Linn Adrianne POV
"Ba't ba ang kulit mo?"
Nakukulitan na ba talaga sya sakin? Nagawa ko lang naman na kulitin sya para mapansin nya ko.
"Ba't di ka nakikinig sa reklamo ko?"
Sya ba, nakinig sa mga sinasabi ko?
"Alam mo bang nasasaktan ako sa pagkakahatak mo?! Alam mo yun?!"
Alam nya rin ba na nasasaktan ako sa ginagawa nya? Alam nya rin ba na matagal na nya kong nasaktan?
"Papaalala ko lang sayo ha, Di mo hawak ang buhay ko!"
Di ko nga hawak ang buhay nya, ang puso nya pero dala nya ang puso ko na ngayon ay bumalik sakin na wasak.
Gusto kong isumbat sa kanya ang mga ibang nagawa nya na unting unting ikinawasak ng puso ko pero ano? Wala akong nagawa dahil pinili kong huwag syang saktan sa kakasigaw ko. Sa panunumbat ko.
Pero sana sa kunting sinabi ko sa kanya ma realize nya na simula nung tumungtong sya rito sa mundo, andito ako para sa kanya.
Di man nya maalala pero sana malaman nya yung kahalagahan ko kahit bilang kaibigan man lang.
Mahirap ba gawin yun?
Tinungga ko ang laman ng baso.
"Tama na Adrianne! Ang pangit mong uminom!" Sita sakin ng pinakamakulit kong bestfriend na si Kennylle.
"Lam mo? Pakialamera ka." Sabi ko sa kanya.
Kumunot naman ang noo nya.
Ayaaaan, pikon na sya nyan.
"Alam mo? Kung di lang kita kaibigan matagal na kita binalibag sa labas pero dahil cute ako, napag isipan ko na mamimiss mo ko kaya andito ako. Hahahaha" Natatawang sabi nya.
Ibang klase.
Pang alien talaga ang utak nitong babaeng to.
Napatawa ako ng mahina at tinungga ulit yung alak. Pagkatapos na patitig ako sa isang painting na abstract at naalala ko na naman sya.
"Yung kaibigan mong pusong bato. Ba't ganun sya? Di naman sya ganyan dati diba?" Tanong ko kay Kennylle.
"People change" Tanging sabi nya.
Napaisip ako.
Siguro nga. People change.
We used to be best friends back there when we are 7 years old.
*Flashback*
It was summer when Me, Kennylle, Yuan and Shama first met at a Kindergarten school. We used to play everything we wanted to play. Noon pa lang may nararamdaman ng kong kakaiba kay Shama and I think I'm falling in love with her.
We're just so happy that day.
"Adrianne, I've got star. Look!"
"Hahahaha tingnan nyo si Kennylle. Ang pangit Hahahahahahahahaha"
"May assignment ka? Pakopya ha."
Laugh and bright smiles is what our face always drawn but one day it changed.
That accident happens when I'm far away. Kennylle told me what happen. It was tragic. I can't even imagine. Shama couldn't do such thing. Why is this happening? Is this what deity's plan? He's so unfair.
It was so lonely days, weeks, months even years. Shama's mom told me that I should stay away from her para makapagsimula uli ng bagong buhay si Shama. Tanging si Kennylle lang ang naging source ko. Umuwi ako sa Pilipinas for good at tanging kasama ang kapatid ko. So far, lahat ng income ng company namin sa akin napupunta.
Sinusundan ko parati si Shama minsan nahuhuli nya ko tsaka sya tatakbo ng mabilis.
If only she remember the past di ako mahihirapan ng ganito pero ayaw kong maging selfish na pupunta sa punto na ako, nagsasaya samantalag sya nakakulong sa nakaraan. Ganyan ko sya ka mahal.
*End of Flashback*
Everyday na magkakasama kami, it was like I've got won in a lottery.
Everyday na magkakasama kami, parang nawawasak ang puso ko at the same time.
"Tama na yang kakainom mo oy." Sita sakin ni Kennylle ulit.
Aiiish! Tong babaeng to. Nakakasira ng drama eh.
Inirapan ko lang sya
"Bakla talaga. Asan nga pala si Arianne?" Tanong na sa kin.
Asan nga pala yung kapatid ko?
Kinuha ko yung cellphone sa bulsa ko tsaka sya tinawagan. Kapagod kaya libutin yung bahay para hanapin lang yung isang Alien na yun.
Sinagot naman nya tawag ko.
"Arianne, asan ka?" Bungad ko sa kanya.
(Sleep) tanging sabi nya tsaka nya ko binabaan ng cellphone.
Kahit kelan, walang manners tog babaeng to.
Tumungga ulit ako.
"Hoooy! Ano ba! Feeling mo Korean Actor ka? Magdadrama nalang eh epic pa yung mukha tsaka kung mag iinom ka lang naman yung totoong alak oy." Pang aasar nya sakin.
"Talaga? Epic tong mukhang to? Tsaka, health conscious ako kaya tubig ako ngayon." Tanong ko sa kanya habang tinuturo ko ang mukha ko.
"Yeah. Hahahahaha okay lang sana kong si Nam Joo Hyuk ka or di kaya si Park Bo Gum kaso ang pangit mo.Ano yun? Health conscious? Sabihin mo, chakka ka malasing Hhahahahahahaha " Tawang sabi nya.
"Ano bang kinababahala mo eh tubig lang to, di ako malalasing. Sita ka ng sita eh." Reklamo ko sa kanya.
Ang ingay talaga ng babaeng to.
"Naiimagine ko na kasi futre mo. Pag na sobranhan ka ng tubig sa katawan baka makaihi ka pajama mo. Kawawa foam mo babaho. Hahahahaha" Pang-aasar nya sakin.
Ang saya nya no?
Tsk. Kung alam nya lang na totoo ang karma. Mabilaukan k asana.
"Accckkkk!"
Nabilaukan nga sya. Hahahaha
"Yan bagay sayo. Umuwi ka na nga, nadudumihan ang bahay ko dahil sayo eh." Reklamo ko sa kanya sabay taboy rin sa kanya.
"Ackk. Ang a-arti nito. Buti pa yung bahay ang gara kaso yung nakatira ang pangit talaga. Hahahaha bleeeeeh!" Pang aasar nya ulit sakin.
Pinalabas nya pa talaga ang dila nya, nagmukha tuloy syang aso. Hahahaha
Bagay sa kanya maging aso. Hahahahaha
Ang kulit talaga nun.
"Ba't ba ang kulit mo?"
Sorry, kung makulit ako. Di na mauulit.