Yuan POV
Pagkatapos ang pag uusap namin ni Annika sa tawag. Agad ko SYANG tinawagan.
Kung gagawa rin nga plano si Annika, Gagawa rin kami ng amin.
Agad naman nyang sinagot yung tawag ko
"Hello dude?" bungad nya sakin.
"Tumawag sakin si Annika. Be ready" sabi ko sa kanya.
"Okay." response nya sakin tsaka binaba ang tawag.
We can do better than Annika's plan. We know her. Dapat maunahan namin sya.
Alam ko na rin ang kondisyon ni Annika.
Alam kong pag malaman nya tong plano namin lalo syang magagalit kay shama at madali na namin syang mauunahan. Pero hindi pa ngayon ang tamang oras para isiwalat sa kanya ang plano namin.
Dapat kami ang mag tatagumpay.
Tumunog ang cellphone ko at tinignan ko kung sino ang tumawag. SYA lang naman pala. Siguro may nakuha sya kay Annika.
"Yuan, sumasang ayo satin ang panahon. Malapit na." sabi nya sa kabilang linya.
Alam kong masaya sya kasi makakamit na nya ang katahimikang nais nya at maipaghiganti ang ginawang panlilinlang sa kanya sa nakaraan.
"That's a great news" sabi ko sa kanya
"Magkita tayo mamaya. Same location" sabi nya tsaka binaba ang tawag.
Nag prepare nako para pumunta sa park na lage naming tinatambayan noon.
Naglakad lang ako papunta dun total malapit lang naman eh.
Na mimiss ko na ang nakaraan.
Gusto kong bumalik sa nakaraan kung bibigyan ako ng pagkakataong bumalik pero sa sitwasyon ngayon di na. Kaya pagbubutihan ko nalang ang para bukas. Gagawa ako ng mga ala alang mas memorable kesa sa nakaraan.
Hindi ko namalayan na malapit na pala ako sa park buti nalang nakabalik agad ako sa sarili ko.
Pagkarating ko sa park. Nakita ko sya sa may bench na nakaupo hinihintay ako.
Napangiti ako nung makita ko yung mukha nyang halatang naiirita na na bobore sa kakahintay sakin.
Lumapit ako sa kanya at saktong pagtingin nya sa gawi ko naningkit yung mata. Ang sama nung tingin grabi.
"Hey!" bati ko sa kanya at tumabing umupo.
"Kahit kailan talaga late ka! Aiish!" reklamo nya.
Napatawa ako sa reaksyon nya.
Madami akong kasalanan sa kanya nung nakaraan pero mas pinili nyang patawarin ako at kalimutan ang nakaraan.
"This is me dude. Trademark ko to Hahahaha" Natatawa kong sabi sa kanya.
Nasapak nya yung mukha nya dahil sa sinabi ko pero bumalik naman sa pagka seryoso yung mukha nya.
"Musta ka na?" Tanong nya sakin.
"Okay lang naman. Ikaw ba?" sagot ko sa kanya ang binato pabalik yung tanong nya.
"Okay lang din naman. Mas lalong sumasaya kahit may kapahamakang naghihintay" Sabi nya habang nakangiti.
Sya yung taong pinakamatapang na nakilala ko. Lahat nalang ata ng problema nya tinatawanan nya lang. Para bang hindi sya natatakot.
"Mabuti naman, pero wag kang mag alala, malapit na tayong matapos." paninigurado ko sa kanya.