Plan A

388 13 0
                                    

***

It's time for executing Plan A of 'Operation Masterpiece'. Entitled 'Through Conversations'.

Well,sa totoo lang ilang araw na akong nag-ii-spy.Kung anu-ano ng katangahan ang ang pinaggagawa ko.Minsan gusto ko ng sisihin ang artist hormones ko sa katawan.Kung bakit ba kasi pinanganganak pa akong artist e pwede naman na autistic.Erase,erase.Ok na ako sa artist.May pagka-weird,I mean,weird talaga,addict sa subject (kay Yuan) at kayang ibuwis ang buhay para sa sining.Hay.

Ayon sa aking plano.Kailangan ko muna idaan sa magandang usapan. At iyon ay ipaalam dito ang aking layunin.Ang maging parte s'ya ng masterpiece ko.

Para maka-usap ko ito.Kinailangan kong sundan ito kahit saan magpunta at itala iyon sa aking kwaderno.Para malaman ko kung saan ko ito tatambangan para makausap ito ng sarilinan.Heart to heart talk kung baga.Sa pagsunod ko dito sa buong dalawang linggo ay nalaman ko ang pattern ng mga agenda nito.Napili ko itong kausapin sa parehas na oras at lugar kung saan una kaming nagkita.Sa rooftop ng kalagitnaan ng gabi sa araw ng linggo.

At ngayon,inaabangan ko ang pag-akyat ng elevator galing sa tenth floor. Sigurado ako.S'ya na 'yon.Nang rooftop na ang elevator na sakay ito ay sumunod na ako.Nang nasa taas na ako ay lumingon-lingon muna ako sa paligid bago naglakad ng parang ballerina.Hindi ko gugustuhin na maantala ang pag-uusap namin sa kapalpakan ko.

"Ahh!!" Napatili ako ng may nagtulak sa akin pasandal sa pader.

Para akong kriminal sa braso nitong nakapatong sa leeg ko.Sino pa ang ine-expect ko.Of course the one and only Yuan the Japanese cutie.Kahit hindi ako mahilig sa lalaki,sa subject kong ito nabubuhay ang hasang at katawang lupa ko.Isn't amazing?!

Handsome looks.Check! Messy hair.Check!Deadly glare.Check!Anger build up.Check!I'm dead.Check na check!

"You.Again."He put diction in his two words.Parang mamaya sasakmalin na ako nito.Hindi talaga s'ya happy na makita ako.Obvious naman.

"May sasabihin lang ako." I put my paawa face to earn his sympathy.No effect.His face keeps still as it was.

"Not interested." He-he answered me.A miracle.Should I call the Pope for this blessed incident?Nah.Gusto kong 'tong solohin.

"I want to take couple of picture of yours.Please let me.I need it as my requirement." I pleaded.

"You already got some of my pictures." Mahabang sabi nito.

"Pero kulang pa 'yon." Natuptop ko ang bibig ko.Shet.

"Gotcha." Lalong bumangis ang itsura nito.At unti-unti na din nawawala ang kakarampot kong pag-asa.Pano na?

"Ah.Hehe.Peace na tayo.Sige na oh.Pumayag ka na please.Pretty please.Please.Please." Pagmamakaawa ko dito. Wala ng hiya-hiya.Bubusugugin ko muna ang sarili ko ng pride.

"No."Simpleng sagot nito.

Two letters enough to lose my courage.But not my hope.His eyes fixed to me in few seconds before he exit. Plan A.Failed.Plan B up next.Fighting!

***

Equinox FraternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon