Shama POV
"Okay class, you may take your lunch" maarteng sabi nitong si Maam Coloring book.
Ayos name nya nu? coloring book! eh pano daig nya pa yung coloring book sa kapal ng make up nya. Di kaya sya may ari ng pagawaan ng crayons? Eh di ata nauubusan to ng pang kulay sa mukha eh tsk.
Lumabas na ko sa room at as usual, nakaabang ang baklang malignong Adrianne na to. Ilang araw na kaming nagsasamang kumain ng lunch at syempre kasama rin namin si Kennylle. Di rin naman ako papayag na kaming dalawa lang ng pangit na to no. Baka ano pang isipin ng ibang estudyante, na mag jowa kami nitong maligno na nato? No way! Magkamatayan muna bago mangyari yan. Medyo nasanay nako sa presence nitong pangit na to pero minsan di maiwasang mainis ako sa kanya. Una, makulit sya kaya nakakainis. Pangalawa, makulit sya kaya nakakainis at pangatlo, copy paste sa sinabi kong una at pangalawa.
Nakasandal sya sa pader ng classroom namin at syempre pinagtitinginan nanaman kami ng mga classmate ko tapos aasarin ako.
"Shama may bodyguard ka pala? Others mo, di mo sinabi saamin. HAHAHAHA!" Sigaw ni Krizzah napatawa ako sa sinabi nya. Lab talaga ako ng mundo.
"Oo nga eh, buti sana kung gwapo kaso baklang pangit Haha" sigaw ko rin sa kanya kasi medyo malayo na sya. Nagtawanan naman kami at nakitawa narin yung iba kong classmate. Tumingin ako kay Adrianne, di ma drawing yung mukha nya. hahaha sobrang kunot ng noo nya nagmukha tuloy syang matandang tadtad ng wrinkles ewsxcz, ang pangit tignan.
Nagsimula nakong maglakad at iniwan ang baklang Adrianne. Napahinto naman ako ng nagsalita si Adrianne. Nilingon ko sya na sanay di ko nalang ginawa dahil sa paglingon ko sobrang lapit ng mukha nya sakin.
Shit!
Napa tarsier yung mata ko at di na halos makahinga dahil kunting galaw lang, may mangyayaring hindi maganda. Lagot sakin tong lalaking to mamaya.
"Talaga? pangit ako? bakla ako?" Sabi nya at dahan dahang lumalapit yung mukha nya sa mukha ko. Napaatras naman ako sa ginawa nya pero hinawakan nya ang balikat ko medyo nagulat ako. Ano ba Shama, itulak mo syaa!
Bat di ako makapagsalita? Nasan na yung dila ko? Kilangan ko yung dila ko ngayon. Kahit anong sinasabi ng sarili ko di parin gumagalaw ang katawan ko. Makishamaaa ka naman katawan! Titig na titig sa akin si Adrianne habang ako pinagpapawisan na sa ginawa nya. Simpleng titig lang nya para natutunaw ako. shitmiming ano ba!
"Pano kung halikan kita? bakla pa rin ba ako?" Tanong nya sakin habang sumusulyap sa lips ko. Manyak to, kadiri. "Pano kung maiinlab ka sakin? Pangit pa rin ba ako?" dugtong nyang tanong.
"B-biro lang n-naman yung k-kanina eh" nauutal kong sabi sa kanya. Shit! dapat magagalit ako sa kanya eh, pero ano to?! bwesit ka shama. Magalit ka at sapakin mo tong maligno na to.
"Talaga?" bulong nya sakin na ikinakilabot ng buo kong katawan. Napatango naman agad ako. Dumistansya naman sya agad at ngumiti sa akin.
Alam kong namumula nako kaya yumuko agad ako. Ayoko namang isipin nitong Adrianne na to na kinikilig ako kaya ang pula ko. Ang kapal din naman ng gilagid niya kung aakalain nyang kinikilig ako sa kanya.
Nagsimula na syang maglakad, naiwan akong nakatanga parin pero buti nalang nataohan agad ako kaya naglakad na rin ako papunta sa cafeteria pero mabagal lang ang paglakad ko. Ayokong makasabay sa paglakad yang maligno na yan.