Yuan POV
Asan na ba si Annika?
Ba't nya ba kami pinatahimik?
Shyt. Di ko magagawa ang plano ko kung ganito ang kilos ni Annika.
Kailangan kong makausap si Annika.
Dahil di ko ma contact si Annika may naisip akong pwedeng mapagtanongan.
Dinial ko yung number ni Chaeyoung.
Ilang sandali ako naghintay kasi ring lang ng ring buti nalang sumagot rin
"Yuan?" Bungad nya sakin mula sa kabilang linya.
"Chaeyoung" tawag ko sa kanya.
"Napatawag ka?" Tanong nya sakin.
"Chae, asan si Annika? Kailangan ko syang makausap" Diretso kong sabi sa kanya.
Wala ng oras sa paligoy ligoy. Bilang na ang mga araw at kailangan ko tong matapos agad.
"Huh? Di ko alam, di rin naman yun tumatawag samin eh. Di rin naman namin sya pwedeng contact-kin except kung related sa pinapautos nya" sabi nya sakin.
"Ganun ba?" Para akong natalo sa lotto.
Ayy hindi, para akong natalo sa laro namin.
"Oo eh, naghihintay lang naman kami ng tawag nya pero nakakapanibago ngayon" sabi nya
Napakunot ang noo ko. Anong ibig nyang sabihin?
"Nakakapanibago?" Taka kong tanong sa kanya.
"Oo, dati kasi di lalampas ng 3days tatawag sya samin eh ngayon ilang buwan na. Kumikilos na sya ng mag-isa, nung nakaraang linggo di na nya kami tinatawagan" sabi nya.
Kumikilos na sya ng mag isa?
"Alam mo ba kung saan sya nakatira?" Tanong ko sa kanya.
Kailangan ko talaga syang makausap.
Di ako magtatagumpay pag di ko gagamitin si Annika.
"Sa Vallen Subdivision. Block D" sabi nya.
"Sige, salamat." Sabi ko sa kanya at saka ko binaba yung tawag.
Agad kong pinaandar ang kotse ko at tinungo ang adress na binigay sakin ni Chaeyoung.
Paano ko mapapasaakin si Shama gung gumagalaw si Annika ng mag-isa.
Paano ko magawang iwala si Adrianne sa buhay ni Annika?
Pagkarating ko sa address na yun bumungad sakin yung malaking bahay. Well, not bad.
Pareho lang yung laki ng bahay namin sa bahay nya.
Ayy wait, ba't ba ako nag c-critique? Aissh.
Pinindot ko na yung door bell at ilang sandali bumukas yung gate at bumungad sa kin yung Maid.
"Sir, ano pong kailangan nila?" Tanong sakin nung babae.