Chapter 2

1.3K 57 2
                                    

5am pa lang, gising nako. Hindi naman halatang excited akong pumasok. 

Nakakamotivate kayang makita ang mga teacher mong pinapahirapan ka. Yung may math problem siyang ibibigay with complicated numbers and formulas tapos di nya kami pinapagamit ng calculators para daw challenging, eh kong ipalunok ko sa kanya yung test paper? Walang charot.

Bumangon nako at nag stretching ng kunti para tumangkad ako lalo. Pagkatapos kong mag stretching hinanda ko na yung sarili ko para maligo sa upgraded bathroom ko. From tabo to shower. Yes, mayaman na ako.

Nagbihis naman agad ako at pumunta sa dining area where you can see my yaya beth preparing my breakfast. Hilas bitch.

"Good morning Manang Beth, sina mama po?" 

"Andun sa garahe, hinihintay ka. Ihahatid ka raw nila sa school"

Doctor sina mama at papa kaya madalang lang kaming magkita. Palagi silang busy at kung saan saan nakakarating dahil sa medical mission or sa convention nila.

Agad agad akong tumakbo patungo sa garahe. At tama nga si yaya, hinihintay nga ako nina mama at papa. Napakalapad ng ngiti ko papunta sa kanila.

"Hi ma, good morning pa!" 

Masigla kong bati sa kanila. Minsan lang to kaya lubos lubosin na natin. Gusto ko man araw-arawin pero di pwede.

"Good morning darling" 

"Hello, shammy baby. Ready ka na sa school?" 

Tanong ni mama sakin kaya nag nod naman ako habang nakangiti at sumakay na sa sasakyan.

Kung bibilangin ko ang mga panahon na nagkakasama kaming tatlo, siguro sampong beses lang sa loob ng isang taon. Minsan nga wala sila sa birthday ko or sa any special occasion ko. Nung una nagtatampo pa ako sa kanila pero habang tumatagal naiintindihan ko sila. 

Kaya nga naging doctor sila dahil gusto nila makatulong sa ibang taong nangangailangan ng tulong nila. Alam ko rin naman na sa tuwing nagtatrabaho sila, ako ang iniisip nila para mawala ang pagod nila kaya nga nag-aaral ako ng mabuti para sa ganung paraan maging proud sila sakin at para masabi nilang sulit ang pagpapagod nila.

Ilang minuto ang lumipas, akala ko mapupuno ng tawa ang loob ng kotse pero tunog lang ng mga cellphone nila ang naririnig ko. Naka glue na nga ata yung mga mata nila sa cellphone eh.

Pagkarating namin sa school. Agad kaming nag drama, artistahin kami eh talent namin yan.

"Shammy, be a good girl. Okay?"

Grade 11 na po ako, di na grade 1. Yan kasi sa sobrang busy di na nila namalayan na malaki nako.

"Ingat po kayo lage mama at papa ha atsaka papa, penge dagdag allowance" 

ngumiti naman ako ng malapad at inilahad ko pa yung kamay ko na para sa blessings.

"Ikaw talagang bata ka! Dinadaan mo kami sa pagpapacute mo" 

Natatawang sabi ni papa sabay abot ng pera galing sa wallet niya. 

"Hayaan mo na love, naglalambing lang yang shammy natin eh"

Binigyan nako ng pera ni Daddy sabay kurot sa pisnge ko.

"Sige na po ma, pa. Papasok na po ako" 

Nagpaalam nako sa kanila habang naglalakad paatras at kumakaway sa kanila. Kumaway naman sila pabalik sakin tsaka umalis pero dun pa rin sa kanila yung tingin ko hanggang sa mawala sila sa paningin ko at mabangga ako sa poste.

"Aray! Bakit may poste sa gitna ng hallway?" 

Reklamo ko habang hinihimas ko yung ulo ko. Lintek sakin ang naglagay ng poste rito, kaya nga pathway tawag dito eh kasi daanan to ng mga tao hindi lagayan ng poste.

Nilingon ko ang poste pero nagulat ako sa nakita ko. Dahan dahan kong inangat ang tingin ko para makita ko kung sino ang taong nag disguise bilang poste. 

Kung mamalasin ka nga naman.

"Hoy! Ikaw tiyanak ka, stalker ba kita ha? Nakakahalata ka na ah!" 

Sigaw ko sa kanya pero malapad na ngiti lang ang naging sagot niya.

Inilahad niya yung kamay niya para tulongan akong makatayo pero syempre naiinis parin ako sa kaniya tsaka di ko siya kilala baka may poison kamay niya mamamatay pa ko pag nagkataon. 

PREVENTION IS BETTER THAN CURE! 

Inangat ko yung powerful na kilay ko, walang makakatalo sa kilay ko. Mas makapangyarihan pa yan kesa kay Darna. 

Kusa akong tumayo at pinagpag ang sariling damit samantalang siya, ngiti lang siya ng ngiti sakin.

Model ba to sa isang brand ng toothpaste? In fairness, ang white ng teeth niya.

"Ang ganda mo pero tanga lang"

"Hoy! Bakla ka siguro no? Inggit ka sa beauty ko no?" 

Taas noo kong tanong sa kanya. Kaya pala palaging nakabuntot sakin kasi inggit na pala sa pretty face ko. Sayang gwapo pa naman.

Bigla siyang natawa sa tanong ko, tingnan nyo nga naman oh. Di lang siya bakla, may saltik pa sa utak. Tumawa lang bigla, wala namang nakakatawa sa sinabi ko. 

Baliw rin naman si Kennyll pero ibang level yung lalaking yun. Ayoko na siyang makita, nakakatakot na eh. Tama na ang kabaliwan ni Kennylle, di na kailangan dagdagan ng isa pa.

STALKER (Unfinished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon