***
Buti sipon lang ang inabot ko kahapon.Pero nanakit pa din ang kalamnan ko.Papasok na uli ako pero tulad kahapon,girls scout na ako.Nagdala ako ng ilang extra undies, shirts,pants,slipper and bonnet.Mabigat,pero oks lang.Go girl!Kaya mu 'yan.Tadaan:Dyosa ka at tinga nga lang sila.
Nasa gate pa lang ako kita ko na ang malaking tarpulin.Napatakbo ako upang kumpirmahin.Nakalagay d'on ang larawan ko!Pero uhm... hindi kita ang mukha ko.Bukod sa naka-side view,nakatakip pa sa mukha ko ang panyo.Para lang akong umiiyak sa picture.Sa gilid ng larawan ay may nakasulat na 'Give her more tears.-Equinox'. Nakapagtataka.Bakit hindi nya ginawa?Anong balak nya?
Nakarating ako sa pinto ng classroom na hindi nakakanti.Lalo tuloy akong kinakabahan.Baka mamaya biglang lumabas 'yong puppet sa Saw at sabihin 'I want to play a game'.Shete.Hindi ako makakauwing buo sa condo at ang malala,goodbye world!
Binuksan ko ang pinto sabay atras. Malay nyo ulitin nila.Aba!Once is enough,twice is putcha!Ang tanga ko naman.Ika nga nila 'Learn from your mistakes but if your slow pwede retake'.Ahm... parang mali?
Papasok pa lang ako sa classroom ay kapansin-pansin ang mala-anghel kong classmates.Nangyare? Parang— Naestatwa at nanlaki ang mata ko ng makita ko ang nakaupo sa likuran. Ba-bakit nandito sila ? Reunion na ba?Ang bilis naman.Isa-isa ko tinapunan ng tingin ang mga ito. Pero ba't ganon?Iisa lang ang tingin ko sa kanila...
tukmol na may bukol.
Tinunaw ko sa tingin ang gunggong nilang leader na animo'y kapre. Bigyan ko kaya ng tabako?Hindi.Dapat isang tagay ng asido.Libre pa lapida.Mag-aambag na din ako ng lamay.Basta lumisan lang sya sa mundong tinatapakan ko.
At talagang nakipagtitigan pa ang mokong.Nanlalaki na siguro ang butas ng ilong ko dahil sa pagkabwisit.Tinaasan lang ako nito ng isa nyang kilay.Tila hinahamon ako nito na umupo sa upuan ko na sa kasamaang palad ay nasa harap nya.
Dahil likas na nagmamatapang,pinagpatuloy ko na ang aking paglalakad.Nasa gitna na ako ng my biglang sumigaw na 'fire!'.Matapos n'on ay napapikit at pilit kong sinasangga ang pinagbabato ng mga lintik sa akin.So,kaya pala nandito ang pitong pulgas.Dahil gusto nilang maging audience.Ganon ba kababa ang tingin nila sa akin?Na parang animal show ako na kinaaaliwan nila.Ang hayop matutuwa kaso tao ako!
Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko sa galit.Natapos na din sa dart game ng mga classmate ko.Tinignan ko ang tropang potchi.Mag-standing ovation na ba ang seven evil monters? I just keep myself calm and emotionless.
'Don't ever show any weaknesses to your opponent simply bacause you'll give them satisfaction.' Best principle to fight this pigs.
Isa-isang dumaan sa harapan ko ang mga taeng tubol.As usual,with dark charms and aura. All their eyes gives me a glare with promise death and hell except for one.Si korean guy.May kakaiba sa kanya kaso hindi alam kung ano.Pero ramdam kong hindi 'yon masama. Syempre, last ang taeng labsak.
"We've enjoyed it."Bulong nito bago tuluyang umaalis. Talagang pinapainit ng loko ang bumbunan ko.
"You deserved it,whore."Sabi n'ong Livvy.Parang sarap tapyasin ang nakakairitang ngisi nito.
Dahil pang pulubi role na ang damit ko,kailangan ko ng magpalit sa CR. Hindi ko na pinansin ang mga taga zoo kong kaklase.Baka lalo lang ako ma-badtrip.
***
BINABASA MO ANG
Equinox Fraternity
JugendliteraturEquinox is a exclusive brotherhood composing seven alluring notorious men.They are the ruler of Lamborgh University. I transfer to their school because of scholarship offer to me.But things gets complicated when I mess with one of Equinox's member.T...