Shama POV
Gusto ko na sanang magpahinga pero di ko magawa.
Iniisip ko yung nangyari kanina.
"Mahirap bang mahalin ako Shama?"
"Mahirap bang mahalin ako Shama?"
"Mahirap bang mahalin ako Shama?"
Paulit ulit yang tumatakbo sa utak ko.
Di ko alam yung sagot. O natatakot lang talaga ako?
Akala ko noon, trip nya kong asarin kaya parating umaligid si Adrianne sakin. Masama ba kong tao? Ba't nangyayari to sakin?
Kailangan kong masugatan yung tanong nyang napakahirap.
Ang gulo gulo pa rin ng isip ko.
Bumaba ako mula sa kwarto ko at hinanap ko si Yaya. Di naman ako nahirapan sa paghahanap sa kanya dahil nakita ko agad sya sa sala naglilinis.
"Yaya" Tawag ko sa kanya.
Tumingin naman sya sakin sabay ngiti at tinapos nya muna yung pag pupunas nya.
"Oh anak, anong kailangan mo?" Tanong nya sa akin habang nakangiti sa akin.
Si yaya lang na natatagoan ko ng sekreto ko. Nakikinig naman sya sakin kahit nya masyadong naiintindihan ang sinasabi ko.
"Yaya, yung kaibigan ko kasi." Panimula ko.
Umupo naman kami sa sofa.
"Oh, anong nangyari sa kaibigan mo?" Tanong naman nya sakin.
Nag pa cute muna ako para ayos ang panimula ng conversation naming ni Yaya! Hahahahaha
"Kasi ano, may biglang kumukulit sa kanya. Akala nya inaasar lang sya nung kumukulit sa kanya by saying yung mga sweet words ba. Naaasar kasi sya kaya ayun na yung conclusion nya dahil di naman nya masyadong kilala yun." Putol ko sa sinabi ko.
Bumuntong hininga muna ako para bumwelo. Si yaya naman nag hihintay sa idudugtong ko.
"Kaya ayun. Naiinis yung kaibigan ko sa presensya nung kumukulit sa kanya. Nag tagal sumasama na sa kanya mag lunch. Ganun pa rin yung daily routine nila. Nangungulit yung guy, yung kaibigan ko naman naiinis sa kanya. Hanggang..." Putol ko ulit.
Break muna parang mauubosan ako ng laway sa sasabihin ko susunod eh.
"Hanggang?" Nagsalita na talaga si Yaya, nabitin ko ata. Hahahaha
"Hanggang sa nagkomprontahan talaga sila. Dun nya nalaman na seryoso pala yung kumukulit sa kanya sa mga pang aasar nya. Tsaka tinanong sya nung kumukulit sa kanya na mahirap ba daw syang mahalin kaso di alam ng kaibigan ko yung isasagot nya. Ano kayang dapat nyang gagawin yaya?" Tanong ko sa kanya matapos kong mag kwesto.
Baka kasi may alam si Yaya sa ganitong bagay.
"Alam mo anak? Matanda nako para dyan pero ang masasabi ko lang sa iyo--." Naputol yung sasabihin nya nung sumingit ako.
"Yaya naman eh, ba't sa akin? Sa kaibigan ko nga diba?" Paalala ko sa kanya.
Tumawa lang naman sya.
"Oh sige sige. Ang masasabi ko lang sa kaibigan mo na pakinggan nya yung puso nya kung ano talaga ang sinasabi ng kanyang puso. Alam mo bang di sa lahat ng bagay tama ang utak? Minsan ang utak sobra kung mag isip. Nasa sistema na kasi natin na dapat mag isip muna bago gumawa ng aksyon." Malumanay na sabi ni Yaya.
Di ko gets. Kumunot lang yung noo ko sa sinabi nya. Trying to figure out kung ano talaga ang ibig nyang sabihin.
"Example. Sa bahay mayroon syempreng, Ama, Ina at Anak. Sa bahay, ang palaging na nagdedesisyon ay ang Ama na ipagpalagay natin na Utak. Tsaka yung Ina kunwari sya yung puso. Tpos yung Anak ang katawan. May gustong gawin si Ina na makakabuti sa Anak nya kaso andyan si Ama na kumukontra kay Ina sa anong gusto nya. Alam mo ba kung ano palaging sinasabi ng Ama?" Tanong ni Yaya sakin.
Lumingo lingo naman ako dahil di ko naman alam yung sagot eh. Di ko kasi alam na magpapaquiz pala si Yaya di tuloy ako nakapag study. Hahaha
"Sabi ni Ama, sya raw ang dapat sundin dahil sya ang nakakataas. Ang di alam ng Ama na tama rin si Ina." Sabi ni Yaya.
Gets ko na. Utak parati ang iniiral natin kaya minsan complicated ang buhay natin. At sigurong tandaan rin natin na hindi hawak ni utak si tandhana. Atsaka may ibang kakayahan rin ang puso mag desisyon.
Pero ang tanong.
Paano ko mapapakinggan ang sinasabi ng puso ko?
Tumingin ako kay Yaya at ngumiti sa kanya ng pilit. Dagdag isipin na naman to. Tumayo nako at nag paalam kay Yaya na matulog na. Nag nod naman si Yaya.
Agad kong tinungo ang kwarto ko.
Anong gagawin ko?
Hanggang ngayon di ko pa rin alam ang tamang pwedeng gawin.
Nagsimula tumulo ang luha ko. Ewan ko kung bakit pero isang bagay lang ang malinaw sakin.
Yung sakit.
Akala ko okay na ko sa nangyari kanina pero di pa pala.
Ba't ba ko nagkakaganito?
"Ayoko. Ayokong may lalaking nakayap sa iyo. Nakangiti sayo at napapangiti ka. Gusto ko ako lang. Ako lang Shama! Siguro nga tama ka, di ko hawak ang buhay mo pero Shama di mo ba alam yung salitang Mahal Kita? Alam mo naman siguro yun diba? Dahil araw araw ko pinapakita sayo kahit pinagmumukha mo na akong tanga, gago at baliw sa harap ng ibang maraming tao. Ansakit lang Shama dahil kahit sobrang malinaw na yung mga actions ko di mo pa rin napapansin o ayaw mo lang talagang pansinin? Mahirap bang intindihin yun Shama? Mali bang mahalin kita?"
Siguro nga panahon na para pakinggan ang puso ko.