Chapter 65: Yoon Ah

3 1 0
                                    

"Miss Jhara, Ji Hyun, pwede ba kaming magpapicture sa inyo? Jhajinaticz po kami," tatlong babae ang lumapit sa amin, titig na titig kay Ji Hyun at Jhara, hindi malaman kung kanino titingin.

Nagpaunlak naman ang dalawang artista, tumayo at lumapit sa dagat sa pakiusap na rin ng mga fans para daw maganda ang background.

Kumaway sa akin ang tatlong babae bago tumalikod. Siguro ay nakilala ako bilang admin ng jhajinaticz. Ngumiti ako at gumanti ng kaway, kahit na hindi ko sila nakikilala dahil sa sobrang dami na ng miyembro.

"Uhurm," tikhim ulit ni Hyung Min saka naupo sa silyang inuupuan ni Ji Hyun kanina.

May ubo ba 'to?!

Bumalik ang asar ko nang may maalala.

"Sabi mo, hindi mo pagsusuotin ng ganon si Jhara? Eh anong tawag mo dun? Ang daya mo naman eh." Nanghahaba ang ngusong sabi ko.

"Eh ganyan na siya paglabas ko dito, eh," sagot niyang nakairap.

"So, minalas lang pala ako dahil ako ang naabutan mo kanina pag labas mo ng kwarto? Tsk! Tsk!" Napapailing na sabi ko.

"Success ba?" Maya-maya ay nakangisi kong tanong.

"Ang alin?" Kunot- noong tanong din niya.

"Ang pagbabanyo mo." Sabi ko. Pinamulahan na naman siya ng mukha. Lalong lumawak ang ngisi ko.

Ang sarap niyang asarin.

Napangisi din siya bigla.

"Oo. Ang dami ngang luma--"

"Shut up!" Putol ko sa anumang sasabihin pa niya. Ako naman ang namula. "Kailangan pa talagang sabihin?!"

"Tinatanong mo di ba? Sinagot ko," sabi niya, wearing a half grin na siyang lalong ikinainit ng ulo ko.

Bumalik ata sa akin ang pang-aasar ko.

Parang binanas ako bigla.

Tinangka kong hubarin ang jersey dahil naka-two piece naman ako sa ilalim nito.

"Hey, hey! What are you doing?!" Malakas na sabi ng unggoy, hinawakan ako sa braso.

"Maglalangoy." Sagot kong naniningkit na ang mga mata sa asar.

"Maglangoy ka na lang ng ganyan," sabi niya in Korean. "Nakikita mo ba ang isang yun? Naka- jogging pants pa nga oh," turo niya pa sa isang babaeng naka-jogging pants na unti- unti nang lumulusong sa dagat.

Hindi ko na napigilan ang panlalaki ng butas ng ilong ko.

"Ang istrikto mo naman! Sino ka ba, ha?!" Sabi kong humarap na sa kinauupuan niyang silya.

"Boyfriend mo." Seryoso niyang sabi.

Lumapit ako sa kanya.

"Nagpapanggap lang tayo, ok?" ibinulong ko iyon sa tainga niya pagkatapos ay sinulyapan ang tatlong fans na kasama nina Jhara. Nakatingin ang mga ito sa amin at nakangiti. Ngumiti rin ako ng pilit.

"Alam ko." Nakangisi namang sagot ni Hyung Min. "Ang sarap mo palang magpanggap. May kasama pang halik at haplos," lumawak ang pagkakangisi niya.

Sumeryoso ako. Namula ang mukha ko.

"Ikaw ang humalik." Seryoso ko na talagang sabi. Napatayo na ako.

"Sino ang nauna?" Ang lawak ng ngiti niya.

I rolled my eyes.

"Fine." Sabi kong tumalikod na at naglakad patungo sa dagat.

FAN BOY MEETS FAN GIRL 1 ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon