.None.Nada.Not applicable.Bahala ka na pumili.Entiendes Amigo?" Pambubwisit ko dito.
Naningkit naman ang mga mata nito.Akmang magsasalita ito ng sumingit si Sanji Hyung.
"Bro,let her be."Nakangiting sabi nito.He turned to me and give his boyish wink.'Yong tipong kikiligin ka.Kala ko pa naman ipagtatanggol ako e nakikisali din sa panlalandi sa'kin.Pero feeling ko inaaasar lang ako nito.He looks kind and innocent.Pano kaya napasali ang tulad nito sa grupong kurimaw na 'to.Papasa ang itsura sa pagiging pari e.
Bumukas na ang elevator.Pero wala atang balak umalis ang dalawa dahil patuloy pa din sila ng pagtitig sa akin.
"Quit playing. Let's go." Sabi ni Bax.
D'on naman natauhan ang dalawa at sumunod na sa kasama nila. Hay.Nakahinga din. Napalipas muna ako ng ilang minuto bago ko tinahak papuntang school. Hindi ko nanaisin maka-joy ride ang mga ito.
Normal naman ang lahat.Nakarating at nakaupo ako sa classroom ng maayos.Parang walang anumang plano ang mga ito laban sa akin.Kanya-kanya ang umpukan at pagpapaganda ng mga ito.
"Livvy ,ang swerte natin.Magiging classmate na natin sila." Masayang sabi n'ong Beth.
"Grabe.There so talino to took another subject."Kinikilig-kilig pang sabi n'ong Sandy.
"Magtatagpo na din ang landas namin." Binababangungot na sabi n'ong Livvy.
Bakit ba puro love life na lang ang iniintindi ng kabataan ngayon? Pihadong babangon si Rizal para magreklamo sa presinto pagnalaman 'to.
Napakapit ako sa arm chair ko ng dumaan sa harap ko ang Equinox.
Hu-huwag mo sabihin na sila ang—
"Hi,classmate." Bati sa'kin ni Marcus Lewis.
Siomai na malagket!Talagang pinapapaliit nila ang mundo para sa amin.Limang beses ko na silang makikita sa isang linggo.Dalawang oras na makakasama sa apat na sulok ng kwarto 'to.Ano bang kasalan ko sa mundo?Hindi naman ako ang kumain ng pinagbabawal na mansanas ah.Kaya baket?Baket?!!"
***
BINABASA MO ANG
Equinox Fraternity
Novela JuvenilEquinox is a exclusive brotherhood composing seven alluring notorious men.They are the ruler of Lamborgh University. I transfer to their school because of scholarship offer to me.But things gets complicated when I mess with one of Equinox's member.T...