Shama's POV
Nakauwi nako sa bahay ng walang gasgas sa katawan Haha. Good girl kaya ako, may nasagap lang akong mga balitang nakakaintriga, yun lang naman haha. Agad akong pumasok sa kwarto ko para mag facebook at para makibalita na rin sa kung anong nangyayari sa mundo.
Wow! 563 friend request, tsaka 382 messages tapos 99+ na notification. Galing ah! Instant famous na ulit ako haha. Halos lahat ata ng message puro
'Pa accept po, salamat po. Labyoo'
At dahil bored ako, nag sscan pa ko pababa baka kasi may mabasa akong message na ka aya aya. Pero putchang galaness lang naman talaga, ganun parin. Haaays, ang boring naman this day. Halos lahat mga message ng mga fans ko haha. I cclick ko na sana yung icon ng news feed kaso may nahagip yung mata ko na akala ko na kaaya aya kaso nakaka badtrip.
Ln Drnn: Ang ganda mo kanina.
Sino naman tong... yuh alam ko namang maganda ako (haha kapal fess) kaso nakakakilabot yung dating ng message niya, lam niyo yun? Yung feeling na parang nakamasid sya sakin kahit saan.
Viniew ko yung profile niya kaso walang mukha haha I mean, puro shared post lang yung nasa timeline niya kaya binalik ko nalang yung atensyon ko sa profile ko wala namang maganda sa wall nya eh.
Seen tuloy siya. Kawawa naman. haha eh sa hindi ko nga siya kilala diba? Grabi daming charmusginiling ang wall ko haha
'Pa accept, classmate. Ganda mo ay'
Pinost pa talaga sa mga fans ko na maganda ako, yan tuloy marami ng nakakaalam. Sekreto ko yun ehh haha. Maganda na sana ulit mood ko kaso nabasa ko yung post ni Pretty Annika.
'Hey! You're not pretty like me. Don't spread virus at school'
Wtf! Kung makapagsalita tong gagang to. Ano daw? Virus ? Di virus rawag dito, blessing to na ibinigay ni Papa God sakin na di binigay sa kanya. Ang sibihin niya, insecure siya sa beauty ko. Hmmp!
Nag log out nalang ko kesa mag aksaya ng panahon dun sa pretty daw lol. Mas mabuti pang maglinis ng katawan at kumain ng haponan para healthy na, germ free pa. Pagkalabas ko sa banyo nagbihis ako ng pambahay at humarap sa salamin para makita ko ang sarili ko.
"Ito ba yung sinasabi niyang virus? Kahit basahan pa susuotin ko, pretty pa rin ako. haha perfeyk!" sabi ko sa sarili ko.
Bumaba nako para mag haponan at nakita ko si manang na naghahanda. Si manang beth na ang nag-aalaga sakin mula nung 3 years old ako. Well, sabi lang yun ni mama, di ko kasi matandaan yung pagkabata ko, ikinuwento lang sakin ni mama kung ano yung nangyari noon at iniimagine ko nalang.
"Hi, manang musta po kayo?" Tanong ko sa kanya habang inaabot yung mga pagkain sa mesa.
"Okay lang naman ako sham, ikaw? Musta ang school?" sagot niya at tinanong niya rin ako habang nagtitimpla siya ng gatas.
"Okay lang naman po, napagod lang" sagot ko habang ngumunguya.
Tuloy lang ako sa pagkain hanggang sa tumunog cellphone ko. May nag text, buti naman may nag text, mababaliw na ako sa boredom eh habang lumalamon pa ko tiningnan ko yung sino nag text. Si Kennylle lang pala.
From: Kiniltoot
Message: Hoy shamtoot! May nasagap akong balita.At dahil sa nabitin ako at tinamad akong mag type. agad ko siyang tinawagan. Me so excited sa neews! hahaha buri nalang sinagot agad ni Kennylle ang tawag ko kundi may sapak sya sakin bukas.
"Hoy ka rin kiniltoot! Ano chikka mo? Chikka mo na dali." Atat kong sabi sa kanya, ayaw ko kasing nabibitin.
(Ganda ng bati natin eh no?) sarkastiko niyang sagot.
"Hihi, sige na. Game ka na sa chikka" sabi ko sa kanya.
