Linn Adrianne POV
"Seriously kuya?" di makapaniwalang tanong ni Arianne.
Kumalat lang naman po sa social media ang Kis—Argh! Letche galit ako kay Shama. OO! galit ako sa kanya! hindi pala. Hindi ko kayang magalit sa kanya. Aiiish pero pano nya nagawa sakin to?
(Syempre, inutosan nya yung nerd na halikan ka. Bobo lang Adrianne?)
Pano nya ko pinahiya ng ganito?
(Alam mo Adrianne, nakakabobo ka tsk.)
Inagrabyado ko ba sya?
(Hindi naman, kinukulit mo lang naman sya. Okay lang sa kanya yun. dzuh! Antalino mo mag isip Adrianne.)
Ano bang ginawa kong mali?
(Mag isip ka Adrianne kung ano ang mali mo, ang dami mong tanong.)
Minahal ko lang naman sya ah, mali ba yun?
(Baka nga. Di ka naman mahal nun eh. Nagbago na sya.)
Bwesit kang utak ka sumasagot ka pa talaga, di naman ikaw tinatanong ko. Napahilamos nalang ako ng mukha, bwesit talaga. Kapag inaalala ko yung nangyari kanina argh! ansarap pumatay ng tao, sarap patayin ng nerd na yun.
*Flashback*
Habang nag kikissing scene kami ni Shama dito sa Cafeteria, sobrang ingay. Ninanamnam ko yung kiss namin. Minsan lang to tol. Jackpot na to!
May narinig akong malakas na tawa. Napakunot noo ko pero nakapikit pa rin. Familiar yung tawa. Kilala ko yung boses na yun eh.
Nadagdagan yung tumatawa. Familiar din yung isa tapos wala na kong alam sa ibang tawa. Di ako nagkakamali. Tawa talaga yun ni Kennylle pero bakit?
Yung isa, kahit di ko pa narinig tumawa yun alam ko yung boses nya pero nagkikiss kami eh pano naging siya yun? pero boses nya talaga yun eh. Dinilat ko yung mga mata ko. Inamoka!
Iba!
Di tao!
Pang out of this world!
Di siya si ano.
Di siya si Shamaaa!
Iba yung nahalikan ko!
Nerd!
N-nerd ang nahalikan ko.
Napatulala talaga ako sa gulat. Napatulala ako sa nangyari. Di ako makagalaw, kahit di ko libutin ng tingin ang mga estudyante dito sa cafeteria alam kong tumatawa sila sa nakita nila para akong binuhosan ng malamig na tubig. para na siguro akong natatae sa expression ng mukha ko ngayon. Bwesit!
"Ganun na pala ang type mo ngayon?" sabi ng kung sino sabay tawa. Nabalik ako sa sarili ko nung marinig ko yun. Agad tinungo ng mata ko sa nag salita. Tama nga ang hinala ko. Si Annika yung nagsalita. bwesit!
BINABASA MO ANG
STALKER (Unfinished)
Ficção AdolescenteDon't expect too much. Just read and imagine😊