Chapter 28

330 10 0
                                    

Adrianne POV

Andito kami ngayon sa Amusement park.

Woow! Ang galing! napakaromantic. Tsk.

"Nice" ang salitang lumabas sa bibig ko.

"Mag enjoy tayo rito babe. Hahaha" excited nyang sabi.

Napapout ako sa sinabi nya.

Gusto ko kaming dalawa lang!

Gusto ko yung tahimik at walang tao para mas masaya. Hahaha

Gusto ko holding hands while walking. Kwentohan hanggang sa wala ng ma kwento.

Picnic!

Gusto ko yung picnic!

Masaya yun pero dahil sa gelpren kong maganda dito ang final destination namin pagkatapos nya kong gawing coloring book.

Hahahaha Gaya ng inaasahan ko maganda ako. Pero syempre si Shama pa rin ang pinakamagandang babae sa balat ng universe.

Napabuntong hininga ako.

Aiiish! Gusto ko syang masolo eeeh.

Napabuntong hininga ulit ako tapos repeat 100x.

"Kain tayo babe" sabi nya habang nakangiti.

Medyo nabuhayan ako sa sinabi nya.

Ang sarap sa pakiramdam na di na sya naiilang sayo. Kaya na nyang ngumiti na di pilit kasi nahihiya sya. Sya na yung shamang nagustohan ko dahil sa pagka makulit nya kahit minsan napaka sungit.

"Okay babe" pagsasang-ayon ko sa sinabi nya.

Hawak hawak ko yung kanang kamay nya gamit ang kaliwa kong kamay habang naka akbay yung kanang kamay ko sa balikat nya at yung kaliwang kamay naman nya nakakapit sa bewang ko.

Hahahaha panigurado na tong di kami maghihiwalay dito at talagang gusto lang namin ipakita sa lahat na we love each other.❤

Ang sabihin nyo, ipinanganak kayong OA!😂

Di parin kami bumibitaw sa isa't isa kahit nagkukumahog na kaming mag lakad sa sobrang dami ng tao.

Ang sweet nilang tingnan kaso napasobra ata.

Paki nyo. Inggit lang kayo dahil SINGLE kayooo! Hahahaha

Look honey, ang sweet nila oh. Gaya tayooo.

Ayoko. Nakakahiya.

So, kinakahiya mo ko?!

Hindi, ano ka ba. Mahal kita at sapat na yun. Di na kailangan ng kasweetan sa balat.

Hala sige mag away kayo, wala naman forever eh para samin lang ni Shamababes ko.

Narinig kong napatawa si Shama siguro narinig nya yung mga bulong bulongan.

Tumingin sya sakin at kita ko yung mapang asar nya ngiti.

"Inggitin pa natin sila Hahaha" nakakaloko niyang sabi.

Tung babaeng to talaga kung ano ano nalang ang naiisip.

Sasawayin ko sana sya kaso huli na kasi naka lingon na sya sakin at hinawakan nya na yung pisnge ko na ikinabilog ng mata ko.

Lagot na.

Baka mapaaway kami nito.

Shama naman eh.

"Babe thank you kasi pinagbigyan mo ko ah. Love mo talaga ako. Love rin kita ng sobraaa" sabi nya habang nakatingin sa mga mata ko sabay yakap nya sakin.

STALKER (Unfinished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon