Chapter 22

368 13 1
                                    

Shama POV

I was wrong. Mali ako. Mali akooooo!

Ba't ko kasi sinabi yun? Tss.

Ilang araw ng nakalipas simula nung sagutan namin ni Adrianne.

Nakokonsensya ako.

Kailangan ko syang makausap.

Papasok na sana ako sa classroom ng napatingin ako sa may pinto ng kabaling classroom which is room nina Adrianne.

Sa tingin ko papalabas sya pero huminto sya sa pinto mismo.

Akmang pupuntahan ko na sana sya pero naglakad ito palabas ng mabilis. Nakaramdam siguro sya sa presensya ko kaya sinundan ko sya.

Tumakbo ako pero di ko sya nahabol.

Nasa may hallway ako ng napagod ako sa kakatakbo.

"Aiish!" Inis kong sinabunutan ang sarili ko.

Naman eh!
Pero di ko naman sya masisisi sa mga inakto nya dahil ako naman talaga kasi ang may kasalanan.

Ewan ko ba at bakit ako naging bulag at piniling saktang yung baklang impakto na yun.

Dahil 15minutes late na ko sa General Mathematics na last subject ko, pinili ko nalang mag lakad lakad para narin ma refresh man lang tong utak ko. Masyado ng occupied.

Sa aking paglalakad, nakita ko si Yuan na naglalakad rin patungo sa deriksyon ko.

"Hi, Shama!" Bati niya sakin nung magkasalubong na kami pero di ko sya pinansin. Patuloy lang ako sa paglalakad pero sinundan ako ni Yuan.

"Hey! May problema ba?" Tanong niya sakin.

Problema? Oo malaki. Malaking problema at di ko alam kung pano aayusin to.

"Yuan" tawag ko sa kanya.

Haay, gusto kong mapag-isa pero di ko magawa dahil sa lalaking to.

"Yes?" Sagot nya sa tawag ko.

Napabuntong hininga muna ako bago ako huminto sa paglalakad at deritsong tumingin sa mga mata nya.

Hinawakan ko ang mukha nya na ikinagulat nya.

Nilapit ko ang mukha ko.

"May problema ako at ikaw lang ang makakatulong sakin" bulong ko sa kanya na hanggang ngayon sobrang dilat yung mata sa ginawa ko.

Binitiwan ko na ang mukha nya, tumango naman sya sa sinabi ko.

"Kailangan kong mapag-isa, kailangan ko rin ang kooperasyon mo kaya please lang. Huwag muna ngayon." Sabi ko sa kanya at nag lakad paalis.

Siguro naman naintindihan nya ko.

Gusto ko makapag isip isip muna bago ako magsalita sa harap mismo ng baklang empakto.

Tumunog ang cellphone ko at binasa yung text galing kay Mommy.

From: Mother
Message: Darling, papunta kami ng Dad mo sa States ngayon. Something came up so important. Dun muna kami 1yr. You can visit us there, just tell us when okay? Love you Darling

Naaays, mag isa ako ngayon. Ang saya naman.

Bagsak yung balikat ko palakad lakad papunta sa cafeteria.

Stress eating ang gagawin ko.

Tambak ako sa problema. Naiiyak ako.

Ang hina ko. Sobrang hina ko. Di pa kasi nawala sa isip ko yung tungkol kay Adrianne tapos umalis pa sila mommy.

STALKER (Unfinished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon