Shama POV
Nakauwi nako ng bahay galing kina Kennylle.
Hinatid naman ako ni Adrianne kanina. Tahimik lang kami habang naglalakad hanggang makarating na kami dito sa bahay.
Dumeritso ako ng kwarto para magbihis ng pambahay. Di pa rin mawala yung panaginip ko.
Palaisip parin kasi sakin yung panaginip ko kaya naging tahimik ako nung nakaraang araw kahit kanina. Pinag iisipan ko kung ano talagang meron sa panaginip ko at palagi kong napapanaginipan kaya nagbabasa ako ng libro na makakatulong sa pag iisip ko. Para kasing may pinapapahiwatig yung panaginip ko, yung parang may ipinapakita sakin na hindi ko pa nalalaman kaya ganun nalang ang pag-iisip ko. Naaapektohan na rin yung ugali ko. Minsan nga kinukulit at inaasar ako ni Kennylle ba't daw naging mas close ako sa libro kesa sa kanya at ayaw ko na raw syang kinakausap.
May kumatok sa may pintuan, si Yaya pala.
"Kain ka na anak." Sabi niya sakin.
"Okay po, susunod po ako." Sagot ko sa kanya.
Dahil sa pag iisip ko naging outdated nako sa mundo. Di ko nga nalaman na umalis pala sa bansa sina mama at papa para sa business trip nila. Ganun ba talaga ako kalala pag nag iisip?
Naging paisipan rin sakin yung pagiging tahimik ni Adrianne. Di na niya ko kinukulit nung nakaraan, akala ko galit pa rin sya sakin pero pati kay Kennylle di na rin siya nag sasalita kaya nakakapanibago lang.
Ngayon naman si Kennylle. Sino kaya yung tumawag sa kanya kanina dahilan para tumahimik sya bigla. Pati si Adrianne napapasulyap rin sa kanya dahil sa inaakto niya.
Ano bang nangyayari sa mundo at nagkaroon ng biglaang pagbabago?
Tama nga siguro yung sinasabi nila na kahit isang segundo lang pwede na magbago ang lahat.
Parang napagod ako sa kakaisip kaya lumabas ako sa kwarto ko at pumunta sa dining area. Nakahanda na yung haponan, abala naman si yaya sa pag gawa ng juice.
"Musta school mo anak?" Tanong ni Yaya sakin habang sinasalin na nya yung juice sa baso.
"Okay lang naman po" Sagot ko sa kanya habang inaabot yung ulam na inabot rin naman ni yaya sakin.
Okay nga lang ba? Puno ng palaisipan ang nasa utak ko. Okay pa rin kaya ba yung pag aaral ko? Minsan, tinatawag nako ng Teacher ko para sa Oral Comm. Pero sa sobrang luting ko na dededma nako minsan ng mga teacher ko.
Kailangan ko muna mag focus sa pag aaral ko bago yung mga palaisipan.
Tama! Uunahin ko muna tong pag aaral ko.
Natapos nako sa pagkain ng haponan kaya dumeritso agad sa kwarto ko. Siguro napagod na talaga ang utak ko sa kakaisip kaya kusa nalang akong nakatulog agad.
Kinabukasan,
Papaakyat nako papunta sa classroom ko ng makit ko sa may kanto ng hagdan si Adrianne na parang may kinakausap. Di ko Makita kung sino yung kausap niya pero alam kong babae yun at pamilyar ang boses.
Nakinig muna ako ng sandal total sobrang maaga pa para magsimula yung klase.
"Sabihin mo sakin kung ano ang kailangan mo." Mariing sabi ni Adrianne sa kausap niya.
"Simple lang naman ang gusto ko eh, ang sumunod ka lang sakin." Sabi nung babae sabay tawa ng mapang-asar.
Napasuntok si Adrianne sa pader na ikinabigla ko. Kahit ako, kumukulo ang dugo ko dahil sa boses nung babae. Ngayon, alam ko na kung sino yung kausap ni Adrianne dahil pumunta siya sa kabilang side ni Adrianne na saktong sakto sa pwesto ko para makita siya.
Ano ba talaga ang meron sa kanilang dalawa?
Gusto ko pa sanang makinig kaso may kumilabit sakin na ikinagulat ko.
Shit!
"Hahaha, sorry miss" Pagpapaumanhin niya.
Shit ulit!
Gwapo siya. Kaya napatitig ako sa kanya pero emotionless pa rin, ayaw kong ipahalata na nagagwapohan ako sa kanya. Di sya pamilyar sakin, taga ibang strand siguro sya.
Nakaramdam ata sya ng pagtitig ko kaya nag salita sya ulit.
"Ahmm, san pala rito ang classroom ng ABM Sec.1B?" Tanong niya sakin.
Napataas yung isang kilay ko, napatawa naman sya ng mahina sabay sabing.
"Transferee ako." Sabi nya habang nakangiti
Mas lalong napataas ang kilay ko. Wala naman akong nabalitaan na may transferee ah.
Napakamot sya sa batok niya habang nakangiti ng malapad. May nakikita ako sa kanya. Ganyan yung ugali niya. Nakakamiss rin pala minsan yun.
Napatingin ako sa gawi nina Adrianne kanina kaso wala na sila. Siguro tapos na yung pag uusap nila. Bumalik na yung tingin ko sa stranger na nasa harapan ko.
"Sundan mo lang ako" Tanging sabi ko sa kanya sabay umakyat papunta sa room namin.
"Nakakatakot naman yung pagkakasabi mo Hihi." Sabi niya pero di ko sya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.
Magpakarating namin sa floor namin pinagtitinginan kami sa mga estudyante na nakatambay sa labas ng room nila. Nagbubulongan pa nga ang iba eh.
Sino kaya ang kasama ni Shama?
Kahit ako, di ko sya kilala.
Ang gwapo naman niya. Papa ko na sya bess.
Kawawa naman nitong gwapong nilalang nato, nagkaroon agad sya ng anak. Tsk.
Naku! Masasaktan Papa Linn natin dahil may bang kasama si Shama.
Pano nasali rito si Adrianne? Para namang kami talaga eh kinukulit lang naman niya ko. Noon!
May bumulong sa tenga ko kaya nabigla ko, nasampal ko tuloy sya. Si Stranger lang pala yung bumulong, ang pula tuloy ng kanang pisngi niya.
"Sorry, nabigla lang ako." Nakayuko kong paumanhin sa kanya.
"Hahaha, It's okay." Natatawa niyang sabi sakin.
Huminto ako sa tapat ng room nina Adrianne, sakto namang nasa may pintuan sya at deritso lang nakatingin sa mata ko. Ganun rin ako sa kanya pero una siyang umiwas ng tingin. Parang may kung ano sa tingin nya.
Lungkot?
Parang nasasaktan?
Pero bakit?
Binalik ko ang tingin kay Stranger. Nakangiti lang sya sakin. Adik ata to eh.
"Dito yung Room ng ABM Sec.1B" sabi ko sa kanya sabay lakadpaalis papunta sa room ko.
"Thank you! By the way I'm Yuan! Yuan Chun!" Sigaw nya sakin pero di ko na sya nilingon.
Feel ko may saltik rin yun sa utak kaya ayokong madagdagan ng kaibagan na may deperensya.
Nagsimula na yung klase. So far, okay naman yung participation ko. Medyo bumabalik na yung dating ako na focus sa pag aaral. Gusto kong bagohin ang buhay ng pag-aaral ko. Noon kasi sobrang nakakafeel ako ng boredon tuwing klase. Ayoko naman ma disappoint ulit parents ko kaya, bagong buhay tayo ngayong Grade 11.
Yuan Chun (Park Hyung Sik) (wala na po talaga akong maisip na pangalan Hihi)