Chapter 3Shama's POV
"Goodmorning Ladies! ABM1G" Bati samin ng teacher sa amin.
Sa mga nagtataka kung bakit kulang yung bati ni maam (walang gentlemen). Simple lang, babae kaming lahat dito sa classroom. Nasan yung mga boys? Simple lang rin, nasa ibang section lang naman sila Hahaha Nasa section ABM 1B,2B,3B . Gets nyo naman yung pattern diba? Ito na! Introduce yourself na naman nakakapagod kaya yun.
"Okay girls, introduce yourself in front. start here" sabi niya sabay turo sa katabi ko.
Ibig sabihin, ako na ang susunod? Oh men siomai!
"Hi, I'm Ching Chan Chang. Pure Chinese and 10 years na kaming nakatira rito sa Pilipinas" pagpapakilala niya sa sarili niya.
Seriously?! Wala na bang naisip yung magulang niya na matinong pangalan?! Nakakalola yung pangalan niya, pwedeng pang tongue twister.
Ito na, ako na. Lalakad na ko sa harap oh. Huminga ako ng malalim. Shy type kaya ako.
"Goodmorning, I'm Shamah Krnzy Chen. Half chinese po ako and my parents are professional doctors and owned the well-known international hospital. The Chenxi International Hospital. Model po ako sa Korea nung bata pa ako pero tumigil rin ako para bumalik rito sa Pilipinas" pagpapakilala ko, tinamad pa kong magpakilala niyan Haha shinare ko pa nga yung pagiging model ko noon sa sobrang katamaran ko haha. Pagkatapos kong magpakilala agad naman nag bulongan yung mg aka klase ko.
Kaya pala mukhang pamilyar.
Ang ganda niya pa rin kahit di na siya model nu?
Idol ko na siya.
Siya na dapat yung pumalit sa pwesto ni Annika.
Nakakaumay na nga yung beauty ni Annika.
Hindi ko na pinansin yung mga bulong bulongan nila at nagfocus nalang na tumingin sa labas ng room. Boring kaya ang first day puro pakilala lang.
Sa aking pag iisip, nawala sakin yung oras kaya nung tumunog yung bell medyo nga nagulat ako pero tumayo narin agad at naglakad paalis ng room. Tinext ko si Kennylle para sabay kaming pumunta sa cafeteria.
To: Kiniltoot
Message: Asan ka? Sabay tayo punta sa cafeteriaPagpindot ko sa send button agad naman siyang nag reply. Ayos to ah, ang sipag mag text haha
From: Kiniltoot
Message: magkita nalang tayo sa entrance ng cafeteria.Agad naman akong lumakad patungo sa cafeteria pero sa kasamaang palad nakasalubong ko nanaman yung baklang may saltik sa utak na tyanak na model sa toothpaste. Sarap I stretch yung bunganga eh, hilig ngumiti kala nagagwapohan ako sa kanya.
Inirapan ko siya pero siya ngiting ngiti pa rin ang loko, napano to oy? Lalagpasan ko na sana siya pero sinasadya niyang harangin yung sarili niya para di ako makadaan, para tuloy kaming tangang nagpapatentero. Nainis nako ng husto kaya nag ipon ako ng powers para magsalita ng bongga.
"Ano ba! Dadaan ako oh, kung balak mo makipaglaro ng patentero. Maghanap ka ng ibang kalaro mo! Gutom na tong mga bituka ko sa tyan kaya tumabi ka kung ayaw mong lunokin kita ng buo at hayaan pagpyistahan ka ng mga bulate ko sa tyan!" Sa mga walang muwang sa mundo, hindi po to ordinaryong pagsasalita kundi sumpa na po to. Kabwesit kasi tong lalaking to.
"Hahaha sorry, can't help it, ang cute mo kasi pag nagagalit ka." Sabi niya habang as usual, nakangiti. Nag init ata yung pisngi ko kaya yumuko agad ako. Confirm! may saltik nga sa utak tung baklang tyanak na model sa toothpaste na to. Sasaya ba naman sya pag nagagalit ako.
"Umalis ka nga jan! Alien ka!" sigaw ko sa kanya at dali daling naglakad paalis habang nakayuko. Bwesit.
Nakarating ako sa Cafeteria na nakayuko lang. Antagal naman atang mawala yung init sa pisngi ko. Ramdam na ramdam ko pa rin eh. Bwesit talaga yung baklang yun. Humanda talaga yun sakin, pipiktusan ko yun sa susunod with all my heart and soul para dama niya!
"Sham, antagal mo naman. Oh, Bat namumula ka?" tanong sakin ni Kennylle na may halong pag aalala.
"Wala to, may nakasalubong kasi akong engot sa daan kaya medyo uminit tong ulo ko" sagot ko sa kanyang tanong.
Totoo naman diba? Napa "ahhh" naman si Kennylle at tuloyan na kaming pumasok sa cafeteria at pumila.
Habang nasa pila kami, may narinig akong bulong bulongan pero parang narinig rin ni Kennylle yun dahil napatingin siya sa akin.
Classmate namin si Hyun Park . (si Kennylle yun)
Talaga?! Classmate rin namin si Sham Chen . (Ako naman ito)
Grabi ang ganda nila parehos no? (Tama kayo dyan)
Pero bigla tumigil ang pag bubulong nila nung may nagpeke ng ubo.
"Eheem" yung babae na lumapit sa kanila.
Nanlaki ang mga mata ng mga nagbubulongan. Pfft Hahaha mukha tuloy silang tarsier. Pero parang sobrang takot naman ata nila sa babaeng humarap sa kanila. Bumulong yung isang babae sa mga kaibigan niya na rinig naman kahit sa kabilang school.
Lagot! Si Annika!
Annika? Parang narinig ko na yung pangalan na yan ah. Saan ko nga ya--- ay alam ko na! narinig ko yung pangalan niya sa bulong bulongan rin. so, siya pala si Annika, well well well well. Maganda siya in fairness.
"Shut up your mouth" sabi ni Annika sa mga babaeng nagbubulongan.
Ayy, may attitude freen di ko bet, maganda pa naman. Tsk
"S-sorry A-an-anika" Sabi nung mga nagbubulongan
Lumakad naman si Annika papunta sa table sa bandang unahan.
Umusad na pala yung linya, di ko namalayan buti nalang kinalabit ako ni Kennylle.
Gusto kong makilala ng husto si Annika, Interesting siyang tingnan. Para kasing may something sa kanya na ewan. Malalaman ko rin yan. *Evil laugh*
BINABASA MO ANG
STALKER (Unfinished)
Roman pour AdolescentsDon't expect too much. Just read and imagine😊