Chapter 10

577 22 1
                                    

Shama POV

Andito ako ngayon sa cafeteria. Kelan kaya ako makakaranas ng kapayapaan? Gusto kong mabuhay na walang bwesit sa buhay.

"Say ahhh" sabi sakin ng baklang maligno nato akmang susuboan ako. Nakakabwesit tong baklang to. Anong akala nya sakin bata? Litse!

Wala akong ganang makipagsagupaan nitong baklang to kaya hinahayaan ko syang gawin ang gusto nya. Pero ang subuan ako? No way! Di po kasi ako baldado at tsaka wala akong ganang kumain. Tiningnan ko sya ng masama para dama nya. pero smile lang sya ng smile sakin tong baklang to at sinubo yung pagkain na isusubo sana nya sakin. Tanga ba tong baklang to o manhind? Huh! Matakot ka boy, bad mood akong ngayon.

"Shama babes" tawag nya sa akin. Bored ko naman syang tiningnan. Nakakairita ang presence nya, kung di lang talaga absent yung babaetang may saltik rin sa utak di sana, di kami magkasama nitong baklang maligno na to. Kahit saan ako magpunta nakabuntot tong baklang to.

"Pwede ba? Tatanan mo ko sa kakashamababes mo. Bakla ka talaga nu? Ayoko sa baklang tulad mo" irita kong sabi sa kanya. Tumawa naman ang bakla tsk mental talaga ang bagsak nito sa future.

"Kinikilig lang talaga ako pag nandyan ka" sagot nya at kinilig nga ang kuya niyo. Napangiwi ako sa inakto nya tss. Bakla nga tong malignong to, wala na tong pag-asang tumuwid ang kasarian nito.

"Eh?" tipid kong reaction habang nakangiwi parin. Nilipat rin yung tingin ko sa labas ng cafeteria sa  sobrang boring, di ko na keri to. Tahimik lang ako pero tong kasama kong bakla kung kumain parang baboy may tunog kumain eh. Hinayaan ko nalang sya sa buhay nya total wala naman akong pakialam sa kanya kahit mabulunan pa sya.

Umubo sya ng peke kay napatingin ako sa kanya. "May joke ako." sabi nya sabay inom ng tubig.

"Ano?" tipid kong tanong sa kanya sabay lipat ulit ng tingin sa labas ng cafeteria. Eh sa gusto kong tumingin sa labas eh, paki nyo? Mas maganda pang tingnan ang mga damo kesa sa mukha ng baklang maligno na to

"Anong english ng kanin?" Tanong nya habang ngumiti ng malapad na parang natatawa na parang natatae, basta ganun.

"Rice. saan joke dun?" Sagot ko at agad kong binatohan ng tanong habang nakatingin pa rin sa labas. Ayokong tumingin sa mukha nitong baklang to, lalong umiinit ulo ko eh.

"Wala pa, atat naman nito" Sabi nito sabay kurot sa pisngi ko. Araaay! Tiningnan ko sya ng masama at akmang susuntokin sya pero umiilag naman tong baklang to. Ngumiti lang sya at nag peace sign pa talaga. Haays, ano bang nagawa kong maling sa past life ko at pinarusahan ako ng ganito?!

"hihi eh ano ang plural sa rice?" tanong niya habang pinipigilan nya yung tawa nya. Napaisip ako dun sa tanong nya, ano nga bang plural sa rice? Napabuntong hininga nalang ako at bored ko syang tinignan.

"Rices? Ewan, nakakabobo ka" patanong kong sagot, eh sa yan ang naisip ko eh. Tumawa naman ang bakla ng sobrang lakas namumula nga sya.. Pinanindigan ko ang bored look ko sa kanya habang tumatawa sya, halos tumambling na nga sya sa kakatawa at magpaligid ligid sa sahig.

Nung matapos na syang tumawa inayos na nya yung sarili nya dahil papatayin ko na sya.

Hihi, joke lang

"Aheem! Haha, ang boba mo babe, edi Extra Rice! HAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Tiningnan ko siya ng masama, napakabrutal, karumaldumal. Pinatay ko na sya.

Sa isip ko. bwesit tong baklang to. sabihan daw ba akong boba?! Eh sino kayang mas gago sa amin dito? Eh sya lang naman ang may tanong na nakakabobo. Tumayo ako at lumakad paalis. Walang kwenta tong baklang to. Walang patutunguhan ang kinabukasan ko kung hahayaan ko lang tong maligno tong bwesitin ako. Iniwanan ko sya sa cafeteria pero sinundan nya ko.

"T-teka Hahahaha baaaabes hahahaha" tawag nya habang tumatawa. Gagong to!

"Tumahimik ka! Sasapakin kita!" Sita ko sa kanya habang pinakita ko sa kanya ang kamao ko. Agad naman syang tumahik at umakto pa syang cnlose nya yung zipper sa bibig nya.

"Ba't ang sungit mo ngayon babe?" Tanong nya sakin habang naglalakas kami pabalik sa building namin. Tiningnan ko naman sya ng masama. Napa atras sya habang nakataas ang dalawa nyang kamay na parang nag surrender.

"Dalaga ka ngayon no?" tanong nya na ikinakunot ng noo ko pero di ko pinansin ang tanong nya sa halip sinagot ko sya ng tanong din.

"Naiintindihan mo ba talaga ang sinabi ko sayo kanina?" tanong ko habang nakatitig parin sa kanya ng masama. Tumango naman sya at parang tutang yumuko tas inangat nya ng kunti yung ulo nya saka ngumiti at yumuko ulit.

"Tsk." nagpatuloy na ako sa paglalakad bahala sya kung sumunod sya buhay nya yan pero isang pangbubwesit pa nya may kalalagyan sya at nasalubong namin si Annika.

Ngumiti si Annika sa akin at nilipat nya ang tingin nya kay Adrianne at tsaka nag smirk. Nag iba naman ang awra nitong baklang to. Pinagmasdan ko lang yung eye contact nila na hindi ko pinahalata. Kung siguro may kuryente sa pagitang ng titigan nila, sure akong sasabog kami dito. Agad namang umiwas ang tingin si Adrianne at agad akong hinila papuntang second floor ng building namin.

Padabog kong binawi ang kamay ko pagkarating namin dun. What's wrong with him?! Ang sakit kaya ng pagkakahawak nya sa wrist ko.

"Ano ba ang problema mo at nanghahatak ka ng ganun bigla ha?! ang sakit kaya ng wrist ko sa kakahatak mo oh!" sigaw ko sa kanya at pinakita sa kanya yung wrist kong namumula. Yumuko lang sya at nagsalita rin.

"Sorry. Please, stay away from Annika." Sabi nya habang nakayuko at sabay alis. Sa tono ng pananalita nya mararamdaman mong seryoso sya, nagtataka ko syang sinundan ng tingin hangang sa mawala sya sa panglingin ko. Iniwan nya ko na napaisip sa mga inakto nya lately. There's something wrong between the two of them. I must find it out.

At may kung anong meron sa boses nya na maliban sa pagiging seryoso para bang natatakot na nag aalala pero may galit? Bakit kaya?

(Picture ni Linn habang tumatawa sa cafeteria)

(Picture ni Linn habang tumatawa sa cafeteria)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Picture ni Shana Chen sa Cafeteria)

(Picture ni Shana Chen sa Cafeteria)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
STALKER (Unfinished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon