Chapter 5

795 46 9
                                    

Shama POV

'Heto ako ngayon, nag-iisaaaa'

Actually nanalaytay sa dugo ko ang pagiging singer ko. Minsan lang talaga ako kumakanta, ayaw ko kasing ma expose ang golden voice ko mahirap na't madiscover ang hidden talent ko mas lalo dadami ang fans ko pero sa susunod, mag aaudition ako sa Tawag ng Tanghalan.

Andito lang naman po ako sa classroom. Nag-iisa. Nag-iisang naglilinis. Environmental friendly kasi si Sir hihi

"Ikaw ang maglilinis ng classroom mamaya as a punishment" –Teacher Ewan

Sabi niya eh, wala akong magawa kaya maglilinis nalang ako. Masunurin din kaya ako kahit ayaw ko naman talaga maglinis. haha

Anyway, kasalanan lang naman po to ng baklang may saltik sa utak na tyanak na model sa toothpaste. Kung di lang siya umepal sa relax session ko, narinig ko sana yung bell. Buti nalang talaga na mabait ako kaya okay lang sa akin maglinis (pilit nga lang)

Eto naman si Teacher Ewan, na late lang ako ng 15mins. punishment agad! Walang patawad tung tanda ay. Sana warning muna bagi punishment tss. Mabilis lang ako natapos sa paglilinis dahil hindi naman masyadong makalat kasi nga mga Girls kaming lahat rito, masyadong maarte at masunurin sa bata na "Basura mo, Sagot mo!". So kunting walis lang tapos arrange na chairs then tadaaa! Pwede nakong umuwi. Ayaw ko ring magtagal dito sa room baka may masamang hangin ang  pumunta rito o makasagupa sa daan.

Pagkatapos ng pagkatapos ko, agad akong naglakad palabas para makauwi ako ng maaga. Kaso may stampid ang nagaganap sa may hallway. Teka, ano ba tong pinagpipyestahan nila?

Nakita ko naman yung babae na para kinikilig na sobrang pula ng pisngi pero hindi lang siya, halos lahat sila mapula yung mga pisngi. Blush on festival ba ngayon? O uso lang talaga lagnat ngayon na mukhang natatae? Kinalabit ko yung babaeng malapit sakin at nagtanong ako.

"Miss, anong meron?" Tanong ko sa babaeng sobrang pula pa sa kamatis. Actually, pwede na siya maging indorser ng Tomato sauce, di na kailangan ng Tomato costume. Makakatipid pa yung mga producer.

"Yung transferee kasi, sobrang gwapooo!" Sabi niya habang kilig na kilig, tumili pa. Langya tong babaeng to, gusto ata nitong sirain ears ko. Landi mo girl!

Dahil sa nagkakagulo sila at di ako makadaan, siniksik ko sarili ko para makadaan patungo sa gate na aking inaasam.

"Excuse me, excuse me, thank you. Excuse me, excu---" Pakikiraan ko hanggang nasa gitna na ako ng kumpolan at biglang tumahimik agad. Nagtaka naman ang beauty ko kaya inangat ko yung tingin ko at dahil naramdaman ko ang masamang hangin nakita ko ang di ka ayayang nilang.

Nakangiti sya sa akin ng sobra. Anong problema nitong lalaking to? tiningnan ko ang paligid ko. Kung nakakalusaw lang yung tingin siguro sabaw nako ngayon. Tiningnan ko yung baklang tyanak.

"So, ikaw pala ang transferee? Akala ko ba gwapo? Eh baklang may saltik sa utak na tyanak na model sa toothpaste lang naman pala." Sabi ko at nag simulang magbulong bulongan ang mga nasa paligid ko.

Ohemgeeh! Sana pala di ko na sinabi yun. Huwaa may haters na tuloy ako ngayon. huhu

'Baklang may saltik sa utak na tyanak na model sa toothpaste daw si papa Linn?'

Papa mo yan? Eh mas mukha ka pang lola kesa sa kanya eh. Haays

'Di ko na siya bet, inaway niya papa ko'

Isa pa to. Nakikipapa narin. -_-

'Kahit ano naman sabihin niya, gwapo pa rin si papa Linn'

Seriously?! May anak niya ba tong ang mga ito? Tiningnan ko siya ng nakakunot yung noo ko. Ngumiti pa siya ng mas malapad sakin.

"Yung totoo? Lahat ba sila mga anak mo at tinatawag ka nilang papa?" Bored kong tanong sa kanya.

Tumawa naman siya pero yung di ko ma take ay yung pagsinghap ng mga anak nito. Oa ha, muntik nakong mahigop nun ahh.

'Grabi na siya sa papa Linn natin ah'

'Pero in fairness, bagay sila. Ang cute nga nilang tingnan'

Wtf! bagay?! kami?! sumakit ata ang ulo ko sa narinig ko pero tung isang ito nangblush pa sa harapan ko.

"Hoy! Bakla! Tabi nga, paharang harang ka sa daan eh" Sita ko sa kanya, sadya kong binangga ang braso niya nung dumaan ako kaso nahawakan niya kamay ko. Wow chansing!

Tinignan ko sya ng  sobrang masama para damang dama nya pero ngiting ngiti pa rin ang loko. Nakakapikon kaya ngiti niya!

"I Love you babe shammy" Mahina niyang sabi na sapat na para makarinig ang nasa malapit sa amin.

Walangyaang baklang may saltik sa utak na tyanak na model sa toothpaste. Bwesit! Akala niya siguro na kikiligin ako eh sa mas namuo yung galit ko sa sinabi niya. Hinablot ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya

'Luh! Sila na pala?'

'Bagay naman sila eh.'

'Kinilig ako mga ateeeng!'

"Tumahimik nga kayo! At ikaw? Sino ka ba ha?! Di naman kita kilala ah. Tumahimik ka nga kung ayaw mong ipa tokhang kita. Lala na yang utak mo oy." Galit kong sabi at dinuduro duro ko pa siya pero nakangiti pa rin. Bunotin ko yang ngipin nya eh tingnan lang nating makakangiti pa tong baklang to.

"Ako? Linn Adrianne Kim, Babe for short and... I'm your stalker" sabi niya at binulong sakin yung huling part ng sinabi niya na nagbigay sakin ng kilabot. Wtf! Baliw to mga freen, sure ako. Napamala tarsier yung mata ko at natulala pero bumalik rin ako sa diwa ko nung nakarinig nako ng bulong bulongan.

'Hala! Ang cute nila mag away oh, kunwari dineny pa ni Shama si papa Linn. Eeeeiyt!'

'Hahaha ang cute ni shama, halata namang kinikilig.'

'Tingnan mo si papa Linn, mukhang inlove nga kay Shama.'

Napahampas nalang ako sa noo ko. Ayy, tanga naman nila. Tiningnan ko ng masama si Linn at senenyasan ng "Watch out" sabay hand gesture ko na nakaturo sa mata ko tapos sa kanya. Lumakad ako paalis pero may nakalimutan akong sabihin kaya huminto ako at tumingin sa gawi niya na nakatingin parin sakin na nakangiti. Huminga muna ako ng malalim bago sumigaw.

"Humanda ka sakin baklang may saltik sa utak na tyanak na model sa toothpaaaste. Ipapadakip kita sa mga police bukaaas! Bwesit kaaa!" Buong tapang kong sigaw, muntik pa nga akong napa ubo eh. Buti nalang hindi kundi, napahiya pa ko.

Umuwi akong sawi sa goal ko. Goal ko lang naman pong makaranas na matiwasay na araw kaso malabo na atang mangyari yun dahil andito ang di kanais nais na nilalang na pinakamumuhian ko ang baklang may saltik sa utak na tyanak na model sa toothpaste.

Tumunog cellphone ko at tiningnan ko yun. Nag message sa kin si Kennylle.

From: Kiniltoot
Message: Hoy gaga! Kalat na sa website ng school ang nangyaring pagtatagpo niyo ng transferee, at teka lang ha, kayo na pala?

Oh noooo!

STALKER (Unfinished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon