Yoon Ah's POV
"Saan naman tayo ngayon pupunta?" Nakangiti kong tanong sa unggoy. Sakay ng kotse niya ay binabaybay namin ang daan papasok ng Batangas. Nasa bandang Nasugbu na kami.
"Sa Taal". Sagot niya.
"Ang layo nun ah." Sabi kong napasulyap pabalik sa dinaanan namin, nanghihinayang dahil sarado ang daang papunta sa Lemery. Mas malapit sana kung sa Payapa kami dadaan. Iikot pa tuloy kami. Pero ayos lang. Napasulyap ako sa napakaraming prutas na binili ng unggoy.
Takot siyang magutom?
Meron pang bukopie at pineapple pie. Hindi na ako maiinip sa byahe nito.
"Ikaw solo anak?" Biglang nagsalita ang unggoy kaya napatingin ako sa kanya.
"Hindi. Middle child ako. Si hyung (older brother) ang panganay, tapos si namdongsaeng (younger brother) ang bunso." Sabi ko. Tatangu-tango naman siya.
"Buti pa ikaw, kapatid dami. Ako solo lang". Sabi niya, may kaunting lungkot sa tono niya. "Kaya siguro masyado ako na-attach kay Jan Nara", napapailing- iling niyang sabi.
Hayan na naman siya. Tsk! Tsk!
"Namimiss ko na tuloy yung mga times na pinagsamahan namin... Blah.blah.blah" ang dami niyang sinabi. Pero nakwento na niya saken yun kahapon.
"Alam mo bang mag-bestfriend si Ji Hyun at ang pinsan ko?" Sabi niya bigla.
Nanlaki ang tenga ko sa sinabi niya.
Kung yan ba naman ang topic natin eh, di masaya.
Umayos ako sa pagkakaupo at humarap sa kanya. Ready nang makinig, sabay kinuha ko ang isang plastic na ponkan sa likuran. Tutok naman siya sa pagmamaneho habang nagkikwento.
"Classmate sila since kinder. Sanggang- dikit. Kambal- tuko. Hindi mapaghiwalay. Siya ang palaging bukam-bibig ni kuya. Lumipat si kuya sa amin nung magfirst year high school siya dahil naulila siya sa mga magulang. Akala ko nga magiging close na kami ng sobra pero parang kasama ng mga bagahe niya ang pagdating din ni Ji Hyun sa buhay namin. Noon ko napansin ang mga pagbabago kay Jan Nara pero binalewala ko na lang. Halos sa amin na siya tumira, parang ayaw nang umuwi, akala ko ako talaga ang gustong makasama. Dinedma ko lang yung mga magagandang ngiti niya kay Ji Hyun noon. Mga bata pa kasi kami. Lately ko lang nalaman na kaya pala minsan hila- hila niya ako agad pauwi after school kasi nandoon din si Ji Hyun sa bahay tumatambay kasama ni kuya. Mahilig sila sa music kaya palaging may jamming sa bahay", mahabang kwento niya. Napapangiti ako habang nagbabalat ng ponkan.
Oo, tama. Mahilig siya sa music. Doon ko siya nakilala. Pero hindi siya doon sumikat. Isinubo ko ang isang piraso ng ponkan.
"Pahingi." Sabi ng unggoy, sa daan nakatingin. Napaangat ang kilay ko.
"Ah..." Sabi niyang nakanganga na. Nanlaki ang butas ng ilong ko pero wala na akong choice kundi subuan siya na siya ko ngang ginawa.
Kesa naman mabangga kami kung siya pa magbabalat ng kanya.
"Bakit isa lang? Gusto ko tatlo", nakanguso niyang sabi habang ngumunguya.
"Bakit tatlo?" Napaangat na naman ang kilay ko.
"Mas malasa pag tatlo. Nakakabitin naman yung paisa- isa", mas nanghaba ang nguso niya. Para siyang bata.
Ah, akala ko, i love you kaya tatlo. Napailing ako sa naisip ko.
Wag ka ngang feeling Yoon Ah? Nabigyan ka lang ng blue rose, akala mo may gusto na sa'yo? Hahaha! May Jhara na nag- eexist sa mundo, okay? Sabi na naman ng isip ko. Pumiraso uli ako ng tatlo.
BINABASA MO ANG
FAN BOY MEETS FAN GIRL 1 ( COMPLETED )
RomanceFan girl ka ba? Paano nga ba maging isang fan girl? Maraming collection ng tungkol sa idol mo? Pumupunta sa lahat ng concert niya? Member ng fans club niya? Full support sa mga projects niya? Fan girl ka nga! Pero gaano mo kamahal ang idol mo? Si Yo...