Annika POV
"Myghaaad Annika! You should take your medicine everyday!" Bulyaw sakin ni Daddy.
Kasama nya si Tita Riva, yung babaeng kinakasama nya ngayon.
First time nila rito sa bahay this year.
Puro nalang kasi sila trabaho trabaho pero di ko naman sila masisisi dahil alam kong hanggang ngayon tinitiyak nilang di na mauulit ang pagkabagsak ng kompanya.
"Dad, magaling nako." Sabi ko kay dad.
Napahilot sya sa sentido nya at hinahaplos naman ni tita ang likod nya para kumalma sya.
"She's fine" pagpapanigurado ni tita kay daddy.
Ngumiti naman ako kay tita sa sinabi nya pero nawala ito pagkatapos magsalita si dad.
"She's not okay!" Sigaw nya kay Tita na ikinagulat naman ni tita.
Tumingin sya sakin at sinigawan rin ako.
"You're not okay!"
Nagdilim yung paningin ko at tiningnan sya ng masama.
"If i said I'm fine, I'M FIIIIINE!" Sigaw ko kay daddy.
Nabigla sya sa sigaw ko pero nanatili pa rin ang masama kong tingin sa kanya.
How could he!
He's my father pero umaasta syang may deperensya ako.
I hate him!
"Calm down Annika" pagpapakalma sakin ni tita
Akmang hahawakan nya ko.
"Don't touch me!" Sigaw ko. di ako nakinig sa kanya, sa halip tinulak ko sya ng malakas dahilan para matumba sya.
"Rivaaa" sigaw ni daddy at dali daling lumapit kay Tita Riva.
How sweet.
Tumingin sakin si Daddy ng masama pero tinaasan ko sya ng kilay.
Walang makakaapi sakin.
Malakas ako.
Walang makakatalo sa lakas ko.
"Annika! You're grounded for 3 months!" Sigaw ni daddy sakin
I rolled my eyes sa sinabi nya.
Nanlilisik ang mata ni dad. I know gusto na nya kong saktan dahil sa inasta ko pero di ako matatakot sa kanya.
He's just my dad!
"The hell i fucking care!" Balik kong sigaw sa kanya.
Nagmamadali akong pumasok sa kwarto ko at isinuot ang jacket ko.
Bumaba ako para lumabas. Nakita ako ni daddy dahil nakaupo lang sila sa sofa at tinitingnan kung may galos ba si Tita Riva kaya madadaanan ko sila patungo sa pinto.
"Where are you going?" Cold na tanong sakin ni Daddy.
Di ko sya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.
"I said where are you going!" Sumigaw na sya.
Lumingin ako sa kanya.
"Somewhere na wala kayo" sabi ko sa kanya habang nakatingin sa mga mata nya ng deritso.
Tumawa ng peke si Daddy.
"Saan ba ko nagkulang?" Kalmang tanong sakin ni daddy habang nakatingin sa akin.
"What did you just ask?"
Kunwari di ko narinig pero sa totoo lang rinig na rinig ko bawat salitang lumabas sa bibig nya.