Annika POV
Magaling! Sakto talaga tong pop corn na binili ko.
Parang nanonood lang ako ng Kdrama nito ah yun nga lang dayuhan yung mga bida.
Yung babae Chinese yung lalaki naman Pilipino.
Ayos! U.N na ang nangyari sa production sa pinapanood ko.
Nasa kotse lang naman ako, ang cheap kong mag movie marathon no? Pero okay lang nakakaenjoy naman yung real life na nangyayaring dramahan.
Salamat lang talaga sa bagong alipores ko.
Di na masama ang performance, sobrang ganda ng palabas.
Sinadya ko talaga makita ako ni Shama kanina para naman may clue syang may mangyayaring masama pag nakita nya ko para maiwasan nya ang masasamang pangyayari. May kabutihan rin namang natitira sa mga balat ko kaso Bobo talaga sya kaya yan ang napala nya. Hahahaha.
Pina andar ko ang sasakyan ko papunta sa bahay. Bitbit ko ang DSLR na ginamit ko kanina. Kinunan ko lang naman ng litrato ang lahat na nangyari kanina. Stalker man ang dating pero parti yun sa plano ko.
Speaking of Korea dahil nabanggit ko ang Kdrama kanina.
Korea? Hahaha ako? Bumalik sa Korea? Hahahahahaha ayoko pang bumalik dun habang di pa natatapos ang plano ko.
Salamat rin pala sa mga babaeng tsismosang nagpakalat ng tsismis. Iba talaga ang nagagawa sa pera. Bahala na sa kung ano man ang iniisip ng iba kung bakit ako bumalik "daw" sa Korea.
Nag home school na ako ngayon para madali ko ng magawa ang plano ko.
Di naman ako bobo kagaya ng Bida sa pinapanood ko kanina. Bago ako umalis dun sa school nilagyan ko muna ng mga maliliit na mga device ang paaralan para kahit nasa bahay lang ako monitor ko parin ang bawat galaw nila. Pinalagyan ko ng mga chips yung mga ID nila para kahit nasa bahay lang sila di sila makakaligtas sakin.
May mga inassign rin ako sa ma alipores ko kung ano ang gagawin nila.
Madelinne at Chaehyung
-Tiga kalat ng Chismis
Kiven
-Tiga kuha ng litrato
At ang last? Walang iba kundi si
Yuan
-Pag away awayin sila
Actually, na volunteer yan si Yuan sa gagawin nya.
*Flashback*
"Mga walang kwenta!" Sigaw ko sa mga alipores ko.
Nasa abandonadong building kami, wala silang nakuhang impormasyong magpapatibay sa impormasyong hawak ko na.
May biglang lumitaw na lalaki. Di namin sya kilala.
Nabigla ako at kinabahan baka mabuko ang plano ko.
"Sino ka?! Alam mo bang bawal ang mga estudyante rito?!" Sigaw ko sa kanya. Pero nakangiti lang sya sakin.
Bwesit!
"So, anong ginagawa nyo rito?" Tanong nya sakin habang nakangiti ng malapad.
Lalong nag init ang ulo ko.
Hahablotin ko na sana ang kwelyo nya ng magsalita uli sya.
"Matutulongan ko kayo sa plano nyo." Sabi nya habang nakapamulsa at nakangiti pa rin.
Puno ng pagtataka ang mga mukha namin sa sinabi nya. Napatawa sya ng mahina.
"Alam kong mahirap paniwalaan ang sinabi ko. Let me introduce myself. I'm Yuan Chun" Pagpapakilala nya sa sarili nya habang nakangiti.