***
Malas.'Yan ang sitwasyon ko ngayon.Groupmates ba talaga ang mga tawag dito.Kala ko sundo.Oo.Tama. Ang pitong ulupong nga kagrupo ko.May galit ba sa akin si Sir Gonzales para ilapit ako sa kapahamakan.Wala naman sanang ganunan.Baka ang ipakita ng mga itong picture ay tatad ng saksak at naliligo sa dugo habang nakangiting picture ko.Pano nila maiiugnay 'yon sa napag-aralan namin.Murder principle?Chuckie saksak inspired?
"Demi,hoy!"Sigaw ni Sanji.
"Bakit ka ba naninigaw?!"Sigaw ko din dito.
"Well,kanina pa ako nagtatanong kung pano gagawin 'to.Hindi namin gamay ang protography.Hindi namin major 'to."Sabi nito.
Lahat sila nakatingin sa akin. Hinihintay ang sagot ko. Hindi ko maiwasan mailang sa presensya ni Yuan.Alam mo na,crush hangover. Bakas ang pagkabagot sa mga ito.Kaso wala pang pumasok sa utak ko.Wala akong maisagot.
"Our motif is entitled 'Goddess of Forest'.Meaning babae ang subject.At ikaw lang ang babae dito." Punto ni Xander.'Yon na nga ang pinoproblema ko.Nang may biglang pumasok sa utak ko.
"Bakit.Pwede naman isa sa inyo ang magbihis babae tapos daanin na lang sa make-up.Di ba?"Tuwang-tuwa kong sabi.Ang henyo ko talaga.
"Do you think we will agree to that?" Nakakatakot na sabi ni Bax Asi. Nanariwa na naman sa isip ko ang pakikipaglaro ko kay kamatayan.
"Sabi ko nga.Pero hindi ako pumapayag na maging subject." Matatag kong sabi.Hinding-hindi ako papayag.
"Kala mo ba may choice ka?"May kasama ng pagbabanta at panlilisik ng matang sabi ni Bax.
Parang gusto ko ng maiyak at maihi sa takot dito.Kung ako ang subject meaning no bonnet and glasses.Paktay.Anong gagawin ko?
"O sige.Pero kami na lang ni Sanji ang gagawa.Okay ba 'yon?" Buo ang pag-asa kong sabi sa mga ito.
"Para ano?Madamay kami sa kapalpakan mo.We are Equinox.Our creation should be perfect and we'll make sure of that." Mayabang na sabi ni Marcus.Tila ang pananahimik nina Yuan,Zac at Zeus ay bilang sang-ayon.Wala na akong takas.Napakamot na lang ako ng kilikili sabay amoy.Wala na akong sinabi.
Nang matapos ang pagnenegosasyon namin ay pansamatala kaming naghiwahiwalay upang hagilapin ang kakailanganing gamit.Nagkasundo kaming magkita sa bungad ng kagubatan matapos ng kalahating oras.
Nang makuha ko ang kamera at ang kurtinang kulay tsokolate na gagamitin ko bilang damit ay agad na akong dumeretso sa tagpuan namin.Habang wala pa sila ay mag-iisip muna ako ng magandang konsepto.
Pagkarating nila ay humanap kaagad kami ng magandang location at lighting.Hangang sa mahanap namin ang malaki at matandang puno.Ilang sandali kaming nakatigil d'on ng biglang nagsilingon ang mga ito sa'kin.
"B-bakit?"Nagtatakang tanong ko sa mga ito.
"Geek.I believe its time for you to change."Nang-aakit na sabi ni Zac.Ito na naman po tayo sa Flirt101.
"Sabi ko nga."Sinimulan ko ng idoble sa damit ko ang kurtina na nakaayos na parang gown.Parang nanghihinayang naman ang mukha ni Zac.
"Bakit?"tanong ko uli dito.Para kasi itong nalugi.
"He thought you'd gonna strip in front of us.Kaya ganyan 'yan." Sagot ni Marcus.
Binigyan ko naman ng masamang tingin ni Zac.Nagtaas lang ito ng dalawang kamay.
"Let's start."Sabi ni Yuan.Naiinip na siguro.
"Bro,improving tayo ah."Sabi ni Sanji.Himala kasi at nagsalita.
"I'll take the pictures." Sa wakas nagsalita din si Zeus.Inilahad nito ang kamay sa'kin.
"Ingatan mo 'to,ha?"Tanong ko.Hindi ito sumagot.Hindi ko din binigay.
"Give it to me!"Asar na sabi nito.
"Mangako ka muna."Kulit ko.
"Woman,I don't have all patience in the world to deal with you.Just hand it to me."Nagtitimping sabi nito.Natulala ako.Nang bigla akong napatalon.
"Fake nerd!!!" Gigil na sigaw ni Zeus.Wala sa sarili na mabilis kong tinanggal ang nakasabit na camera sa leeg ko at inabot dito.
"Tss."Pahabol pa ni Zeus.
"Pumwesto ka na doon."Sabi ni Xander sabay turo sa malapit sa puno.
Hindi na ako pumalag.Pumunta na ako sa sinabi nito.Nag-umpisa na din akong mag-pose.Ang pinagtaka ko lang walang 'click' o flash ng camerang nangyari.Nilingon ko ang mga ito.Lahat sila nakakunot ang noo.
"Bakit na naman ba?"Irita kong tanong sa mga ito.
"Walang goddess na may suot na salamin at bonnet,Nerd." Masamang timplang sabi ni Bax Asi.Pinagpawisan ako sa kaba.
"Yeah,Geek." Sang-ayon ni Yuan. Lumapot na ang pawis ko sa pagsasalitang iyon ni Yuan.
"Pwede natin palabasin na makabagong dyosa 'yong version natin."Nagpa-cute na din ako at baka makuha sa ganon.
"No."Sabay-sabay na sagot ng mga ito.Kunware pa,gusto lang nilang makita ang pesteng mukhang 'to.Makita man nila ang hitsura ko.Wala din naman silang makukuhang impormasyon tungkol sa akin.
***
BINABASA MO ANG
Equinox Fraternity
Teen FictionEquinox is a exclusive brotherhood composing seven alluring notorious men.They are the ruler of Lamborgh University. I transfer to their school because of scholarship offer to me.But things gets complicated when I mess with one of Equinox's member.T...