Chapter 33

240 9 2
                                    

Adrianne POV

"Sir, nakakulong po sya ngayon sa bahay nila." Balita sakin ng hinire kong taga masid kay Annika

"Bakit? Paano?" Taka kong tanong sa kanya.

Nakakulong sya sa bahay nya? Paano?

"Base po sa aking pag oobserba kagabi, nag away po silang mag ama."

Hinahanda ko ang bawat galaw nya lalo na't kami na ni Shama. Baka gumawa sya ng ikakasama sa relasyon namin ni shama.

At sinisiguro kong di yun mangyayari.

Gawin nya ang lahat pero wag nyang lang sirain kung anong meron kami ni Shama.

Mahal ko si Shama at alam nyo yun.

Ikakamiserable ng buhay ko pag nawala sya sakin.

Minsan na syang nawala sakin, kahit nawala ako sa memorya nya nagawa kong bawiin sya at angkinin ulit.

"Sige, balitaan mo nalang ako" sabi ko sa lalaking hinire ko.

"Okay po sir. Salamat po" sabi nya sakin.

Pinaandar ko na ang kotse ko at pumunta sa school. Nag absent pa ko sa Gen.Math kong subject para lang dun.

Ganun ko pinahalagahan ang relasyon namin ni Shama.

At napagdedesisyonan kong sabihin sa kanya ang mga nangyayari at ang nakaraan.

Siguro di pa ngayon pero darating rin ang panahon na yan.

Pagkalabas ko sa kotse bumungad sakin ang mukha ni Kennylle na ikinagulat ko

"Waa! Hoy ano ba?! Ba't ka ba nanggugulat?!" tanong ko sa kanya na pasigaw.

Ngumiti naman sya ng nakakaloko.

"Hala kaaaaa" nakakaloko nyang sabi.

Kumunot ang noo ko sa inakto ng babaetang to.

"Pumasok ka sa loob ng kotse mo" sabi nya na ikinakunot lalo ng noo ko

Alangan namanga papasok ako sa labas ng kotse ko. Nakakabobo din tong babaeng to.

"Ha?" Taka kong tanong sa kanya.

"Pumasok ka sabiiii" sabi nya habang pinagtutulakan niya ko papasok sa kotse.

Ano bang trip nitong babaeng to. Nakakasakit na tong babaeng to ah.

"Aa-araaay! Dahan dahan naman, oo na. Papasok na oh" sabi ko at tuluyan na kong pumasok sa kotse.

"Humanda ka" tanging sabi nya habang seryoso ang mukha nya na ikinatayo ng lahat ng balahibo ko.

Pati sa ano Hahaha jk.

Natakot ako sa sinabi ni Kennylle. Minsan lang kasi sumeryoso ang mukha ni Kennylle.

Namutla ako ng maramdaman ko ang ballpen sa leeg ko mula sa backseat

Sino to?

Kaya ba painapasok nya ko sa kotse ko para patayin ako at para walang makaalam kung sino ang pumatay sakin?

Shts.

Di to dapat mangyari

Hinablot ko ang kamay na may hawak ng ballpen gamit ang kanang kamay ko at inikot ito para pumilipit sa sakit.

"Araaaaay!" sigaw ng babae.

Babae?

Teka, familiar yung boses nya.

Holy shtsu!

Lumingon ako pero di ko kita ang pagmumukha nya dahil may mask at saka naka jacket.

STALKER (Unfinished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon