Chapter 9

677 28 0
                                    

Shama POV

"Papa, mamaaa, may napanaginipan po akong nakakatakot" Sumbong ko sa kanila. Di ako pabebe sa harap ng magulang ko, talagang baby lang nila ako tsaka paki niyo ba kung ganyan ako sa parents ko. Sweet akong anak no.

Hindi ko na kaya, napanaginipan ko naman yun kagabi. Andito kami ngayon sa may sala nanonood ng TV total Weekend ngayon. Wala kaming pasok lahat haha. Ganito ang bonding namin kapag wala kaming pasok minsan out of town ang trip namin pero madalas andito lang kami sa bahay, pagod rin kasi sila mama at papa kaya naiintindihan ko. Masaya rin naman dito sa bahay, basta kasama ko lang sina mama at papa okay nako.

"Anak, you know panaginip lang yan" malumanay na sabi ni mama. Napapout ako sa sinabi ni mama. Ewan ko ba pero iba ang pakiramdam ko dito sa panaginip ko

"Pero kasi po paulit ulit ko ng napapanaginipan ma." sabi ko sa kanila. Aaminin ko, medyo natatakot na talaga ako sa napapanaginipan ko.

"Eh baka naman inaabangan mo yung panaginip mo kaya may next episode" Pang-aasar ni papa habang tumatawa, natawa rin si mama sa sinabi ni papa.

"Papa naman eeeeh" pagpoprotesta ko. Minsan palabiro si papa, di ko nga magets yung trip niya minsan eh. Nag b-buff yung utak ko pag may joke sya.

"Okay okay. Ganito, take a deep breath." Sabi ni papa at sinunod ang sinabi ni papa.

"Breath in" sabi ni papa habang naka hand gesture na tinataas ang kamay hanggang sa dibdib. Huminga naman ako. Breath in daw eh so, sininghop ko lahat alikabok dito sa bahay.

"Breath out" sabi ulit ni papa habang binababa ang kamay niya. Nakatingin lang sa amin si mama na parang natatawa? Pinag titripan ata nila ako eh. Breath out daw kaya nag breath out naman ako.

Napakunot ang noo ni papa, habang si mama natatawa na sa amin. Namumula na nga sya sa kakatawa eh. Anyari mader? Kumunot rin ang noo ko habang papalit palit ng tingin kina mama at papa.

"Nag toothbrush ka ba anak?" Tanong ni papa sa akin kaya mas lalong natawa si mama kaya palaaaa. Nag toothbrush kaya ako kagabi! Haha

"Hihi, sorry pa. toothbrush muna ako sandali ha. Hihi, nakalimutan ko eh." paalam ko sa kanila habang nakakamot sa batok. Sa sobrang excited kong makabonding sina mama at papa nakalimutan ko ng mag toothbrush. Hahaha sensya poooo.

Habang nag totoothbrush ako, tumunog cellphone ko.

Unknown Number

From: +63955*******

Message: Babagsak ka rin!

Hala! Ano kayang sabihin nito? Babagsak ba grades ko? pero impossible kasi matataas naman ang scores ko tsaka may extra curricular naman ako. Ahh baka mahuhulog ako, siguro di na ako aakyat sa mga mataas na lugar para di ako mabagsak. Ayy kaloka naman nito oh. Maireply ko nga

To:+63955*******

Message: Saan po ako babagsak? Para malaman ko lang po at di na ako pupunta run.

Di kasi nya nilinaw eh, yan tuloy nagulohan ako bigla. Wala rin naman akong natanggap na reply na galing sa unknown number kaya hinayaan ko nalang. Tinapos ko na yung pag totoothbrush ko at bumalik sa sala.

----

Annika POV

Napakaboba ng babaeng yun! Nakakabwesit yung kabobahan nya!

Dinial ko ang number ni Linn.

(Hello? May I know you?) tanong nya.

"Hello Linn, It's me. Annika" pagpapakilala ko sa kanya

STALKER (Unfinished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon