Chapter 14

453 21 1
                                    

Kennylle POV

Anyari kaya sa utak nitong Adrianne na to at nakisali sa ka dramahan ni Shama, di narin siya umiimik eh. Bigla nalang nag iba ang ugali nya.

Ano ba talaga nangyayari sa mundo?

Una, Si Shama bigla nalang natahimik at palaging nagbabasa ng libro. Nakakapanibago po.

At ngayon naman, Itong isa naman ang sumunod. Yung nga lang di siya nagbabasa ng libro halata tuloy na di sya masipag mag aral. Tsk. Hahaha

Nag aalala nako sa kanilang dalawa. Pa check ko nalang kaya sila sa Doctor? Kina Tito, sa papa ni Shama para may disount or di kaya libre Hahahahaha. Baka kasi na food poison sila o nabagok yung ulo kaya bumaliktad yung mga utak nila.

Naku! Katakot pag nagkaganun!

"Gusto nya pa check-up tayo?" Tanong ko sa kanila.

Tumingin naman sila sakin na sobrang kunot yung mga noo. Nasa bahay kami ngayon. Walang pasok eh, gusto ko silang makasama ngayon kasi boring. Umalis kasi ate ko papuntang France so, alone ako ngayon. Nung una ayaw pa nilang pumunta dito dahil boring daw, eh kaya nga pinapunta ko sila rito. Tsk.

"Ha?" Sabay nilang tanong sakin habang nakakunot pa rin yung mga noo nila.

Wrinkles is fast approaching Hahahahahaha!

Ang galing ng universe, pinagsabay sila Hahahahahaha.

Halatang wala sila sa sarili nila. Umalis siguro yung kaluluwa nila. Lumilipad naman yung isip, eh kahit na nagbabasa lang sya ng libro kita ko parin yung pag iisip niya ng malalim.

Tong Adrianne naman may balak atang tunawin tong mga gamit namin. Grabi makatitig eh parang may pinakaaaaaaaaaaaaaaamalalim na iniisip.

Uso ba ngayon ang mag-isip? Ba't di ko na inform?

"Ewan ko sa inyo! Ipagpatuloy niyo yang pag iisip niyo. Nakakatulong kayo sa ekonomiya ng ating pinakamamahal na bansa eh nu?" Sarcastic kong sabi sa kanila.

At ang reaction ng dalawa?

Tantanaaaaaaaaaaaan!

Wala, Dedma ako bess. -_-

Tumunog naman ang cellphone ko na ikinabuhay ko mula sa boredom. Agad ko yun at sinagot yung tawa.

Ang saya ko bess, nagpapasalamat ako sa tumawag. Hahahaha Pagpalain ka ni Lord!

"Yes? Hello, Kennylle speaking." Bati ko sa tumawag.

"Hi, Kenny" Bati niya rin sakin.

Yung boses.

Di maaari!

Nanginig ako nung marinig ko yung boses sa kabilang linya. Tiningnan ko kung sino yung tumawag baka kilala ko magkapareho lang yung boses nila pero number lang yung nakaflash ng screen sa cellphone ko.

Kinakabahan ako.

Di pwede to.

Sana mali hinala ko.

"S-sino tt-to?" Uutal utal kong tanong sa kabilang linya.

Putang ina! Wag lang po yung taong yun.

Tumingin ako sa dalawa. Nagtagpo yung tingin namin ni Shama na agad ko naman iniwasan ng tingin.

Nakahalata yata sya.

Tumingin lang ng deritso sa akin si Shaman a para bang kinikilatis nya ko.

Di pwedeng malaman niya to.

(Natakot ba kita Kenny? Haha) Mapang-asar na tanong sa kabilang linya.

Shit!

Tumayo si Shama at akmang lalapit sakin kaya napa alerto ako.

Huwag kang lalapit shama!

"Ano ate? Yung papeles mo? Okay, kukunin ko." Pag aarte kong sabi sa kabilang linya at dumeritso sa kwarto ko. Alam kong sinundan ako ng tingin ni Shama, ramdam ko eh. Di pwedeng marinig ni Shama ang pag uusapan namin.

Napatawa naman siya (Kabilang linya)

(Kelan mo pa ko naging ate Kenny? Babae pala ako?) Tawang tanong ng nasa kabilang linya.

"What do you want?" Deritso kong tanong sa kanya na ikinatawa niya ng malakas.

Bwesit!

Nilalayoan ko na nga ang nakaraan diba?

Ayoko ko ng balikan ulit yun!

(Alam mo ba Kenny? Sa lahat ng tanong sa mundo, yan ang pinaka gusto ko? Kaya nga nabebwesit ako sa mga tanong sa Testpapers eh.) Sabi niya sakin sabay tawa ng mahina.

Putcha! Wala akong panahon sa kalokohan niya. Sa kademonyohan niya! Di ako umimik at hinintay ang karugtong na sasabihin niya.

(Ayy, teka. Di mo ba ako na miss Kenny?) Mapang asar niyang tanong sakin.

"Pwede ba? Kung gusto mong sirain ang buhay ko, lubayan mo ko!" Sigaw ko sa kanya.

Wala na kong pakealam ko marinig nila ako sa baba. Ayokong makausap tong demonyong to. Ayoko na! Nag bago nako! At di na mauulit ang nangyari noon.

(Di ako ang sumira ng buhay mo Kennylle! Ikaw ang sumira nyan! Ikaw!) Sigaw nya sakin sabay tawa ng malaka.

Binalibag ko yung cellphone ko.

Napaupo ako sa sahig ng kwarto ko

Napahilamos ako ng mukha kahit walang tubig.

Nanginginig.

Naiiyak.

Nanlalamig.

AYOKO NA!

LUBAYAN MO NA KO!

Umiyak nako ng tuloyan. Ilang taon na yung nakalipas. Sana lubayan nako ng kasamaan ko noon. Ayoko na talagang balikan yun. Iyak lang ako ng iyak. Mukha na kong baliw sa kakaiyak.

May kumatok sa pintoan kaya napatitig ako dun. Kahit di sya umiimik at kumakatok lang sa pituan, alam kong si Shama yun na lalong nagpaiyak sakin.

Pinagsisisihan ko ang nangyari noon.

Parang may kung anong tumusok sa dibdib ko, di na kasi kinaya ng konsensya ko kaya ako na mismo ang lumayo sa nakaraan pero bakit parang hinahabol ako ng aking kasamaan noon?

"Na jejebs ako Shama. Sa baba mo nalang ako hintayin okay?" Pagsisinungaling ko sa kanya habang nakatakip pa rin ang mukha ko sa kamay ko.

"Okay" Response niya sa sinabi ko. Kahit yun lang ang sinabi niya alam kong nag aalala siya sakin.

Umiiyak parin ako kasi naaalala ko na naman yung nakaraan na pilit kong kinalimutan.

Shama POV

May naramdaman akong kakaiba kay Kennylle kaya sinundan ko siya kanina sa kwarto niya. Narinig ko pa yung sigaw niya na parang may pinagtatalonan siya sa kabilang linya.

Nung tumunog pa lang cellphone nya kanina nakaramdam ako ng kaba pero di ko pinansin yun at nagpatuloy sa pagbabasa ko. Nung tiningnan ko si Kennylle at saktong nagtama yung mga mata namin, kahit ayaw niyang sabihin sakin alam kong may mali. Namumutla siya kaya lalapitan ko sana siya pero nagsalita siya sabay lakad papunta sa kwarto niya na ikinakunot ng noo ko. Alam kong hindi ate niya ang tumatawag kasi Video Call ang hilig nun. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

Tahimik lang kaming tatlo dito sa sala. Ewan, pero iba talaga ang nararamdaman ko eh pero tulad nung kanina di ko na pinansin.

Siguro kakausapin ko nalang bukas si Kennylle.

Malapit na rin gumabi kaya nag paalam na ako kay Kennylle na uuwi nako.

Nagpaalam narin tong si Adrianne.

May mali rin sa kanya kasi di na nya ko kinukulit. Naging maayos naman ang buhay ko so far.

STALKER (Unfinished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon