Chapter 1

3.1K 79 8
                                    

Andyan na naman siya. Kailan ba to mapapagod sa kakasunod sa akin? Naiinis na ko sa pagmumukha nito. Sunod ng sunod. Alam ko naman na maganda ako pero wag naman niyang ipahalata na nabihag siya sa ganda ko atsaka pano na kung may ibang makakapansin? Edi instant discover ako? Hindi pa ako handang sumikat Lord.

Actually okay lang naman sana kaso nagiging creepy na habang tumatagal. Sarap piktosan ng pa ulit-ulit. Humanda to sakin talaga, parang sasabog na nga ako sa inis dahil sa ka creepy niya.

Ikaw ba naman magkabuntot bigla.

Nilingon ko yung lalaking kanina pa sumusunod sakin at hinarap siyang nakapamewang.

"Hoy kanina ka pa ah, bakit ba palagi kang nakasunod ha? Kung gusto mo, mag apply ka samin bilang bodyguard huwag yung palagi kang sumusunod sa akin. Sino ka ba?" 

Sita ko sa kanya, Imbes na makakuha ako ng sagot mula sa kanya tumingin lang siya sa akin sabay alis.

Aba may lakas na loob pa siyang i snob ako. Kung harangan ko nalang kaya sa kanto yung putrages na yun? Ang lakas ng loob. Huwag lang talaga siya magpapakita sakin.

Sinundan ko siya ng masamang tingin hanggang sa huminto siya sa paglalakad at tumingin ulit sa akin at nagsalita.

"Ang ganda mo" 

Alam ko na yan pero sinabi niya pa rin. Lumilingon pa ko sa paligid baka meron makarinig. Secret ko yan eh.

Napatulala ako nung una kasi yung mata niya nawala nung nag smile sya. Napailing nalang ako sa nasa isip ko pero kasi lumulutang talaga yung kagwapohan niya, yung singkit niyang mata at maputing skin.

Inis pa rin ako sa kanya.

"Shama Chen!"

Naririnig ko ang sigaw ng isang baliw pero nasa Korea yun kaya impossinleng siya yun, baka kaboses niya lang.

May biglang sumundot siya tagiliran ko kaya napasigaw ako sa gulat.

"Ay kennylle pangit!" 

Lumingon ako sa likod ko para sunutokin sana ang bwesit pero napamaang ako sa nakita ko. 

Andito and baliw! Napatalon ako sa tuwa at niyakap siya. Masaya akong makita siya pero mas nangingibabaw ang takot ko lalo na at palagi na kaming magkasama ngayon, halata na tuloy ang kagandahan namin.

"Kennylle Park!"

Sigaw ko habang magkayakap kami kaya tinulak niya ang mukha ko papalayo sa kaniya, nabingi ata ang baliw.

Ngumiti sya habang nakapamewang at nag aaktong parang nagmomodel. Kahit kailan talaga tong babaeng to baliw buti nalang maganda at friend niya kong maganda rin kaya okay na rin.

"Kailan ka pa bumalik dito? Grabe na miss kita" 

Tanong ko sa kanya. Ano kayang trip nito bakit di sinabi sakin na babalik siya dito sa Pinas.

"Kanina lang, dumeritso nga ako dito galing airport" 

"Buti nakita mo ko dito"

"Duh! Tumawag ako sa inyo kanina, si Manang yung sumagot tsaka alam mo bang ano ang sinabi niya?" 

Ayaw ko talagang tinatanong ng ganyan. Nattrigger yung pagiging chismosa ko tsaka kinakabahan ako kapag tungkol sakin.

"Ano raw?" 

Inilapit ko ang mukha ko sa kanya tsaka hininaan ko pa talaga ang boses ko para kami lang dalawa ang makakarinig. Chismosa lang talaga yunng dating.

 Napaatras pa nga ng kunti ang ulo ni Kennylle sa sobrang lapit ko sa kanya.

Feeler, as if namang ikikiss ko siya.

Tumikhim sya at inilapit ulit yung mukha nya.

"Sabi nya..."

Huminto siya sa pasasalita na ikinabwesit ko. Kinakabahan ako eh kaya gusto ko malaman agad bago pa mag-iba ang isip ko.

"Andito ka raw, kaya dito nako dumeritso" 

Sabi nya at tumawa ng malakas.

Kung alam niya lang kung gaano ako nagpipigil ngayon na wag siyang saktan at sipain pabalik sa Korea.

"Chismosang chismosa"

Tawa lang siya ng tawa. Inirapan ko sya at naglakad papalayo sa kanya. Bahala sya dyan, di rin naman mawawala yang babaeng yan. Malaki na siya, kaya na nyang umuwing mag-isa.

"Hoy! Shama wait!" 

Sinusubokan niyang makasabay sakin sa paglalakad. Maliit tong babaeng to kaya nahihirapan siyang sabayan bawat hakbang ko.

"Papasok rin pala ako sa school na pinapasokan mo, schoolmates na tayo" 

Napahinto ako at nilingon sya, unti unti akong napangiti.

"Talaga?"

Masaya kong tanong sa kanya. Tumango naman siya habang nakangiti ng malapad.

May kasama nako sa mga kalokohan ko. Namasyal kami sandali ni Kennylle sa malapit mall. Nanood kami ng movie, kumain at nag shopping tsaka namin napagdesisyonan na umuwi na para makapagpahinga na kami pareho.

Nakauwi ako sa bahay na pagod kaya dumeritso nako sa kwarto ko. Gusto ko ng matulog. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nung tumunog ang cellphone ko, binasa ko naman agad yung text.

From: +63916*******
Message: Hi.

To: Unknown
Message: Who are you?

From: Unknown
Message: Ang ganda mo talaga.

 I know, just now lang? Kawawang nilalang.

From: Unknown
Message: I think I love you.

Just wow.

Iba ang fighting spirit nitong taong to. Agad kong pinatay cellphone ko. Wala na akong time sa kalokohan ngayon dahil pagod talaga ako.

STALKER (Unfinished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon