Yoon Ah's POV
Alas dose na ng sapitin namin ang Lemery kaya naman kumain muna kami sa Sa Pinggan. Isa iyong sinaunang bahay na ginawang restaurant. Napanatili ang classic na style nito at pati ang mga nakadisplay ay mga gamit na mula pa sa panahon ng mga Kastila. Merong sinaunang panggiling ng bigas, mga sinaunang plato at kutsara at kung anu- ano pa. Pumapailanlang ang malamyos na musika.
"Ang galing ah, pati yung haligi, sinauna" papuri niya, panay ang linga sa paligid.
"Oo. Isa yan sa mga napreserve nila", sabi ko. Dumating na ang order namin. Pansit guisado ang inorder ko saka Milo Dino Smores for dessert. Pandalawang tao na yung pansit guisado kaya humingi pa ako ng isang plato sa waitress at ipinagsalin ko si unggoy.
"Ito tikman mo, paborito ko yan", inilagay ko sa tabi ng plato niyang may lasagna ang plato ng pansit.
Ang Milo Dino Smores naman ay dessert na nakalagay sa sinaunang mason jar, merong chocolates, nougat, yema, at chocolate ice cream. Meron ding chocolate wafer at choco knots sa gilid. In short, umaapaw ang ka- sweetan ng dessert na ito.
"Parang sanay na sanay ka dito ah", puna niya.
"Oo, may bahay ako malapit dito", sabi ko. Nasamid siya.
"Akala ko sa Lian ang bahay mo?" Nagtatakang tanong niya.
"Oo nga. May bahay ako dun pero may bahay din ako sa kasunod na bayan. Sa Calaca. Yung sa Lian, sa Matabungkay yun. Tabing- dagat. Beach house yun. Yung sa Calaca naman halos parang nasa bundok ka na. Maraming puno. Magubat." Napasipol siya. Tatangu-tango.
"Ayos ka ah. Ako bibili din property dito bago ako umalis", sabi niya.
"Aalis ka?" Tanong ko.
"Oo. Bakasyon lang ako dito. Mag- aaral ako sa Amerika", sabi niya.
"Ah," tatangu-tango kong sabi bago ipinagpatuloy ang pagkain.
Pagkatapos noon ay dumiretso na kami sa Taal. Inuna namin ang simbahan. Napakaganda nito at talaga namang napakalaki. Napakarami ring mga turista ang pumupunta para magpicture at magsimba.
"Picture tayo." Sabi niya. Hawak ang cellphone niya ay nagpose kami sa camera. Pareho kaming nakangiti habang ako ay naka- heart sign ang hintuturo at hinlalaking daliri.
"Ako din, sa cellphone ko naman", sabi ko naman. Napicture ulit kami. Pero ang lokong unggoy nilagyan ako ng sungay sa ulo gamit ang mga kamay niya.
"Ano ba yan, ang pangit", sabi ko.
"Panget ka naman talaga". Sabi niya. Napanguso ako.
"Ulitin natin", sabi ko.
"Ayoko nga", tanggi niya. Hindi ko na lang binura ang picture. Nagpakuha na lang ako ng solo na ang background ay ang simbahan.
Inubos namin ang hapong iyon sa paggala pa sa ibang parte ng Taal. Mayroong mga museum at mga sinaunang bahay, mga magagandang damit na binurdahan at mga balisong na mabibili bilang pasalubong. Gabi na kami nakabalik ng hotel.
Pinaghanda niya ako para sa isang "special"daw na dinner kaya naman inihanda ko na ang aking susuotin bago ako nagpahinga muna para maligo.
Ji Hyun's POV
Napaidlip naman pala ako ng ilang oras. Dala na rin marahil ng pagod, puyat at sobrang pag- iisip.
Bakit nga ba ako isip ng isip ng kung anu-ano? Tsk! Walang kwenta!
BINABASA MO ANG
FAN BOY MEETS FAN GIRL 1 ( COMPLETED )
RomansFan girl ka ba? Paano nga ba maging isang fan girl? Maraming collection ng tungkol sa idol mo? Pumupunta sa lahat ng concert niya? Member ng fans club niya? Full support sa mga projects niya? Fan girl ka nga! Pero gaano mo kamahal ang idol mo? Si Yo...