What happened earlier under Ji Hyun's POV:
Pasakay na ako ng elevator. Swerteng ako pa lang ang tao. Pero maya maya lang, may dalawang babaeng pumasok ng building at pasakay na rin sa elevator. Mabilis kong isinuot ang shades ko.
Ang tagal naman ng babaeng yun. Sabi niya susunod na siya. Sabi ko sa isip ko na ang tinutukoy ko ay si Yoon Ah. Unti unti nang dumadami ang mga tao. Baka makilala nila ako at pagkaguluhan... Maghagdan na lang kaya ako? Ah, matatagalan bago pa ako makarating sa taas. Ayokong pagod na ako bago pa ako makarating dun.
Hanggang sa...
"Parang kilala ko siya...", Bulong ng isang babaeng katabi ko.
"Oo nga. Parang pamilyar siya sa akin. Hindi kaya isa siya sa mga ex ko?" Sabi naman nung babaeng katabi niya.
"Anu ka, mas kahawig siya nung ex ko... Tingnan mo oh, kahit saang anggulo tingnan, kamukha niya talaga", napapalatak na sabi ulit nung nauna. Sabay sabing, "kuya pwedeng pakitanggal ng shades mo? Please naman oh?" Lambing niya sa akin.
Sa totoo lang, wala akong naiintindihan sa mga sinasabi nila dahil nga hindi ako marunong magTagalog. Pero ang napag- usapan namin ni Yoon Ah, na sa mga ganitong pagkakataon, ang isasagot ko ay...
"Ay inakow, hindi pwede Miss eh! Aba'y ako'y nagkamer- on ng sur ays eh", sagot ko sa praktisadong linya.
Napasinghap ang pangalawang babae. "Pati boses niya pamilyar! Sigurado na ako, kilala ko siya!"
"Naku mga ineng, palagay ko mas kahawig siya ng apo ko sa tuhod. Aba'y taga Batangas din pala areh eh!" Sabi ng isang lola.
Tumapat ang elevator sa 8th floor at bumukas. Lumabas si lola. Lumabas na din ako. Maghahagdan na lang ako.
"Wait lang, kuya! Parang kilala na talaga kita---" pigil ng pangalawang babae pero sumara na ang elevator. Nakahinga ako ng maluwag.
"Siya paano iho? Ako'y mauuna na sa iyo dineh?! " Sabi ng lola.
"Opo", na lang ang nasabi ko sabay yuko. Nang makapasok si lola sa unit niya, naglakad na ako sa dulo ng hallway paakyat sa hagdan ng 9th floor... Pero maraming nakatambay sa hagdan... Nagdalawang isip ako...
Mag- elevator na lang kaya ulit ako. Bumalik ako sa hallway, sinilip ang elevator. Nakahinto ito sa 11th floor. Naghintay pa ako ng isang minuto. Hindi na gumagalaw ang elevator. Ibig sabihin, walang gumagamit. Pagkakataon ko na! Pinindot ko ang "up" button. Bumaba na ang elevator sa 8th floor at bumukas na ito. Sumakay na ako at pinindot ko ang number 10. May sumakay pa ulit. Matandang lalaki. Pinindot ang number 29. Tiyak na matatagalan pa ang elevator bago bumaba ulit.
BINABASA MO ANG
FAN BOY MEETS FAN GIRL 1 ( COMPLETED )
RomanceFan girl ka ba? Paano nga ba maging isang fan girl? Maraming collection ng tungkol sa idol mo? Pumupunta sa lahat ng concert niya? Member ng fans club niya? Full support sa mga projects niya? Fan girl ka nga! Pero gaano mo kamahal ang idol mo? Si Yo...