Chapter 7

856 39 7
                                    

Annika POV

So, andito nga siya at nagdala pa talaga siya ng alipores. For what? Para gulohin ako? haha, marami akong alas laban sa kanya. Di nya ko basta basta mapapatomba. Uunahan ko bawat galaw niya. Ang bagal eh, nakakabagit maghintay. Kung akala nya matatalo nya ako pwes, jan sya nagkakamali.

"Annika, Wala akong makuha na information niya 2 years ago" pagbabalita sa akin ng utosan ko na si Kevin.

Actually estudyante lang din naman sila pero kakaibang estudyante dahil napapasunod ko sila sa mga gusto ko at sinusoholan ko sila para mag trabaho sa akin kung may kailangan akong ipagawa sa kanila. Lahat naman ata magagawa ng pera Haha.

Sinampal ko yung si Kiven ng napakalakas at napasinghap naman ang iba kong utosan sa ginawa ko. Yan ang napapala sa mga taong inutil! Walang silbi!

"Gawin nyo ang lahat para makakuha ng information! Huwag kayong magpapakita sa kin ng walang dalang magandang balita! Punyeta!" Galit kong sigaw sa kanila.

"P-pero mahi-higpit a-ang se-ecurity system nila. Hindi kami b-basta basta nakakalusot." Pagpaliwag naman ng isa kong utosan na si Chaehyung na halatang nanginginig sa takot.

"Wala ba kayong mga utak? Akala ko ba expert na hacker yang si Madelinne? I hack nyo yung security system nila!" Sigaw ko ulit sa kanila.

Medyo nakaka pang init na ng ulo tong mga to kahit gusto ko man silang sibakin sa pagohgung utosan ko pero di ko magawa dahil may kailangan ako at sila lang ang makakagawa nun ng hindi nahahalata ng kalaban ko.

"Na try ko ng I hack" bored na sabi sakin ni Madelinne

"Mga walang kwenta! Lumayas kayo sa harap ko!" Sigaw ko ulit sa kanila sabay binato yong gamit na unang nakita ng paningin ko.

Dali dali silang naglabasan sa abandonadong room dito sa school na ginawa naming meeting place or kung saan kami magpupulong, medyo may kalayoan rin sa mga classroom na ginagamit sa klase.

Kailangan ko ng makuha ang information ni Shama Chen 2 years ago.

---*

Shama POV

"Pakialamera ka kasi! Yan ang bagay sayo!" sigaw ko sa babaeng umiiyak, pinalo ko sya ng kahoy. Dugoan na sya pero umaapaw parin yung galit ko sa kanya.

"Ta-tama na p-po" pagmamakawa nung babae habang nakahandusay sa sahig.

"Lakasan mo punyeta! Hindi kita marinig!" Sigaw ko ulit habang hinablot yung buhok nung babae

"D-di... Di na po ma..mau-u-ulit" Pagmamakaawa niya.
------------

Nagising ako na sobrang pawis na pawis. Ano yun?! Sino yung babaeng yun? Bat ko nagawa yun? Bat galit na galit ako sa kanya? Ba't ganun ang mga panaginip ko?

Actually, pang ilang beses ko na tong napapanaginipan pero binalewala ko lang yun kasi baka sa kakanood ko lang ng mga pelikula pero ngayon, iba na eh. Mas lalong naging marahas. Yung nakikita ko na talaga ang sarili kong may ginagawang kasamaan. Noon, tanging isang saradong kwarto lang ang napapanaginipan ko pero may mga boses na nagmamakaawa at mayroon ring sobrang galit na boses.

Bumangon nako at inayosan ang sarili para pumasok, Hindi ko na tiningnan yung oras. Friday ngayon kaya okay lang na ma late. Bumaba nako para kumain, nakita ko pa si papa na paalis na kay tinawag ko siya.

"Papa, bibisita ako mamaya sa hospital ah, dadala ako ng meryinda." Sabi ko sa kanya habang nakangiti

"Okay darling, see you there. Bye" pagsang-ayon niya at nag paalam na rin.

Pagkatapos kong kumain agad akong sumakay sa kotse. Hindi parin nawala sa isip ko yung panaginip ko. Lutang akong pumasok sa school. Di ko na namalayan na tinatawag ako ni Kennylle, kung di lang nya ako kinalabit di ko sya mapapansin.

STALKER (Unfinished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon