Chapter 36

353 11 4
                                    

Kennylle POV

"Kennyyyyyyyylle! Masama yung pakiramdam ko" si Shama yan, nagdadrama pero nag aalala naman ako at the same time baka ano na ang nangyari sa kanya.

Kaninang umaga, nagulat ako pagdating nya dito sa bahay. Nanlulumo yung mukha nya pero nakaramdam akong natatawa para kasi binagsakan sya ng langit at lupa.

"Bakit? May masakit ba sayo? Pa check up ka na. Gamitin mo parents mo, naturingang Doctor parents mo pero di ka nag papacheck up sa kanila" Suggestion ko sa kanya

"Hindii, wala akong sakit ano ka ba! Ganito kasi yun. Lately parang busy na si Adrianne eh" nakanguso nyang sabi sakin

"Oh tapos?" tanong ko.

"Di kaya. May iba na sya? Or sumama na sya kay Annika?!" Sabi nya habang nanlalaki yung mga mata nya.

Hala kaa! Jusmiyo, naparanoid ang bakla.

"Hahaha, ano ka ba! Imposible yang sinasabi mo. Magtiwala ka nga sa boypren mo. Nasisigurado akong di nya magagawa yang mga sinasabi mo, napapraning ka lang." natatawa kong sabi sa kanya.

Hahahaha kung alam lang nya kung ano ang ginagawa ni Adrianne.

Ewan ko nalang kung sasabog ba ang puso nito or mayanig utak nya at maalala ang lahat ng nakaraan na nakalimutan nya dahil aksidente kapag nalaman nya na ang mga ginagawa ni Adrianne ay ang lahat lahat para lang maayos ang kung ano o sino man ang hahadlang sa relasyon nyo.

"T-talaga?!" paninigurado nya sa sinabi ko

Natawa naman ako

Tinamaan ng lintek sobrang sobra.

"Oo naman! Pustahan pa tayo" natatawa kong sabi sa kanya.

"Naku! Kennylle ha, bad yang pustahan na yan. Hahahaha" natatawa rin nyang sabi sakin.

Masaya ako dahil masaya sya.

Masaya ako dahil bumalik yung mga ngiti nya.

Masaya ako dahil nag mahal sya.

Masaya ako dahil minahal sya at mamahalin pa hanggang matapos ang bukas.

Masaya ako dahil noon na tahimik na Shama ay naging masayahin na, palatawa na, nag bibiro na, atsaka nanlilibre na Hahahaha.

Ang tahimik na Shama noon na tahimik pero unti unting nagbabago mula nung makilala nya si Adrianne... ULIT pero yung nga lang ang problema dahil di nya alam ang nakaraan. Di nya naaalala.

Pero alam kong magiging masaya sya pag nalaman nyang mula pa noon ay kilala nya na ang pinakamamahal nya.

At alam kong ikasusuklaman naman nya si Yuan dahil sa sinabi nya kay Adrianne para lang mapalayo si Adrianne sa kanya.

Ewan ko ba kung bakit nagawa yun ni Yuan kay Shama at Adrianne.

Simula nung nalaman ko na gawa gawa lang nya yung mga sinabi nya kay Adrianne para lang di na makalapit si Adrianne kay Shama ay palagi ko syang pinapaalalahan na pag sisisihan nya ang ginagawa nya.

Di nya ko pinakinggan umabot ako sa puntong gusto kong sumigaw sa pagmumukha nya para magising sya pero hindi eh. Hindi ko magawang magalit sa kanya. Gusto ko sya saktan dahil gumagawa sya ng dahilan para kasuklaman nina Adrianne at Shama pero di ko magawa.

D-dahil....

Dahil m-may gusto ako sa kanya.

Gusto kong isumbat lahat sa kanya lahat ng mga ginagawa ko para sa kanya para mailabas ko lahat ng mga saloobin kong matagal ko ng dinadala pero di ko magawa.

STALKER (Unfinished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon