Chapter 13

496 18 1
                                    

Linn Adrianne

Pagkarating ko sa school. Mukha naman agad ni Kennylle ang sumalubong sakin.

Nasan kaya si Shama?

Pero dapat galit with tampo mood ako. Dapat suyoin nya ko.

"What?" walang emosyon kong tanong kay Kennylle. Eh pano, nakaharang ang babaeng to sa daan.

"Sungit natin ngayon ah." pang aasar nya sakin.

Di ba to nakakaramdam ng emosyong ng tao? Manhid o nag mamanhid manhiran?

Tinuloy ko yung paglalakad ko at di ko sya pinansin, may kasalanan pa rin sya sakin. Actually, papansinin ko naman talaga dapat sya pero kasi kahapon, kung makatawa para katapusan na nya sa mundo, yung tawang nagpapaalam na.

"Hoy! Ano ba Adrianne, pansinin mo naman ako. Di naman ako ang umaway sayo ah" sabi nya habang nakapout. Nakita ko kasi sa peripheral view ko eew. kunti nalang talaga iisipin kong may gusto to sakin.

Di ko parin sya pinansin. At tsaka si Shama ang gusto kong sumuyo sakin nu, di tong makulit nyang kaibigan.

Papasok na kami sa Grade 11 ABM Building ng makarinig ako ng mga bulong bulongan pero di ko naman yun pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Feelingera talaga nung nerd na yun. Kiniss nya pa talaga si Papa Linn.

Bat nga ba papa sila ng papa sakin? Mukha na ba akong ama? Tsk.

Dzuh! Ivory nerd is a whore, what do you expect? Trabaho nya yan. Akala kasi ni Papa Linn na si Shama sya. Nakapikit si Papa Linn kaya di nya napansin.

Isa pa to papa ng papa. eh kung amponin ko nalang kaya sila para naman may hustisya ang pag tawag nila sakin ng papa

May tinatagong landi talaga yang nerd na yan eh. I hate that nerd!

Yan po yung mga bulong bulongan nila di ko yan pinansin ah. Narinig ko lang kaya shinare ko sa inyo.

Honestly, part of me nakaramdam ako ng awa sa nerd. Inutusan lang naman sya ni Shama eh pero kasi

Si Shama sana yung nahalikan ko eeeeh

"Hoy Adrianne! snobbers!" tawag sakin ni Kennylle.

Andito pa pala tong babaeng to. Lumingon ako sa kanya at tinaasan ko sya ng kilay, napangiwi naman sya sa pagtaas ng kilay ko.

"Ayy, taray! Bahala ka na nga sa buhay mo!" sigaw nya sakin sabay pasok sa classroom nila. Katapat na pala nya room nya. Galing ah! Nagka instant hatid sya mula sakin kahit nauna akong maglakad sa kanya.

Napatawa ako ng mahina. Napangiti rin ako hanggang sa makarating ako sa classroom namin na katabi lang sa classroom ni Shama kaya arte mood muna ako ngayon baka kasi sumilip si Shama mabuko ako.

Tumunog cellphone ko tinignan ko naman agad kung sino yung nag text. Sabik na sabik akong makita yung pangalan ni Shamababes ko kaso iba yung lumabas. Tsk! galing lang pala sa makulit na nilalang sa mundo.

From: Kennylle maganda

Message: Hoy!

To clarify, sya po ang nag save ng number nya sa phone ko at yan ang naisipan nyang contact name. Pagpasensyahan nyo nalang po, may saltik to sa utak eh. Okay lang naman sakin na I save nya number nya ang hindi ko lang talaga matatanggap ay ang kadugtong ng pangalan nya.

Haha! joke lang po yun ah baka magsumbong kayo sa kanya, katakot po yun magalit parang batang nag tatantrums daig nya pa yung 1 year old na bata Haha joke ulit pero yung totoo amazona po yun pag nagalit.

STALKER (Unfinished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon