A/N: sori guys, nagkaproblema ako sa chapter 6. Ginusto ko kasing iedit but lalo ata siyang nagkagulu- gulo. Sana lang maayos ko siya pag naki- wifi ulit ako. 😚
Anyweiz, salamat po sa mga patuloy na sumusubaybay sa story kong ito, ako nga po pala si Karren Joy Ricalde Guia, tubong Calaca, Batangas. Sana po ay manatili kayong sumusubaybay hanggang sa last chapter. Add me up on fb para doon sa mga readers na hindi ko pa po friend, just search Cupidh Miho Marasigan Ricalde on fb. Thanks po. 😊
Yoon Ah's POV:
"Bossing Ji Hyun, bakit di natin puntahan si Miss Jhara para siya na mismo ang tanungin natin?" Tukoy ko sa isyung nangyari sa set 3 days ago habang kausap ko siya in Korean.
"Keurae...."
(You're right...)
"Sige, gawin natin yan. Tawagin mo si manager Yeon. Sabihin mo ang tungkol dito at alamin mo na rin kung free ako today", patuloy niyang sabi in Korean."Free kayo bossing from 10am - 3pm. Mamayang 3pm may appointment kayo with the executives of Smithson Group para sa bagong project", sabi ko sa kanya (in Korean pa rin).
"Galing mo talaga!", Sabi niya in Tagalog. Isa sa mga kakaunting Tagalog words na alam niya. Ewan ko kung san niya natutunan yun?
"Pwede ka ng maging secretary ko ah. Kabisado mo ang schedule ko", sabi niya ulit in Korean."Syempre bossing! All around fan mo ako kaya dapat alam ko yan lahat! Para alam ko kung saan ka ii- stalk!" Sabi ko. (Akala niya ata nagbibiro ako. Tawa pa siya.)
***
Hyung Min's POV:
Napagpasyahan kong dalawin si Jan Nara. Nalaman ko ang address niya mula sa isa sa mga empleyado ng KTVNN. Ang tv network kung saan ipapalabas ang kdrama na sinu- shoot nila. I needed to pull out some strings. Akalain ko ba namang sa Mandaluyong city din siya nakatira? Dati pala silang sa Quezon city nakatira. Lumipat lang sila ng pamilya niya sa isang exclusive subdivision dito sa Mandaluyong matapos siyang maging artista. Pero sa kasalukuyan, nakatira siya sa isang first class condominium dito rin sa Mandaluyong. Paminsan minsan, doon natutulog sina Seo Hee at Mi Suri.
Tiyak na magugulat siya pag nakita niya ako... Sana lang 'wag na niya akong ipagtabuyan... Ulit...
Naalala ko na naman ang nangyari 3days ago...
"Hyungmin Oppa, anong ginagawa mo dito?", Tanong ni Jan Nara habang papalapit sa kinauupuan ko. Panay ang tingin niya sa paligid. Hindi ko rin makakalimutan ang hitsura niya. Parang... Ayaw niya akong makita... Parang... Ikinakahiya niya ako...
"Masama bang bumisita?" Tanong ko.
"Hindi naman sa ganon... Kaya lang..." Sabi niya in Korean. Lalong umilap ang mga mata niya.
"Kaya lang ano?" Sabi ko. Napatayo na ako. Hinawakan ko siya sa braso, nanlalamig siya pero pinagpapawisan kahit pa hapon na noon at malamig sa Tagaytay.
"Kaya lang kasi..." Sabi niya. Inaalalayan ko na siyang maupo sa silya noon, hawak ko ang mga kamay niya, habang pinagmamasdan ang mukha niya at inaalam kung ok lang ba siya. Doon kami nakarinig ng tunog ng pagclick ng camera. Hinanap ko ang salarin. Ang baklang reporter na nasa di kalayuan sa amin. Nakakubli sa isang malagong halaman. Napansin ko na kaninang panay ang tingin niya sa akin kaya alam kong siya iyon. Hindi maitatago ng pinagkukublihan niya ang orange niyang buhok.
Bumitiw sa mga kamay ko si Jan Nara. Halos itulak na niya ako. Lalo siyang namutla. Nagkulay- suka na ang mukha. Dumating ang manager niya. Pinagsabihan ang kapwa bakla. Habang nagkakaroon ng diskusyunan ang dalawa, si Jan Nara naman ay nakita kong umusod palayo sa akin sabay sabing "Umalis ka na... Hindi ka dapat nandito, Oppa. Umalis ka na, please...", Sabi niya in Korean na halos pabulong lang. Humahangos na dumating si Seo Hee na nang malaman ang nangyayari ay biglang yumakap sa akin sabay halik sa pisngi ko.
"Love, bakit ngayon ka lang?" Malakas niyang sabi.
Anong nangyayari? Sabi ko sa isip ko.
Tigagal ang baklang reporter. Na- gets ko na. Subalit huli na dahil a minute ago, naisend na niya sa press ang picture namin ni Jan Nara.
Nakayakap pa rin sa akin si Seo Hee habang si Jan Nara ay inalalayan ni Mi Suri pasakay sa van nila. Ang reporter naman ay ini- scort- an na ng security palabas.
Ang sama ng nangyari. Parang nag- slow motion ang lahat habang papalayo si Jan Nara. Parang hindi niya ako nakikilala.
BINABASA MO ANG
FAN BOY MEETS FAN GIRL 1 ( COMPLETED )
RomanceFan girl ka ba? Paano nga ba maging isang fan girl? Maraming collection ng tungkol sa idol mo? Pumupunta sa lahat ng concert niya? Member ng fans club niya? Full support sa mga projects niya? Fan girl ka nga! Pero gaano mo kamahal ang idol mo? Si Yo...