Shama POV
"Pakialamera ka kasi! Yan ang bagay sayo!" sigaw ko sa babaeng umiiyak, pinalo ko sya ng kahoy. Dugoan na sya pero umaapaw parin yung galit ko sa kanya.
"Ta-t-tamaa n-a pp-po" pagmamakawa nung babae habang nakahandusay sa sahig.
"Lakasan mo punyeta! Hindi kita marinig!" Sigaw ko ulit habang hinablot yung buhok nung babae
"D-di ... Di n-na p-o ma..mau-u-ulit" Pagmamakaawa niya. ------------
Yan naman, bumalik nanaman. Napanaginipan ko na naman. Ba't ko ba talaga napapanaginipan to? May konektado ba to sa buhay ko? Akala ko pag ni relax ko yung utak ko sa lahat di ko na mapapanaginipan to pero parang di tumalab yung akala ko.
Kailangan ko malaman kung ano talaga ang buong pangyayari sa panaginip ko. Ba't may binugbog akong babae. Hanggang ngayon di ko pa namumukhaan yung mukha nung babae. Medyo blurry kasi yung mukha nung babae.
Kahit puno na naman ng katanungan tong utak ko, bumangon nako para makapaghanda para sa school. Pagkatapos kong maghanda, bumaba nako sa sala at nakasalubong ko si Mama.
"Mamaaaaa!" Bigla kong tawag sa kanya.
Kelan pa sila nakauwi?
"Baby, I miss you" Nakapout na sabi ni mama atsaka hinug ako.
"I miss you too ma" Sabi ko rin sa kanya at hinigpitan ko yung yakap nya.
"Let's eat na, ihahatid kita sa school mo" Sabi ni mama na ikinaganda ng araw ko.
Pumunta na kami sa dining area. Andun lang pala si Papa na nakangiting nakatingin samin. Kumain naman agad kami at hinatid nila ako sa school.
Nakangiti akong pumasok sa school ng makasalubong ko si Yuan.
"Goodmorning Shama!" Bati nya sakin na nakangiti ng malapad.
"Goodmorning!" Masigla ko ring bati sa kanya.
Sa di kalayoan nakita ng peripheral vision ko si Adrianne na nakatingin lang ng deritso sa amin.
Anong problema naman nun?
Pumunta na kami sa classrooms namin dahil mag sstart na ang first period. Naging mas active ako sa participation. Naka inom ata ako ng energizer ah. Ayos!
Lunch time na at pumunta na ako sa Cafeteria. Nakasalubong ko naman si Yuan sa daan kaya magkasabay kaming pumasok sa loob.
At ang bungad sakin ni Kennylle? Ay.
"Shama, bat mo na naman kasama yan? Di pa natin yan kilala ng husto. Baka mamamatay tao yan." Bulong sakin ni Kennylle dahil kaharap namin ang dalawang lalake sa table namin.
Wow!
Himala!
"Kailan ka pa nagdududa sa isang tao? Eh mas malala ka pa nga sa kanya." Bulong ko rin sa kanya.
"Di ko sya feel eh." Sabi nya sabay irap sakin.
Ano? Dukutin na natin ang mga mata nito? Bwesit to eh. Maasar nga.
"Baka naman type mo siya? Or di kaya Ex mo?" Pang-aasar ko sa kanya.
Nag iba naman yung reaction niya pagkasabi ko nun. O...kay, anyari? Apektado sya sa sinabi ko?
Kung apektado nga sya, alin don?
Yung may type siya kay Yuan?
Or mag ex silang dalawa?
Yung rection niya kasi parang may biglaang malalim na iniisip. Ewan ko, pero yun ang nakikita ko sa mukha niya. Ayaw ko naman siya tanongin kung bakit parang apektado sya sa sinabi ko.