Annika POV
Nice!
Nice Adrianne. Ginagalit mo talaga ako.
Nagtataka kayo kung bakit bigla bigla nalang akong lumilitaw? Because i have a plan. A better plan para mapabagsak yang Shama na yan.
Yung sa cafeteria incident, i thought nagising na sa katotohan tong litseng Adrianne na to at bumalik na sakin pero hindi.
Hindiiii!
Ginamit nya lang ako.
Ginamit nya lang ako para mapaselos nya si Shama.
Kaya pala sumasang ayon sya sa lahat na gustong kong gawin.
Tsk tsk tsk.
Isang napakamalaking mali na ginawa mo Adrianne. Pagsisisihan mo to.
Pumasok ako sa principal office. Kakausapin kasi daw ako ng principal. The great principal.
"Ms. Joong, how are you?" Bungad nya sakin habang nakangiti.
Really? How sweet.
"I'm better than okay Mrs. Joong, oops! My bad. Mrs. Riegh" nakangiti kong sagot sa kanya.
Sumeryoso ang mukha nya sa sagot ko.
"Huwag kang magkakamaling magsalita ng kung ano ano kung ayaw mong pagsisisihan Ms. Joong" banta sakin ni Mrs. Riegh
Napatawa ako sa sinabi nya. Talaga lang ah. Sa kanya pa talaga nanggaling.
"Ikaw ba Mrs. Riegh? Di mo ba pinagsisihan ang mga ginawa mo? NOON?" Panghahamon ko sa kanya. At diinan ang salitang Noon para madama nya.
Ayaw mong may sabihin akong mga katotohan? parang unfair naman ata yun.
Kumunot ang noo ni Mrs. Riegh sa sinabi ko pero ngumiti rin naman sya agad.
Tumayo sya sa swivel chair nya. At tinignan ang mga litrato nya sa likod kasama ang anak niya at si Mr. Riegh. Lumingon rin naman agad sya sakin at sinagot nya ang tanong ko.
"Ba't ko naman pagsisisihan ang mga ginawa ko? Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya Ms. Joong. Nakatakas ako sa mga taong nakakasakal. Sa mga taong may diperensiya. At dahil dun nag tagumpay ang buhay ko. Nakamit ko ang mga matagal ko ng inaasam at ngayon, hawak ko na ang mga ito." Nakangiti nyang sabi sa akin.
Makasarili kaaa.
"Talaga? Nakakamangha ka" tanging sinabi ko sa kanya tsaka nilisan ang opisina nya.
Di ko maiwasang mapaluha sa mga sinabi nya.
Makasarili.
Iniwan mo kami para mas umangat ka. Dahil akala mo noon na di na ulit lalago ang kompanya natin. Di ka nakuntento sa kung ano ang meron tayo. Pinili mong sumama sa ibang lalaki. Pinili mong kalimutan kami ni Daddy.
Pano mo nakayang iwan kami,
Mommy.
Nasa labas nako ng school at pinagmasdan ang eskwelahang nakakasuka.
Nangingilid na naman ang luha ko.
Inaalala ang nakaraan.
-Flashback-
"Mommy, let's play!" Yaya ko kay mommy.
Naka confine ako sa Riegh Cancer Hospital University dito sa Seoul dahil napapadalas ang pagsakit ng ulo ko.
"Sorry baby, may kailangan akong gawin." Sabi nya sakin tsaka umalis.
Napabusangot ako sa sinabi ni mommy.
BINABASA MO ANG
STALKER (Unfinished)
Ficção AdolescenteDon't expect too much. Just read and imagine😊