Linn Adrianne POV
"Adriaaaaanne!" Tawag sakin ng kung sino.
Paglingon ko, si Shama pala.
Nabigla ako pagkakita ko sa kanya.Okay lang ba sya?
May sakit ba sya?
Ba't namumutla sya?
Shit! Kasalanan ko to eh.
Gusto ko man tumakbo papunta sa kanya at tanongin kung okay lang ba sya pero pinili kong manatili sa kinatatayoan ko.
Wala na masyadong mga estudyante sa paligid namin.
Naglakad sya palapit sakin pero huminto rin sya na may pagitang limang hakbang.
"Bakit?" Panimula nya.
Nakikita ko sa mga mata nya yung pangingilid ng luha nya.
Shit! Ayoko mang nakikita syang umiiyak pero kailangan kong manatili sa kinatatayoan ko.
"Ayaw mo na ba sakin?" Tanong nya sakin.
Una nagtaka ako sa tanong nya.
Shit shama! Di ko kaya ayawan ka! Mahal kita kahit ang manhid mo!
Nanatili lang ako sa posisyon ko na nakatingin lang sa kanya.
"Alam mo, ang sakit pala. Ang sakit palang yung taong gusto mo, may kasamang iba." Humihikbi nyang sabi.
Napangiti ako sa sinabi nya. Ibig bang sabihin nito ako yung tinutukoy nyang gusto nya?
"Ang daya mo! Sumuko ka kaagad!" Sumbat nya sa akin.
Mas lalo akong napangiti sa sinabi nya. Pero binawi ko rin naman agad ito nung tumingin sya sa akin.
"Si Annika na ba ang pumalit sa akin dyan sa puso mo? Alam mo bang gaano kahirap na itago tong nararamdaman ko dahil buong akala ko joke lang ang lahat! Joke lang lahat yang pinaparamdam mo sakin, yang mga salitang nagpapabuhay sakin. Ang daya lang dahil ang buong akala ko na joke lang ay totoo pala pero ngayon wala nakong lugar dyan sa puso mo, para lang akong tanga noon no? sinantabi ko ang nararamdaman ko para lang saktan ang sarili ko. Ha ha" litanya nya sa akin habang tumatawa ng mapait.
Nakatingin pa rin ako sa kanya pero ngayon di ko na mapigilan yung ngiti.
Magsasalita na sana ako ng biglang nag collapse si Shama.
"Shit!" Tanging sambit ko nung pabagsak na sya.
Agad akong tumakbo sa kanya. Buti nalang nasalo ko sya. Pagkahawak ko sa kanya halos mapaso ako sa sobrang init ng katawan nya. Sa sobrang init pwede nako magsaing.
Ang taas ng lagnat nya. Agad ko syang binuhat at dinala sa School Clinic.
Kahit ang bigat nitong mahal ko kakayanin kong tumakbo para lang gumaling sya agad.
Pinagtitinginan nako ng ibang mga estudyante. Buti nalang, malapit lang sa building namin yung clinic kaya di ako nahirapan.
"Nurse, ang taas po ng lagnat nya." Sabi ko sa nurse na agad rin naman nyang hinanda yung higaan para kay Shama.
Pinahiga ko na si Shama. Bumalik yung atensyon ko sa nurse.
Di ko mapigilan ang sarili ko sa pag aalala.
"Nurse, please. Pagalingin nyo po agad sya." Pagmamakaawa ko sa Nurse.
Napatawa ang nurse sa inasta ko kaya napakunot ako ng noo.
"Huwag kang mag alala, lagnat lang to. Di to cancer" natatawang sabi sakin ng nurse.
Di nalang ako umimik baka lalo pa kong mapahiya dito sa nurse na to.
Pinili kong umupo sa gilid ng kama kung saan nakahiga si Shama habang inaasikaso sya ng nurse.
Hinawakan ko ang kamay nya. At hinihimas himas ito.
Tumikhim yung nurse kaya napatingin ako sa kanya, nag sign nya na okay na daw kaya bumalik sa sya sa mesa nya.
Habang hinahaplos ko yung kamay nya nagsimula akong magsalita.
Para bang ikinuwento ko sa kanya kung ano yung mga gusto kong sabihin sa kanya kahapon dun sa cafeteria.
"Alam mo ba? Para sayo naman talaga dapat yung tanong ko kahapon na mauubos mo ba talaga yung pagkain na inorder mo tsaka di naman talaga kami dapat magkasama ni Annika, nagkataon lang na nakasunod sya sakin pumila kaya nakisalo nalang ako sa kanya ng mesa." Sabi ko sa tulog na shama.
Hinawi ko yung iilang hibla ng buhok nya na sagabal sa mukha nya. At tsaka pinatuloy yung sinasabi ko.
"Alam mo bang halos suntokin ko si Annika dahil sa pagtitig nya sayo? Hahaha"
Napatawa ako ng maalala ko yung reaksyon ni Annika halatang nagulat sa inakto ko.
"Iniwan ko kaagad si Annika sa Cafeteria para sana sundan ka pero di na kita naabotan."
Pag tatapos ko sa kwento ko.
Kinuha ko kaagad yung cellphone ko ng may malala ako.
Di ko pa pala nasabihan si Kennylle na andito ngayon sa Clinic si Shama. Hihi, nadala sa pangyayari eh.
To: kinil
Message: Andito kami ngayon sa Clinic.Pinalitan ko na yung contact name nya dahil nandidiri talaga ako sa previews name nya.
Nagreply naman agad tong babaeng surot.
From: Kinil
Message: Ang cheap mo naman ka date, sa Clinic mo pa talaga dinala si Shama. Ang galing! Napaka romantic!Jusko, ang babaeng to. Sarap batokan 2x2x2x.
Di ko na sya ni replyan dahil alam kong pupunta rin naman yun dito kahit di imbitado basta alam lang nya yung venue. Hahahahahaha.
Tiningnan ko si Shama na ang himbing ng kanyang tulog.
"Kung tulog ka lang siguro parati, aakalain ko talagang anghel ka. Hahaha pero okay lang, mahal naman kita kahit sobra mong maldita" sabi ko sabay halik sa kamay nya.
Nakatulog ako sa pagbabantay kay Shama hanggang sa dumating yung babaeng surot.
"Ohmyghaaad!, anong ginawa mo kay shama!" Sigaw nya sakin.
Woaaah! Oa nito.
Pinitik ko yung noo nya. Ang ingay."Manahimik ka nga baka magising si Sham--- oh tingnan mo! Nagising tuloy." Sita ko sa kanya.
Agad akong bumalik sa kinauupoan ko.
"Hihi, shareey." Pagpapacute nitong surot na to.
"Okay ka lang ba shama? May masakit ba sayo?" Nag aalala kong tanong sa kanya.
Nakatitig lang sya sakin habang tumatango.
"Gusto mo ng tubig?" Tanong ko kay Shama. "Hooy babaeng surot, kumuha ka nga run ng tubig" inutosan ko si Kennylle. Napabusangot sya sa utos ko pero ginawa rin naman nya.
Bumalik yung tingin ko kay Shama na nakatitig pa rin sakin pero ngayo nangingilid yung luha nya.
"Sshhh. Okay ka na ba talaga?" Paninigurado kong tanong sa kanya.
"Adrianne" tawag nya sakin na sakto ring tumulo yung luha nya.
Pinunasan ko ito at ngumiti sa kanya.
"It's okay baby" tanging sinabi ko sa kanya tsaka ko sya hinalikan sa noo.
"Magpahinga ka muna, okay? Don't stress yourself." Sabi ko sa kanya habang hinawakan ko ang mukha nya na nakangiti. Tumango naman sya.