(May gwapong transferee at nagkataon na sa ABM 1B siya. Yiikes! Swerte mo girl! Katabi lang ng classroom niyo si papa. Aiyeee!) Kinikilig niyang balita sakin. Ayy, akala ko kung ano na yung balita nya yun lang pala.
"Papa mo ang transferee?" bored kong tanong sa kanya.
(Ano ka ba! Hindi no, papable yung transferee kaya papa tawag ko sa kanya. Slow ka rin eh no?) sabi niya habang natatawa.
"Sensya na, pretty lang hindi perfect. Sige na, bye na. akala ko kung anong balita ang nasagap mo eh." Sabi ko with all my heart and soul haha
Saan naman ang nakakakilig dun? Siguro pag nakita ko na siya saka nako kikiligin. Itong kennylle na to talaga basta lalaki na yung usapan nagiging hyper bigla. Tss pero sana lang talaga gwapo yung transferee para naman may lakas akong pumasok araw araw haha landi ko rin pala. Hihi
Agad akong bumalik sa kwarto para makatulog na ng mahimbing. Napagod rin kaya ako no. Ikaw ba naman makasalubong ng baklang may saltik sa utak na tyanak na model sa toothpaste talagang mababadtrip ka.
Kinabukasan, maaga akong pumasok sa school, ganyan talaga kapag bagong pasukan palang masipag gumising ng maaga at pupunta sa school. Wala pang masyadong tao kaya pumunta muna ako sa soccer field para makapag isip-isip ako kahit wala naman talagang dapat isipin. Tiningnan ko pa muna ang buong quadrangle bago i relax ang utak ko, may nag jojogging, naglalakad kasama ang mga alagang aso nila, may naglalaro etc. Pagkatapos kong pinagmasdan ang buong field humiga ako sa ilalim ng malaking puno. Hmmm. Fresh Aiiir Makakarelax ako dito.
Iidlip na sana ako ng may nararamdaman akong may tumabi sakin, nabigla ako kaya napaupo ako ng matuwid. Mas matuwid pa sa daang matuwid. Kainis! matutulog na sana ako eh kung di lang dumating tung disturbong bwesit. Maaappreciate ko na sana ang earth eh kung di lang talaga inistorbo ang relax session ko.
Nilingon ko yung tumabi sa akin at eto na naman tayo, ang walangyang dumistorbo sa relax session ko ay walang iba kundi ang magiting na "Baklang may saltik sa utak na tyanak na model sa toothpaste" Nakatingin siya sa akin na nakangiti tapos ako naman bored na tinignan siya.
"Talaga bang nasa vocabulary mo ang bwesitin ako?!" Inis kong tanong sa kanya
Tumawa naman siya na walang pinagkaiba. Ang galing ng sagot niya, nalinawan ako. Tss, kunti nalang talaga tatawag nako ng psychiatrist.
"Haha sorry, I just can't help myself na tingnan ka. Anyway, I'm Linn Adrianne Kim" Pagpapakilala niya sa sarila niya. Pakihanap ng paki ko pleaase!
"And you are?" dagdag niyang tanong sakin. Tumaas ang kilay ko sa tanong nya.
"Close tayo?" balik kong tanong sa kanya. All information about me is strictly prohibited to STRANGER
"Okay, nice to meet you close tayo. Medyo mahaba name mo ah." Sabi niya na may pa nod nod pang nalaman. I-untog ko kaya ang ulo nito eh. Hmmp!
"Bobo!" sigaw ko sa kanya at nag lakad paalis papuntang classroom.
Ang galing mang badtrip. Wala sigurong magawa sa buhay kaya napag-isipang bwesitin ako.
Lord, sabi ko naman sa inyo Lord na ilayo mo yung lalaki sa buhay ko please lang, ayoko sa baklang may saltik sa utak na tyanak na model sa toothpaste nayun. Amen.
Pagkarating ko sa classroom.
"Miss Chen! You're 15 mins. Late!" sita sakin ni Teacher Dunno.
WTF! Di naman tumunog yung bell ah?! Litse! Kasalanan to ng baklang engot na yun eh kung di nya ako inistorbo maririnig ko sana yung bell pero di naman talaga tumunog eh. Tsk.