Friends

427 16 0
                                    

***

After class,nag-decide na akong umuwi.Di tulad ng nakasanayan ko na tumambay sa library at magsunog ng kilay. Pagdating sa condo unit namin ay nandoon na silang lahat.Halatang kadarating lang din nila.

I decided to exempt them to my rule.I want them to be my friends.Hindi naman siguro kalabisan kung magpapasok ako ng ilang tao sa  buhay ko.Dalawang taon na din naman akong namumuhay mag-isa. Mas magiging maingat nga lang siguro ako.

"Hi,Demi!" Magkasabay at masayang bati ni Laura at Lady.

Napangiti tuloy ako.Para naman nabarang ang tatlo habang nakatitig sa akin.Kita sa mga ito ang pagkamangha.Doon ko lang na-realize na may ginawa ako na hindi ko dapat gawin.Naitakip ko ang palad ko sa aking bibig upang itago iyon. Someone said my smile was captivating, that there's no one can refuse.And i hate it.

"Demi,ang cute mo pagngumingiti.Kung wala lang yang salamin mo sigurado pasok ka sa tooth paste commercial.Sobrang ganda mo pala." Nagniningning ang mga mata ni Laura sa paghanga.

"Oo nga.Isa pa nga!" Request ni Lady na parang natuluyan na.Habang si Catherine naman ay shock pa ding nakatitig sa akin.

Kailangan ko gumawa ng paraan. Isip-isip.

"Baka namamalikmata lang kayo.Tignan nyo nga uli." Hamon ko. Pinaasim ko ang aking mukha na parang may diarrhea bago ko binatak ang isang nakakakilabot na ngiti kita gilagid.

Napangiwi naman ang mga ito sa nakita.

"Tama ka,guni-guni lang namin 'yon." Lukot ang ilong na sabi ni Laura.

"Okay na.Pwede mo  ng itago ang literal mong 'killer smile'.Baka mapaginipan ko pa eh." Kinikilabutang pakiusap sa akin ni Lady.

Mabilis sa alas tres ay nag poker face ako.Sarap gumulong sa katatawa.Ang epic kasi ng itsura ng tatlo.

Tinungo ko na ang kama ko upang maibaksak ang katawan ko doon. Ah!Sarap buhay.Nung sa Lexus pa ako nag-aaral kailangan ko ng part time pangtustos sa pag-aaral,renta sa kwarto,ilaw at tubig.Pero kahit ganon hindi ko pinabayaan ang pag-aaral ko.Para maipagmalaki ako ni mama at papa.Kaya siguro ng inalok ako ng scholarship na 'to ay mabilis na oo ang sagot ko.

"Ahm..Demi..." Nag-aalangang tawag sa akin ni Catherine.Nilingon ko naman ito.Ito ang nakahiga malapit sa  kama ko na sinundan ni Laura bago kay Lady.

"Bakit,Cath?" Kunot noong tanong ko dito.Mukhang seryoso ang gusto nitong itanong.

"Di ba binalaan ka na namin tungkol sa Equinox?May kumakalat kasi sa campus na may bagong estudyante na kinausap ng mailap na si Yuan.Hindi ka kakausapin n'on unless kasama ka sa Dark note.Ikaw ba ang tinutukoy nila?" Bakas sa mukha nito ang pag-asang itatangi ko iyon.

"Hi-Hindi ako 'yon.Wala naman akong kinausap ngayong araw." Tanggi ko. Alam kong mali pero ayokong na silang pag-alalahin.Parang nabunutan naman ng tinik ang mga itsura ng mga ito.

"Buti naman.Kala ko talaga ikaw 'yon." Panatag na pahayag ni Cath.

Pumailanlang ang katahimikan pero nabasag din agad.

"Tara!Kain tayo sa labas.Sagot ko basta fastfood lang tayo." Aya ni Laura na nagpagaan ng mga pakiramdam namin.

"Go tayo dyan!" Chorus naming sagot.Parang naman kami street children na may free feeding sa gulo namin para buksan ang pinto.

***

Author's note:

Thank you for reading!

Sorry for errors you might seen. I've got no one to reread and confirmed the construction of my sentences and narrations.I'm not major in literature  but I want to write.Don't worry I promise to edit it after completion.

vote.comment.follow

This story is mine.Don't plagiarized.

Equinox FraternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon